Chapter 30

22.7K 603 10
                                    

Alice

Sumakay kami sa yacht na pagmamay ari ni Carter. Nakarating kami sa isang isla. Maputi at pinong buhangin, asul na dagat at iilang mga turista na namamasyal ang sumalubong sa amin

The weather is perfect for sunbathing. It's kinda hot but still bearable. Hindi na ako nagtaka nang makita ang iilang babae na nakasuot ng bikini at nagbababad sa araw

Agad na ipinalibot ni Carter ang braso sa bewang ko habang bitbit sa isang kamay ang bag namin

May lumapit sa aming staff at iginiya kami sa tutuluyan namin. Yeah, we'll stay in the same room

May small kitchen, bathroom, living room and of course bedroom. I went inside the bedroom. Tumagal ang titig ko sa malaking kama na nasa gitna ng kwarto. The memories of us making out crossed my mind. The temperature inside the room suddenly risen. Heat started to consume my body

An image of us being intimate with each other. On the same bed. Kissing. Panting. Sweating

Pinilig ko ang ulo ko. Damn, when did I become so dirty minded?

"I wonder what's running on your mind" Carter huskily whispered on my ear

Halos mapatalon ako dahil sa ginawa nya

"Don't do that again!" angil ko. Tumawa lang ang damuho at inilagay ang bag malapit sa closet. Binuksan nya ang bag at sinimulang ilagay ang mga damit sa loob

Napailing ako at inagaw ang mga damit sa kanya

"Ako na rito"

Tinuro ko ang kama

"Lie there and rest" siguradong pagod sya dahil medyo mahaba rin ang binyahe namin

Ibinalik ko ang tingin sa mga damit ko. I didn't bring a lot, sapat lang para sa itatagal namin dito

"Aren't you tired too?" naramdaman ko ang yakap nya mula sa likuran ko. He rested his chin on my shoulder

Hinarap ko sya. I held his hand and led him to the bed. Pinaupo ko sya

"Magpahinga ka na muna"

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya

"Tabihan mo ko"

Bago pa ako makasagot ay hinila na nya ako. He made me lay beside him. He offered his arm as my pillow and he buried his face on the crook of my neck. Ang isang braso nya ay nakayakap sa akin

"Ang bango mo" he whispered and dropped soft kisses on my neck. I stifled a moan

"Hmm. You're so soft"

Gumapang ang kamay nya sa may hita ko at marahang humaplos. I closed my legs when his hand reached my inner thigh

"Carter..." I said hoarsely

"A-akala ko ba magpapahinga tayo?"

His chuckle sent shiver down to my spine

Nanatili ang kamay nya dun at mas lalong isiniksik ang sarili sa akin

Ilang minuto ang nakalipas ay naging maayos na ang paghinga ko. I felt his breathing became even. It was a sign that he already fell asleep

I caressed his hair and hugged him even tighter

Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako

Nagising ako at napansin na wala na si Carter sa tabi ko

Inalis ko ang kumot at dahan dahang tumayo. I did some stretching before I left the room. Dumiretso ako sa may veranda at sumalubong sa akin ang malamig na pang hapong hangin at kulay kahel na kalangitan

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon