Chapter 2

30.4K 738 16
                                    

Alice

Malaki rin ang ginastos namin sa bahay dahil marami kaming binili at ang iba ay masyadong mahal tulad na lang ng furnitures

"What do you think about the colors?" tanong ni Emir habang pinagmamasdan namin ang bahay mula sa labas

Pinagmasdan ko ang mga lalakeng nagpipintura ng pader

"I don't have issues with it, white as the primary and black for the corners looks elegant to me" I find it clean actually

"Indeed. I totally agree with you" Emir said while nodding his head

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng ayusin namin ang bahay

"This is really a new beginning for us" bulong ni Emir

"You know Emir, hindi naman kita pipilitin na samahan---"

"Shut it Alice. It's my choice. You're like a sister to me, hindi kita pwedeng pabayaan"

I smiled and hugged him

"Thank you for everything Emir"

He kissed my head

"Silly, you don't have to thank me. Marami ka na ring nagawa para sa akin"

We really like siblings. He was my savior ever since we were kids, sila ni Kuya Leandro ang laging nagliligtas sa akin

"What if, I don't want to go back?" mahinang tanong ko

Bumuga sya ng malalim na hininga

"Then I'll stay until you finally make up your mind and face your Dad"

I smiled sadly

Hindi ko alam kung darating ba ang araw na yun

"Sabay na tayo mamili Alice!" rinig kong sigaw ni Mella. Tumakbo ito palapit sa amin

Nilingon sya ni Emir

"Sige na, ako na ang bahala dito"

Tumango ako at sumunod kay Mella. Balak namin mamili ng mga kagamitan para sa pasukan. Emir told me na ako na ang bahala na mamili ng mga school stuffs for the both of us

Pumara si Mella ng tricycle. Agad kaming pumasok nang huminto ito sa harap namin

"Manong! Sa bayan po kami" sigaw ni Mella

Umusad ang tricycle at ako naman ay ineenjoy ang sariwang hangin at ang tanawin na nadadaanan namin

"Sabay na tayo mag-enroll bukas Alice" biglang saad ni Mella

Nilingon ko ito at tumango. Ngumiti sya

Emir and I was planning to buy school stuffs after we enrolled ourselves but Mella came to our house and insisted to buy our needs earlier than the plan. And her reason is she was excited to buy new stuffs

"Nandito na tayo!" deklara ni Mella nang huminto ang tricycle

Inabot ko ang bayad sa driver at agad naman ako nitong sinuklian

"Thank you po"

"Mag iingat kayo sa pamimili hija. Mella bantayan mo yang kaibigan mo" the old man smiled to me. I appreciate his concern. I smiled back

"Asus! Ako na bahala dito Manong! Ingat po sa byahe!" sagot ni Mella

Maraming mga tao ngayon kumpara sa mga nakaraang araw. Karamihan sa mga nakikita ko ay halos mga kaedaran namin na may mga dalang supot na sa tingin ko ay mga gamit sa paaralan ang laman. Siguro dahil na rin sa malapit na ang pasukan

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon