Chapter 23

22.6K 710 39
                                    

Alice

Alam kong busy rin si Carter sa trabaho nya pero laging syang naglalaan ng oras para sa akin

And I really appreciate that. I do believe that if someone is giving you a time despite of their hectic schedules it means you matter to them

"Ano na Mella?! Galaw galaw girl!" sigaw ni Emir na nakatayo sa harap namin

"Hindi nga ako marunong sumayaw!" maktol ni Mella

"Gusto mo balian kita para ma-bend naman yang katawan mo?!" singhal ni Emir

"Ako na bahala" Liam volunteered and went to Mella

"Tara! Mag one on one tayo!" wala nang nagawa si Mella nang hawakan siya ni Liam at hinila palayo. They're just meters away from us

"From the top!" sigaw ni Emir. We did some aerobics exercises while he was clapping his hands and counting

"Okay! Very good!" tuwang tuwa si Emir. Nakabalik na sila Mella at Liam at ngayon nga ay sumasabay na sa amin

"Melissa and Liam, sa unahan kayo. Windows tayo to avoid blockings"

Melissa and Liam are good in dancing and also Emir

"Okay everyone!" tawag ni Sir Bern sa atensyon namin

"Your group performance is next week. May kasama na dapat music yan. Oh siya! See you next week!"

Nagpaalam na si Sir at kami naman ay niligpit na ang mga gamit. Nasa gym kami dahil sa PE class namin

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang towel. I started wiping off my sweat

"Maglu-lunch na kayo?" tanong ni Nick na nagpupunas din ng pawis. May hawak syang bottled water

Tumango ako sa tanong nya

"Here" he handed me the bottled water

"Wag na, meron ako" inangat ko ang bottled water na nasa bag ko. Tumango sya at binuksan ang sariling tubig at ininuman yun

Isinabit nya ang bag sa balikat nya nang makalapit si Liam

"Mauna na kami"

I nodded and he messes my hair before he left

I rolled my eyes. Now, I have to fix my hair because of what he did

"Crush ka pa rin ng isang yun" Melissa said when she sat on the bench

"We're friends" I simply said

"Mabuti nga hindi nagtampo nung tinanggihan mo nung sinabi nyang liligawan ka nya"

"Of course she will decline. May Carter na sya" singit ni Emir

"Bakit? Hindi ba pwedeng dalawa ang manliligaw?" Melissa asked curiously

"Carter is enough" nagkatinginan silang tatlo sa sinabi ko at mahinang tumili

"Sinagot mo na?" Melissa asked excitedly

"Gaga! Sila na!" singhal ni Mella

Napailing na lang ako at sinabit ang bag sa balikat ko

We went straight to the cafeteria. Nagpadala na naman ng pagkain si Carter tulad ng madalas nyang ginagawa

My phone beeped

Kinuha ko yun mula sa bulsa at binasa ang text mula kay Carter

'Enjoy the food'

Napangiti ako at magrereply na sana nang biglang may mag popped up na message mula sa kanya

'I can't pick you up later. I'm sorry baby'

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon