Chapter 7

25.5K 768 94
                                    

Alice

Mahinang hinampas ko ang paa ni Emir gamit ang dulo ng walis

"Aray! Makahampas naman ito!" reklamo nito

Napairap ako

"Nagwawalis kasi ako at isa pa mahina lang yun. Ang OA mo naman"

Ngumuso ito at inirapan din ako. Ibinalik nya ang tingin sa may TV

I continued sweeping the floor and when I'm done, I put it back on its proper place

Nameywang ako sa harap ni Emir. Tinaasan nya naman ako ng kilay

"Are you done wiping the windows?"

"Mamaya na. Umalis ka nga diyan sa harap ng TV!" reklamo nito. Hinawakan nito ang kamay ko at pilit akong pinapaalis

Kinuha ko ang remote at pinatay ang TV

"Alice!"

Inabot ko sa kanya ang basahan. Padabog nya naman itong inabot at tumayo

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang paglilinis sa may living room

Matapos maglinis ay nagpaalam ako kay Emir na mamalengke muna dahil paubos na ang stocks namin

"Samahan kita?"

"No need, kaya ko na"

"If you say so"

Nasa labas na ako nang bigla akong tawagin ni Emir na nakatayo sa may pintuan

"Don't forget my moisturizer! Kalimutan mo na lahat wag lang yun!" sigaw nya

"Duly noted!" I shouted back. I waved my hand and turned my back

"Oh hija, saan ang punta mo?" tanong ni Aling Minda nang makasalubong ko

"Sa may palengke po. Kailangan ko na pong mamili bago maubos yung stock namin"

"Ganun ba? Sayang at wala si Mella para samahan ka"

"Ayos lang po. Mauna na po ako" nakangiting paalam ko

"Mag iingat ka"

I smiled and nodded. She's really nice. Madalas na nagpapahatid sya ng ulam kay Mella para ibigay sa amin. Madalas nya rin kaming kinakamusta ni Emir. She's really a mother figure

Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa may palengke

Inuna ko sa meat area

"Ano sayo Ganda?" tanong nung tindera nung huminto ako sa harap ng paninda nya

"Ahm dalawang kilo po nitong baboy then dalawang kilo rin po dito sa chicken"

"Anong hiwa Ganda?" nilagay nito ang meat sa may timbangan at sinabi ang presyo

My brows furrowed. Anong hiwa?

"Ahm horizontal?"

Kumunot ang noo ng babae

"Teka lang, hori---ano?" tanong nito

Anong cut ba kasi tinatanong nya?!

"Pang-liempo at pang-adobo" agad akong napalingon sa baritonong boses na iyon

Nagulat ako nang makita si Carter. Anong ginagawa nya dito

"S-sige po Senyorito!" napatingin ako sa babae. I think she's just a bit older than me or maybe ka age ni Carter. Namumula ang mukha nito at tila kinikilig

Muli kong nilingon si Carter at tinitigan ito. Nakasuot sya ng simpleng gray shirt at jeans. He looks really handsome, kaya siguro kinilig yung babae

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon