Chapter 12

24.1K 700 63
                                    

Alice

Padabog na binagsak ni Mella ang bag nya sa upuan nya. Napasimangot ito habang nakatuon ang tingin sa harap

"Bakit nakasimangot yan?"

Nauna ako sa kanila ni Emir matapos namin kumain ng lunch. This is our fifth day in college. Yes, ganun kabilis lumipas ang mga araw. Wala rin naman masyadong ginawa dahil mostly ay introduction lang at discussion ng syllabus ang mga naganap. Mukhang next week nga talaga ang formal discussion well except from Differential Calculus

Nagdiscussed na si Mr. Suarez nung second meeting namin

"Nakita nya kasing naglalampungan si Liam at si Susan" sagot ni Emir

Si Liam ay yung kabarkada ni Nick na classmate rin namin and si Susan naman ay yung Secretary namin

"You're jealous?" I curiously asked

Nagsalubong ang mga kilay nya

"Bakit ako magseselos? Nabwisit lang ako kasi nakaharang sila sa daan! Muntik pa akong matapunan ng juice ng punyetang Susan na yun! Tapos ito pa ang matindi! Biruin mo nilibre nya si Susan ng pagkain sa cafeteria tapos yung Lima na kulang nya sa syllabus, hindi nya pa nababayaran! Argh! Nakakainis!" gigil na utas nya

Napangiwi ako. Kulang na lang sabunutan nya ang sarili nya sa sobrang gigil

"Gigil na gigil yarn? Affected?" nakangising tanong ni Emir

"Leche! Bakit naman ako maaapektuhan? Kahit magchurvahan pa sila, wala akong pakelam!"

Konti na lang talaga uusok na ang ilong ni Mella

"Alam mo Mella, mas maganda ka naman talaga kay Susan. Kaya lang..." pinasadahan ni Emir ang kabuuan ni Mella

"Tss nevermind"

Napanguso si Mella

Tinignan ko ang suot nya. She's wearing an orange shirt inside her blue jacket. Yung skirt nyang kulay purple ay lampas tuhod at nakasuot sya ng rubber shoes na kulay yellow. May  hair clip na may design na kulay dilaw na bulaklak sa buhok nya dahilan para maipit ang bangs nya

"Alam mo sa suot mo, nagmumukha kang julalay namin"

Napangiwi ako sa sinabi ni Emir. Hinila nya patayo si Mella at hinarap sa amin. Wala pang masyadong tao sa room dahil yung iba ay nasa cafeteria pa or naggagala. Pinaupo ni Emir si Mella sa may upuan na inikot nya. Nakaharap ito sa amin habang nakanguso

"Tignan mo yang lips mo. Sobrang dry! Konti na lang maagnas na yan! Tapos yang kilay mo! Sabog sabog! Walang direksyon! Tapos itong buhok mo?" hinawakan ni Emir ang buhok nya

"Tangina girl, hindi na yata ito tatablan ng conditioner. Ang daming split ends. In short kaya ka tinatawanan ng lecheng Farah na iyon at ng mga alagad nyang hampas lupa dahil mukha kang dugyot!"

Mas lalong nanulis ang nguso ni Mella

"Ang sakit ah? Damang dama ko!"

Alright, Emir was too harsh

Umirap si Emir

"Punta ka sa amin later. Kaming bahala sayo ni Alice"

"Ahm make over?" nagningning ang mga mata ni Mella

"Hindi. Renovation. Irerenovate namin yang itsura mo!"

Natawa na lang ako sa kanila. Mella is pretty. Natatabunan lang dahil sa kung paano sya pumorma. She maybe bubbly but she's lacking in confidence

"Uy Alice, anong lotion mo? Ang kinis at ang puti mo kasi!"

Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Emir

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon