Chapter 24

21.6K 661 23
                                    

Alice

Inalalayan ni Carter ang bewang ko para tulungan akong makaahon. Mabilis naman syang sumunod at agad inabot sa akin ang t-shirt na hinubad ko kanina

"Don't do that again" ani nya matapos nyang masiguro na maayos kong nasuot ang t-shirt ko ay kanya namang kinuha ang t-shirt nya na nasa may ibabaw ng batuhan

"Alin doon? Yung paghuhubad ko ng t-shirt or yung bigla kong pagtalon sa ilog?"

Naningkit ang mga mata nya. Gusto ko matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. He's really pissed

"Both" mariin nyang sagot

Ipinalibot nya ang isang braso sa bewang ko

"Where's your bag?"

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Damn boy! He's so handsome even in  his side profile. His lateral view is a perfection

Humarap sya at dumukwang para patakan ng halik ang labi ko

"Damn, I really love the taste of your lips"

I puckered my lips. He shook his head and grinned. He crouched and kissed my lips slowly and gently

"Didn't know that you're a fan of PDA" I said when our lips parted

"I was not until you came. Imagine your effects on me, baby" he then kissed the tip of my nose

Nakarating kami sa cottage. We stayed there for a moment while we were drying ourselves

Kinuha ko ang bag ko na agad naman kinuha ni Carter at sinabit sa balikat nya

"Dumiretso kayo dito?"

Tumango ako

"Nagkaayaan lang kami"

He nodded in response

"Let's go"

"Saan tayo pupunta?"

"Sa inyo"

"Bakit?"

"We need to finish your school tasks. May pupuntahan tayo bukas" Geez! Weekends na pala bukas

"Sasabihan ko lang si Emir"

"It's okay. Mamaya pa kami nila Mella gagawa sa kanila ng homeworks" agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Emir. Naglalakad ito palapit sa amin

"Mauuna na kami ni Carter"

Tumango sya at tinignan si Carter

"Ingatan mo yan"

Carter nodded at him

Pumunta kami sa sasakyan nya na magkahawak kamay. Pinagbuksan nya ako ng pintuan

"Mababasa yung upuan ng sasakyan mo"

"It's okay"

Ipinatong nya ang kamay sa ulo ko at inalalayan akong makapasok at makaupo

He closed the car door and went to the driver seat. Mabuti na lang ay medyo tuyo na ang damit namin

Mabilis lang ang naging byahe namin. Dumiretso ako sa kwarto at kumuha ng damit

Nauna akong maligo at nang matapos at makapagbihis ay muling bumalik ako sa kwarto at kinuha ang damit na susuotin ni Carter

I went out and saw Carter entered the bathroom. Inabot ko sa kanya ang mga damit

He gave me an arched look

"You washed these?"

"Yes and don't worry hindi ko pinagpantasyahan ang boxers mo" I rolled my eyes. He chuckled at pinatakan ng halik ang pisngi ko

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon