Chapter 10

25.7K 685 94
                                    

Alice

Napangiti ako nang mahanap namin ang room namin

"Finally! We found it!" parang nanghihinang napasandal si Emir sa may pader

"Ang OA mo, besty" si Mella

Umirap lang si Emir at naunang pumasok sa loob. I exhaled a deep breath and followed him and Mella

Napunta sa amin ang tingin ng ilan at nagbulong bulungan. Marami na ring estudyante dahil magta-time na rin. And speaking of that, luckily we made it here before our Professor does!

"Yun! Doon tayo!" hinila ako ni Mella sa may bandang gitna ng first row. Usually mas nauunang ma-occupy ang seats sa bandang likuran kapag first day. Meron rin naman na malalakas ang loob na nakaupo sa may unahan

"Alam kong maganda ako pero di naman nila ako kaikangang titigan" sabi ni Emir

"Shunga! Si Alice ang tinitignan hindi ikaw!" si Mella

"Bakit mo nasabing si Alice?"

"Syempre new face. Beautiful and fresh!"

"Hoy beautiful and fresh din ako! Ikaw lang mukhang luma dito!"

Nagbabangayan na naman sila. Napailing na lang ako. Ibinaba ko ang bag ko at inayos ito

"Si Nick yun di ba?"

"Shit! Ang gwapo nya!"

"Papunta sya dito! Tatabi sya sa akin!"

"No! Sa akin sya tatabi!"

Rinig kong bulong bulungan

"Hi Alice! May nakaupo na dito?"

Nag angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nakangiting si Nick

Umiling ako at ngumiti

"Great!"

Mabilis syang umupo at nilagay ang bag sa likuran nya

"Thanks Alice"

It's not like I own that chair though. Hindi dumating yung Prof para sa first subject namin. Yung iba ay nagsilabasan muna habang kami ay napiling manatili na lang sa room. Isat kalahating oras din yun

"Good morning everyone!"

Natuon agad sa pumasok ang atensyon namin at sabay sabay na bumati

"I am Mrs. Esmeralda Tuazon and I will be your Professor in General Chemistry"

Narinig kong napaungol si Emir sa gilid ko

"Madugong labanan agad" ungot nito

Nakatuon pa rin ang tingin ko sa Prof namin. She's wearing thick glasses with black hue frame. Nakasuot ito ng long sleeves na kulay puti at pencil cut na palda na lagpas sa tuhod at isang pares ng itim na sapatos na sa tingin ko ay 1 inch ang heels

"She looks terror" bulong naman ni Nick

"I hope I still know how to balance chemical equations" napalingon ako kay Nick dahil sa sinabi nya

"What?" he asked with a playful grin on his lips

I smiled and shook my head. Ibinalik ko ang tingin kay Mrs. Tuazon

"I will discuss about my set of rules in this class and of course the syllabus. Formal class discussion will be next week"

Parang nabunutan ng tinik ang mga kaklase ko. And oh, including me!

"Shit! Kinabahan ako. Sa itsura ni Ma'am, para syang yung teacher na first day pa lang nagdidiscuss na ng lesson tapos quiz agad"

Napahawak pa si Nick sa dibdib nya. Nilingon ko si Emir at mukhang nabunutan din ito ng tinik at ganun din si Mella

CDS 1: Blazing DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon