III

457 60 15
                                    

note: The Alfonso place is a real and accessible place, but the other mentioned places in alfonso are only fictional.

.
Trigger warning: self harm, mental heatl and other things that may trigger your self.



I woke up to the cold breeze of air coming from my window. I sat and stared at the curtain being blown by the wind, causing me to see the dark side of the bridge. It's night.

Tumayo ako at itinali ang buhok ko sa magulong bun at binuksan ang cabinet ko saka 'yon tinitigan. Bumuntong hininga ako saka isa-isang kinuha ang mga uniporme at mga damit na siguradong hindi ko na gagamitin. 

Inilagay ko lahat ng mga damit sa katamtamang laki na box at huminga ng malalim. Napatinggin naman ako sa orasan at mariin na napapikit ng makitang alas quatro na ng madaling araw. 

Maaga nalang akong aalis para idonate ito sa center.

Nang magalas-singko ay naisipan ko ng maligo at magluto ng pagkain ko para dalhin, hindi ako uuwi. Wala naman ding maghahanap sa'kin.

Nagsuot ako ng pantalon at puting polo na hanggang ilalim ng pwetan at lumabas na sa bahay dala ang box at bagpack at ibang gamit ko. Tulog pa ang mga tao kaya malaya akong makagalaw. Nang makatawag ng motor ay agad akong nagpahatid sa paradahan ng bus para makabili agad ng ticket. 

"Tarlac po." ibingay  ng ale ang ticket at nilagyan ng kulay dilaw na platic bag ang box na kakulay ng ibinigay niyang tali sa'kin kanina. 

"Para hindi mawala. Sige  na." Tumalikod na'ko at sumakay sa bus at naupo bandang ginta at sa tabi ng bintana. Dati-rati ay tumatakas talaga ako para makapunta sa sa foster care na nahanap ko sa facebook. 

Nag-umpisa ng umandar ang bus, isinandal ko kaagad ang ulo ko sa bintana dahil alam kong mahaba-haba ang byahe, mula Maynila papuntang Tarlac. 

They said God put his toughest child through the toughest battles, But all I wanted to be was a kid not a soldier.

Kasalukuyan akong nakatulala sa mga sasakyan na nakahinto nang malakas na tumunog ang telepono ko. Agad kong sinagot 'yon dahil baka makaabala ako sa mga taong kasama ko sa bus. 

"Nasaan ka?" 

Lumunok ako at huminga ng malalim. 

"Babalik din agad ako, Ate." Saka ko na pinatay ang tawag saka inioff ang cellphon ko saka itinuon ang buong atensyon ko sa labas ng bus. 

"TARLAC!" nagising ang tulog na kalulwa ko ng marinig ko ang sigaw ng kundoktor, saka ako mabilis na napapikit ng tumama sa mukha ko ang nakatirik na sikat ng araw. Umusog ako ng kaunti para hindi masilawan saka na tumayo para bumaba pero, sunod-sunod nagsitayuan ang mga tao kaya hinayaan ko silang manguna. 

Nang matapos ay agad kong ibinigay ang dilaw na tali na hawak ko saka na bumaba, agad namang ibinibaba ni Kuya ang box ko sa tabi ko saka na sumakay ulit sa bus. Iniikot ko ang mga mata ko, nasa gasulinahan ako. 

Alfonso...

Gasolinahan at isang Station market ang nandito at maraming tricycle driver. Sa harapan ko naman ay iskuwela at maliit na burgeran sa gilid. Dito naman sa gilid ng daan kung nasaan ako ay nagtitinda ng mga prutas prutas. 

Naglakad ako at tumawag ng motor para ihatid ako sa foster home. 

"Kuya magkano po sa purok uno?" Tumingin sa'kin si Kuyang driver at ngumiti. 

"Beynti Nang." Magiliw na sagot niya, pero dahil sa hindi maintindihan ang sinabi niya ay nahihiya akong tumawa. 

"Pasensya na po, hindi po ako nakakaintindi." matamis akong ngumiti. Tumawa naman siya at iwinasiwas ng mahina ang kamay niya. 

"Ayos lang 'yon. Ang sabi ko ay, 20 lang ang pamasahe." Isinabit niya ang maliit na towel sa balikat niya saka sumakay sa motor matapos isakay ang box ko sa itaas. "Sumakay kana Iha."

Sumakay ako at sinabing ihatid ako sa center malapit sa Tesda building.

Dumaan kami sa maraming bahay bago mapunta sa daan ng Tesda, parang jogging place 'yon pero maliit lang, dumiretso lang ay mapupunta agad sa Tesda, sa gilid naman ay ang nakatayo na malaking center.

Kulay blue and white 'yon, mataas at bakal na gate. Maraming bata rin ang nagtatakbuhan sa bungad palang. Malayo-layo ng kaunti ang basketball court.

Bumaba ako at nagbayad sa driver.

"Mag-ampon ka?"

"Ah, hindi po. Maghahatid po ako ng mga damit, at makikipagparticipate po sa mga activities." Nakangiting paliwanag ko habang ibinababa niya ang box ko.

"Mag-iingat ka." Ngiti niya saka na umalis. Huminga ako ng malalim saka pumasok na sa gate.

Agad akong pumunta sa opisina ng isang madre at pinakita ang card ko.

"River, 17 years old?"

Tumango ako.

"Ilang araw ka dito?" Malumanay na tanong ng matandang madre habang tinitignan ang card ko.

"Isang taon po." Mahinang sabi ko dahilan para tignan ako ng gulat ng Madre.

Ngumiti siya at tumango. "The gate is always open for you, River."

"Ang saya ng mga bata sa dinala mo." Masayang sabi sa'kin ni Sister. Ruela.

"Salamat naman po."

"Iha, hindi ka dapat araw-araw nandito. Dalaw ka, ang buong alfonso ay bukas sa'yo. Libutin mo." Nakangiti at hawak niya sa kamay ko.

"Salamat po."

"Napaka ganda ng pangalan at mukha mo para magtago ka sa ganitong lugar." Hinawakan niya amg mukha ko habang sinasabi 'yon. "Swerte ka."


















It's been one week, and I'm enjoying my stay here in alfonso. Sinunod ko rin ang sinabi ni Sister Ruela. Naglibot ako.

I saw a lot of beautiful places here. Such as plaza, secret lakes and more centers.

Ngayon naman ay naisipan kong pumunta sa arayat. I want to hike, they say na magandang umakyat sa bundok. Iniready ko na ang bag ko na puno ng pagkain at damit, saka ko na isinuot ang damit at sapatos ko.

5 Am, before I leave. I opened my phone.

47 missed calls
120 unread messages

Bumuntong hininga lang ako at ibinulsa na ang cellphone ko nago lumabas at napangiti ng salubungin ako ng magandang ngiti ng mga batang maagang naliligo.

"Mauuna na po ako."

"Mag-iingat ka." Hinawakan ng mahigpit ni Sister ang kamay ko saka binigyan ako ng rosaryo bago ako tuluyang umalis. May nirentahan akong van na magdadala sa'kin mismo sa arayat bago ako literal na umakyat.

Nakarating ako sa Arayat ng 7, kaya diretsong akyat agad ang ginawa ko. Marami akong kasabay kaya medyo masaya, dahil nakikipag-usap sila kahit na napadamot ko sa sa mga sagot ko.

"River!" Napahinto ako at nagugulat na tumingin sa likod ko.

"Jc?"

Humihingal niyang hinawakan ang balikat ko. Saka ngumiti.

"Hi."

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakhang tanong ko.

"I saw you kahapon, nakabakasyon ako dito. Tara." Ngumiti siya saka hinila ang kamay ko at sabay kaming umakyat.

Hingal man ay hindi ko ininda, dahil sa limang oras na paglalakad at pag-akyat ay malakas na hangin ang sumagana sa'min ng makarating kami sa bandang patag ng bundok. Marami ng tent ang nakatayo, makikita din ang napakalawak na palayan. Malakas na buntong hininga ang ginawa ko at nakangiting ibinagsak ang bag ko saka tinitigan ang kapaligiran.

It's like... I'm finally free after 17 years.







And it's pleasing.

Agony of LifeWhere stories live. Discover now