X

307 37 7
                                    

:)

Trigger warning: words and inapropriate scenes. Depression and other things that may trigger yourself.

"River?" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad sumalubong saakin ang mukha ni Ate. "Thank God you're awake."

She looked worried. Inilibot ko ang paningin at nakahinga ng maluwag nang makitang nasa kwarto lang ako.

"You fell." Napatingina ko kay Ate na nakayuko habang hawak ang kamay ko. "River, you almost drowned yourself in that river." I felt cold, speechless.

Lumuluha siyang tumingin sa'kin.

"Please don't do that again, I know mahirap mabuhay pero sana tumakbo ka sa'kin kapag nahihirapan kana." Ngumiti siya. "Nandito ako, talikuran ka man ng buong mundo. Nandito ako." Yumuko lang ako. "I'm sorry."

"It's not your fault, Ate."

Umiling siya. "I'm sorry for all your traumas and pains, you don't deserve such things."

Ngumiti ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Ate.

"She does though." Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon at iniluwa si Mama. "Drop the act, kulang ka lang sa dasal."

"Ma!"

"Totoo naman! Kung marunong lang kumilala ng Diyos yang kapatid mo, hindi yan gaganyan–" I stopped her.

"Kulang sa dasal? Are you hearing yourself, Ma?" Dahan-dahan akong tumayo at hinarap siya. "This is the reason why I don't like being around you."

"What reason exactly, River." Nakangiti niyang tanong, umiling ako at lumabas sa kwarto. "Ano? What kind of reason you have there, River Dawson!"

Marahas akong humarap sakaniya. "You make me feel so worthless! Bad—not enough and not valid!" I shout back. "You make me feel so heavy." Dugtong ko ng umiiyak. "I'm tired-"

"Anong ikinapagod mo? Ipaliwanag mo nga?" Tulak pa niya.

"Hindi mo rin naman maiintindihan kahit isang libong oras ko pang ipaliwanag sa'yo." Tumalikod ako pero hinila niya ang jacket ko dahilan para mapaharap ako.

"Ipaintindi mo! Anong dahilan mo—"

"Yung buhay ko." Humikbi ako at inalis ang pagkakahawak niya. "Pagod na pagod na pagod na'ko."

Sarkatismo siyang tumawa. "Ano? Gusto mo ng mamatay?"

"Lina!" Si papa iyon.

"Opo." Tuluyang naging tahimik ang buong kabahayan matapos kong sabihin 'yon.

"Bakit? Bakit gusto mong mamatay?"

"Let me ask you, Pa. May dahilan paba para mabuhay?" Sunod-sunod na sinok ang ginawa ko, tuloy-tuloy na luha ang sumakop sa pisngi ko.

"Takot ako, pagod ako— ayokong bumagsak pero wala akong rason para sumipag, takot na takot akong maging pabigag sainyo pero sobrang pagod nung katawan ko." Tumingin ako kay Mama. "Palagi kong tinatanong yung sarili ko, anong ginawa kong mali?, kung hindi kayo mabait sa'kin, paano pa yung sarili ko? Halos ihandusay ko yung kalulwa ko sa daan para lang kunin agad ako pero anong nangyayari? Wala." Pinunasan ko ang pisngi ko at naupo.

"Para akong buhay... pero patay dito." Itinuro ko ang dibdib ko. "Gustong-gusto kong kumilos pero ni hindi ko magawang ayusin yung sarili ko."

Lumuhod si Papa sa harap ko at pinunasan ang mukha niya saka hinawakan ang palad ko. "I'm here, Anak."

"I wish you noticed I was dying." Nahihirapan kong sagot sakaniya dahil sa sakit ng lalamunan ko.

Mabilis na lumapit si Mama at inilayo si Papa sa'kin saka ako malakas na sinampal.

"God! Grow up, River. Acting like child is not an excuse anymore-"

"But I'm a child, Ma!" Sigaw ko pabalik. Nanlaki ang mga mata niya at napaurong. "I'm still stuck at being 10 years old, hindi ko parin makalimutan na kinalimutan niyoko kasi mas inuna niyo si Ate nung graduation ko. Valedictorian ako pero hindi ka umakyat sa stage kasi mas excited kang umakyat kay Ate." Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa pagsikip ng pakiramdam ko. "Kinalimutan niyo ko sa park, Ma. Birthday ko 'yon pero si Ate yung binilhan niyo ng cake kasi nakuha siyang muse sa school. Yung dress na binigay sa'kin ni Tito—kinuha niyo sa cabinet ko para ipasuot kay Ate."

"River—hindi ko-" umiling ako kay Ate at ngumiti.

"Okay lang, Ate. Naiintindihan ko." Umiling siya. Sinubukang lapitan ako pero umatras ako.

Tumingin ulit ako kay Mama na nakatulala sa'kin.

"Yung pera ko para pambili ng regalo sa sarili ko? Kinuha niyo kasi kailangan ni Ate pambili ng bag niya. Pero ayos lang sa'kin kasi mahal na mahal ko si Ate kahit hindi ko ramdam yung pagiging Ate niya. Tumayo ako sa sariling mga paa ko since 9 ako, hindi ako nagreklamo, hindi ako nagsalita pero—ngayon. Ngayon na kailangan na kailangan ko kayo, nasaan kayo?!" Paos na tanong ko. "Si Kuya, halos araw-araw akong padalan ng pera pero hindi ko nakukuha."

Umiling ako ng umiling at pinunasan ang pisngi ko. "Si Papa na halos hindi ako isakay sa kotse kasi kahihiyan ako. Alam niyo ba gaano kasakit tawaging anak sa pagkakamali?" Humihikbi kong tanong. "Nabuo ako kasi pareho kayong lasing? Hiwalay pa." Tumawa ako saka umiling.

"River..." tawag ni Ate.

"But I'm fine. I'm alright." Nasalo ako ni Kuya na kadadating lang bago paman ako bumagsak sa lamesa sa sala.

"Shh, River. Kuya Gino's here." Mataimtim akong pumikit at naramdaman nalang na binuhat niya ako at dinala sa kwarto ko.


Nang maibaba niya ako at binuksan ko ang mga mata ko at ngumiti kay Kuya.

"I'm sorry."

"Ayos lang, Kuya. You already said sorry a long time ago." Pinunasan niya ang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

"Babalik na'ko dito. Umuwi sa probinsya sina Tracey." Tumango ako at pumikit dahil sa mga pagod kong mata.

Nagising ako dahil sa mahigpit na hawak sa kamay ko, napatingin agad ako kay Kuya na nakasukob sa higaan ko. Dahan-dahan akong umupo at kinuha ang laptop ko saka inopen ang gmail.





:Syjc24@gmail.com

Day 64

Jc, I slept 2 times in one day. Akalain mo 'yon. Nasaan kaba? Wala kabang wifi? Nasira naba yung laptop mo? May ikukwento ako, replayan mo'ko kapag nakita mo 'to ha.

It was hell week for me, it was scary, very dark, isolated. I can't do anything, I lost interest in everything. Last night, I realized that I'm still that vulnarable fragile girl that I tried so hard not to become again, I act independent and strong but in reality I'm still dependent to those people around me that never left my side, and this heart of mine can easly broken. But yeah, still here, breathing and living my life.

I miss you, hope your doing fine in there. Eat 3 times a day, I love you.

Agony of LifeWhere stories live. Discover now