:(
Trigger warning: words and inapropriate scenes. Depression and other things that may trigger yourself.
Looking at the clear and soft skies made me think, how is it to be this safe and calm.
I finally recieved an reply from him...
:Hey Riv, this is tito Jayzal. Hope you're doing fine.
Yon lang.
Huminga ako ng malalim at isinuot amg puting lagpas tuhod na bestida at tahimik na bumaba para mag-almusal. Linggo ngayon, madalas ay nasa kwarto lang ako kapag araw ng linggo.
Pero sadyang may nagtulak sa'kin para tumayo at magsimba.
Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa malaking simbahan sa Concepcion, ito ang sinabi ni ate na magandang daluhan ng simba. Bumaba ako at bumungad sa'kin ang malawak na plaza na katapat ng malaking simbahan na siyang pupuntahan namin.
Marami ngang tao, napakaraming dumadalo. Halos hindi magkasya sa loob ang mga tao, dahil may mga nakatayo nalang sa labas at taimtim na nanalangin.
Napatingin ako sa loob ng simbahan ng marinig ang mga dala ng sakristan na bell.
Matapos ang mga ibang ginawa ay saka ko nakita ang pari na nasa harapan at nagsalita na.
"Kung bawat tao sa mundo ay naiintindihan tayo, bakit may nahihirapan parin sa kadiliman. Hindi lahat ng tao na nakapaligid sa'yo ay maiintindihan ang pinagdadaananan mo kahit gaano mo pa ipaintindi sakanila, kung ayaw nila, wala kang magagawa." Hinawakan ni Ate ang balikat ko. "So let this situation be the way to talk to Him, pray in silence. Sabihin mo lahat Sakaniya, He will listened. And once na maalis yang bigat diyan sa puso mo, inaalalayan kana Niya, tinulungan kana Niya." Napatulala lang ako matapos marinig ang bawat katagang lumabas sa bibig ng pari na nasa harapan at nagpapakanta na ngayon.
Pero bakit kahit anong gawin ko ay hindi gumagaan ang puso ko, huminga ako ng malalim ng matapos ang pagsimba. Nagsindi ng kandila sina Ate habang ako ay lumipat ng daan para maglakad lakad sa madamong plaza, bawat sulok ng lugar ay may mga nagtitinda ng pagkain pero natutok ako sa maliit na playground.
Naglakad ako at naupo sa swing at bahagyang iginalaw 'yon, sakto namang nakasunod si Ate sa'kin na may dalang balat ng manok.
"Ang ganda naman pala dito, River. Kaya siguro gusto mong tumira nalang dito ano?" Nakangiting tanong ni Ate habang inililibot ang mata sa lugar.
Tumango lang ako.
"This place is pretty." Tumingin sa'kin si Ate at malaking ngumiti. "Anong nagustuhan mo sa lugar na'to?"
Tumingala ako sakaniya. Saka muling tumingin sa balat ng manok na ibinigay niya sa'kin.
"Yung saya, yung bago sa mata. Lahat ay bukal kang tatanggapin. Tsaka nandito yung foster home na minahal ko, nandito din si Sister. Ruela." Nakangiting paliwanag ko. "Nandito yung pahinga ko."
Tumingin sa'kin si Ate at pinantay ang height sa nakaupong ako saka hinawakan ang kamay ko.
"Kung nandito lang siguro si Jc ay nageenjoy 'yon sa mga chicken skins." Natatawang tuglong ko habang nakatingin kay Ate na unti-unting nawalan ng ngiti.
"Kapag alam kong handa kana, tsaka ko siya ipapakita." Nangunot ang noo ko at pinakatitigan si Ate.
Ngumiti siya. "Alam mo kung nasaan si Jc?" Tanging tango lang isinagot niya.
"Nasa pilipinas na siya, River."
Three weeks passed, at patuloy ako sa pangungulit kay Ate kung nasaan si Jc. Kahit na paulit-ulit ang sagot niya ay pinipilit kong handa na'ko, pero iisa lang ang sagot niya. 'Kapag handa kana.'
My days became more and more okay tham before, nakakangiti na'ko sa mga bagay na nakikitaan ko ng buhay. Kahit nga ibon na kumakanta sa kalangitan ay nginitian ko na.
And begun to read bible, Ate gave me a small bible na pwedi kong icarry kahit saan. Hindi naalis sa bag at kamay ko ang librong ito dahil nag-eenjoy akong basahin siya. Nagsuot ako ng hanggang talampakang puting dress na may manggas at itinali ang buhok ko saka nagtsinelas na at bumaba.
"Ang ganda ata ng gising mo?" Tumango ako kay Ate na naghahanda ng lamesa, napatingin ako sa hagdan ng marinig ko ang pamilyar na tunog ng tsinelas ni Mama at agad na ngumiti.
Ngumiti siya pabalik at hinalikan ang noo ko. "Happy birthday, Anak."
"Salamat Ma." Ngumiti lang ako at naupo na sa lamesa at natawa ng makita si kuya na nilalabas ang cake galing oven.
Nang dumating si Papa ay umupo nakami sa hapag kainan at nanalangin bago sinindihan ang kandilang hugis 18.
Pumikit ako at humiling.
The only wish I wish to grant is that let me see Jc, and hug him.
I slowly opened my eyes and blow the candle with a smile.
Kalagitnaan ng pagkain ay may kumatok sa pintuan dahilan para tumigil sa pagkain si Ate at buksan 'yon, natigil naman kami dahil sa tagal na pagkatitig niya sa taong nasa labas.
"Anak? Sino 'yan?" Tumingin si Ate kay Papa saka tinitigan ako. At doon niluwal ng pintuan namin ang taong hindi ko inaasahang dadating.
"Jayzal?" Sambit ni Papa. "U-upo."
Natapos ang pagkain na tahimik ang lahat, saka ako hinawakan ni Ate sa pulsuhan at dinala sa sala kung nasaan si Tito Jayzal. Ngumiti ako at naupo sa tabi ni Mama.
"Tito, nasaan si Jc?" Nagkatinginan ang lahat at tumango. At tanging kaming dalawa lang ni Tito ang naiwan sa sala, nakaharap siya sa'kin dahil nakaupo siya sa pang-isahang upuan at ako naman mahaba.
"Kumusta kana, River?" Nakangiting tanong niya habang nakahawak ang kamay.
"Ayos na po, nagiging ayos na po. Sinusuportahan na po ako nina mama sa pagpapatingin ko sa doctor." Nakangiting paliwanag ko habang hawak ang isang unan na nangaling sa upuan. "Halos nakakagawa narin po ako ng mga activities mentally, nagkaroon nadin po ako ng mga kaibigan sa school." Masayang dagdag ko, nalangiti naman si Tito Jayzal sa kwento ko. "Kayo po?"
Ngumiti siya at tumango. "Ayos lang naman, umaayos na din. Nawawala na yung bisyo ko sa sigarilyo." Saka siya tumawa.
"Si jc po?" Curious kong tanong.
Huminga ng malalim si Tito ay tiningnan ako sa malamlam na mata.
"Nung nasa US kami, halos ikaw ang mukhang bibig niya---halos nasanay nakami dahil walang ibang kinukwento si Jc kundi ikaw." Napangiti naman ako. "Kapag lalabas kami at mat makikita siyang kung ano, bibilhin niya agad at sasabihin para sa'yo yon kasi paborito mo 'yon." Yumuko siya at naghilamos ng mukha. "Pero lahat ng 'yon bumagsak sa lungkot."
"Po?" Nalilitong tanong ko.
"Nagkaproblema ulit yung puso niya, tatlong beses na siyang pinalitan ng puso sa buong buhay niya, River." Nabitawan ko ang unan na na kanina ko pa akap at natulala kay tito. "Hindi na kaya ng katawan nita kapag inoperahan ulit siya." Nabasag ang tinig ni Tito Jayzal at nagsunod-sunod ang hikbi niya. Nakayukp siya at sapo ng magkahawak na kamay ang ulo niya.
Habang ako ay nakatulala sakaniya habang tuloy-tuloy na rumaragasa ang tahimik kong luha. Pumasok naman ang pamilya ko at agad na niyakap ako ni Ate.
Tumayo si Tito Jayzal at hinawakan ang kamay ko habang akap parin ako ni Ate at may inilagay na maliit na kahon doon. Ngumiti siya kahit na may sakit sa mga mata niya at hinaplos ang buhok ko.
"Wala na si Jc, River. Last Month pa." Tuluyang bumagsak ang balikat ko at napapikit dahil sa narinig, tila binalot ulit ako ng kadiliman.
You left me without saying proper goodbye, then you left me again without sweet goodbye.
YOU ARE READING
Agony of Life
General Fiction[completed] This time nobody came to save her, not even herself. october 27, 2021 April 22, 2022