:)TW: EMOTIONAL DAMAGE;)
'Hoy Ilog! Kahit may peklat 'tong dibdib ko gwapo parin ako!' Sumimangot ako at natawa dahil sinabi niya 'yon ng humahangos dahil sa paghahabol sa'kin dito sa maliit at lumang parke.
'Habang tumatagal talaga, lumalakas yang hangin sa utak mo e no.' Umiiling kong sagot at pabagsak na naupo sa damuhan, sumunod naman siya at naupo sa harapan ko saka hinawakan ang kamay ko.
'Kapag namatay ako, gusto ko wag kang malungkot.'
Sumimangot ako at pinalo siya sa braso. 'Walang mamatay sa'ting dalawa.'
Yakap ang tuhod at walang ibang ginawa kundi ang umiyak sa kulob kong kwarto, parang bumalik ulit ako sa lugar na walang tyansang makaalis ako. Tila kinulong ulit ako.
'Ha? Tatlo?' Tumango naman siya at natawa sa itsura ko, saka niya pinitik ang noo ko. 'Ang lakas mo naman, nakayanan mo yung tatlong operasyon sa dalawang taon.'
Ngumiti naman siya at inabot sa'kin ang buko juice. 'Oo nga eh, pero ito lang ang tumagal sa dibdib ko. Tapos mas pinalakas mo pa.' Ngumiti naman ako at inihilig ang ulo sa balikat niya.
'Siempre, bestfriend kita eh.'
Hinalikan niya ang ulo ko at tumawa. 'Kaya mahal kita, River.'
Paulit-ulit kong pinukpok ang ulo ko gamit ang braso at sumisigaw sa unan na puno na ng luha. Umiiling sa bawat ala-alang binabalikan.
'Riv, kapag namatay ako. May ibibigay ako sa'yo.' Tumingin ako sakaniya at umiling.
'Ano 'yon?' Kinuha nya ang palad ko at iniligay doon ang isang tape. 'Oh?'
'Tape! Pero wala pang laman 'yan. Pero pupunuin ko para hindi mo'ko mamiss.' Tumawa ako ng malakas at niyakap siya sa leeg.
'Boka! Bat kita mamimiss kung hindi ka naman mawawala!" Ngumiti ako sakaniya at binitawan siya.
'Tandaan mo yang mga numbers, dali!' Wala pa man ay ngumiti na siya at tumalikod dala ang tape.
Tinitigan ko lang ang likod niya.
'14.1.8.1.12.9.20.1' napangiti ako sa mga numerong nakasulat doon at umiling saka na pumasok.Malakas na sigaw ang ginawa ko at paulit-ulit na pinagsusuntok ang comforted dahilan para may malakas na kumatok sa pintuan at iniluwa non ay si Ate na agad akong nilapitan at niyakap.
Hinaplos niya ang pisngi ko at paulit-ulit na hinahalikan ang uluhan ko.
'Bakit ba ako palagi sinasamahan mo?' Nakatingala kong tanong sakaniya habang tinititigan ang kalangitan.
'Walang rason para hindi kita samahan, River.' Mahinahon niyang sagot, napangiti naman ako at tumingin sakaniya at natawa ng makitang nakatingin lang siya sa'kin. 'Wag ka dapat magtanong ng ganyan, dahil walang rason para hindi.' Niyakap ko siya sa leeg at paulit-ulit na ginulo ang buhok niya.
'Ang swerte ko naman sa'yo!' Malakas siyang tumawa.
'Mas swerte ako sa'yo.'
Naibagsak ko ang sarili kay Ate at paulit-ulit na sinasabi ang pangalan ni Jc. Isa-isa namang nagsipasukan ang iba pang kasama sa bahay kasama na si Tito Jayzal at agad na hinawakan ang kamay ko.
'Niligtas mo'ko River.' Nakangiti akong natawa.
'Ha?' Ngumiti siya at itinuro ang sobrang berdeng puno.
'Before natin madiscover yan, remember nalalagas na.' Tumango ako. 'Tapos inalagaan mo lang kaya nabuhay ulit.' Ngumiti ako at tinitigan ang puno. 'Parang ako yan, Riv. You saved every leaves fallinh from my branches.' Ngumiti ako at tumingin kay Jc.
'You, Jc. You're the who saved me from dying, ikaw ang pumigil sa mga nagtangkang putulin yung buhay ko. Kaya ikaw yung nagsalba, Jc. Hindi ako.'
He hugged me tight, as if it would never happen again.
And it never happen again.
Just like how he told me how much he loved daisies and today I'm lying them on his tomb.
You taught me that people weren’t always meant to stay in my life forever, but I never thought you would be one of them.
I opened my eyes and the first thing I saw was the box Tito Jayzal gave me. I sat down from my bed and looked around my room, realizing I fell asleep.
Kinuha ko ang kahon at binuklat 'yon. Napalunok ako at muling naluha nang makitang cassette tape iyon ni Jc.
Dahan-dahan kong binaliktad at muling nagsunod-sunod ang luhang akala ko ay nagpahinga na. Dahan-dahan kong tinahal ang bawat numero gamit ang hintuturo ko at nag-umpisa ng humikbi.
Kinuha ko ang walkman ko at isinaluksok 'yon don saka isinuot ang headphones at tahimik na pinakinggan ang lalabas na boses.
Nanguna ang tunog ng mga hospital machinery. Pagkatapos ay ubo. Pagkatapos ay malalim na buga ng paghinga.
'Hey, River Dawson. Hello to my future.' Natakpan ko ang bibig ko nang marinig ko ang boses niya. 'Woa! 14.1.8.1.12.9.20.1, Mah-'
"Mahal...Kita," panapos ko.
'I know you're fighting right now because of endless problems brought by your family, and no one is there for you. Sorry I left without telling you, sorry kasi hindi kita nakita kahit sa konting pagkakataon lang.' Umubo ulit siya. 'I really miss you, and sorry kasi hindi ako makareply sa mga emails mo. My doctor said na lumayo ako sa gadgets.'
Humikbi ako.
'River, If you're already hearing this. Hindi kita iiwan, I'll stay by your side no matter what happen. I'll be your pillow, handkerchief, umbrella, and bestfriend. I left but I'm there.'
Pumikit ako at hinawakan ang headphones sana sinubsob ang mukha sa tuhod ko. At doon umiyak ng umiyak.
'Be strong, Ilog. Everything's will gonna be okay. I promise. Babalik ako, River. Nang mas malakas, gwapo, and deserving para sa'yo. Habang wala ako, heal yourself, cut those people pr things na nasaktan kana. Mahal na mahal kita, River.'
"Mahal na mahal kita..."
'I want you to get out from that dark part of your life and start a new colorful one. I'll help you, Ate Ellha will help you. Go to church and tell Him how much pain and hurt you are. He wi help, Riv. Wala man ako sa tabi mo, Siya yung nandyan para sa'kin.' Muli siyang umubo pero sa oras na to ay mas malalang ubo ang ginawa niya.
'As a promise, "walang mamatay sa'ting dalawa." Nakataas ngayon yung pinky ko ha!'
Natawa naman ako at itiniaas din ang pinky ko sa ere at inilock 'yon at mariing pumikit.
'Heal, River. Hindi ako mag-sasawang pakinggan at samahan ka. Iloveyou.'
Mariin lang ako nakapikit at dahan-dahang inihiga anh sarili sa kama at muling pinindot ang start sa walker. Hanggang sa makatulog ako, ay siya ang pinapakinggan ko...
Chaptee for: Aijemie
YOU ARE READING
Agony of Life
قصص عامة[completed] This time nobody came to save her, not even herself. october 27, 2021 April 22, 2022