XIII

303 39 6
                                    

:)))


TW: EMOTIONAL

And He forgave me, even when I couldn’t forgive myself.

And when I struggled to walk towards him , He ran to me.

I forgot Him, but He never forgot me.

Ipinikit ko ang mga mata ko at taimtim na nanalangin sa napakatahimik na simbahan, ipinagdadasal ang iisang taong nagbigay ng pag-asa sa'kin.

Jc, It's been 2 weeks. I'm trying to heal, really. Please be patient with me, thank you for being my guardian angel. I love you...

I opened my eyes and smiled at the altar before getting up and happily walk away from the church.

Since nalaman ko na wala na si Jc sa mundong ginagalawan ko, naging pahingahan ko ang simbahan. Hindi pisikal pero mentally. It became my safe place and happy place, doon kp nararamdaman ang kaginhawaan.

Doon din ako halos nagkukwento, paglabas sa iskuwela ay diretso simbahan ako para magkwento Sakaniya ng mga nangyayari sa buhay ko.

In 2 weeks, I held again on Him. I found myself longing His presence, needing His words and Wanting His love. Kapag nasa loob ako ng tahanan Niya, ramdam ko ang safeness, na hindi ako masasaktan.

Siguro naging takot lang ako noon, naging takot na maiwan ang dating ako na hindi ko pa kayang iwan sa mga panahong iyon, dahil din siguro bata pa'ko. But I already saw the things Jc telling me. That He will saved me from things that will hurt me, that He will guide me through all the trials He's giving me.

.

"Congratsss River!" Mahigpit na yakap ang binigay ni Ate sa'kin saka ako pinugpog ng halik. "You deserve it."

"Ang ganda naman ng writing style mo, unique." Dagdag ng teacher ko, nanalo ako sa film fest, local. Kumpleto ang pamilya ko na nandito, kaya ang saya sa puso.

Jc, alam ko nandito ka.

Malaking ngiti ang ginawa ko nang tinutok ni Kuya Gio ang camera sa'min ni Ate.

Natapos ang pagseselbra ng pagkapanalo ko at puro pagkain ang ginawa namin pag-uwi. Pagod man ay nakangiti kong pinasok ang kwarto ko at masayang ibinagsak ang katawan sa higaan.

I'm healing, currently. My family's helping me. And I'm beyond happy about that, they appreciate me more now. Tumayo ako at pumunta sa cabinet ko at kinuha ang cassette tape at muling pinakinggan ang iyon.

Kung noong nakaraang mga linggo ay puros iyak ang ginagawa ko kapag naririnig ang bawat katang sinasabi ni Jc dito, ay puro ngiti naman ngayon. Humiga ako at pumikit saka nakangiting pinapakinggan ang bawat letra na lalabas sa bibig niya.

The way he pronounces some of his letters is funny, pero habang patagal ng patagal kong inuulit-ulit ito. Parang mas naramdaman kong nandito lang siya, binabantayan ako at sinisiguradong hindi ako masasaktan.

I know how protective he is.

I miss him so much.

But, I'm thankful to him. He helped me heal even though he's not here anymore. Kahit sa kabilang buhay ay sinisigurado niya paring kaya ko at lalaban ako. Na kahit anong mangyayari babangon ulit ako.

He never broke his promise, and he will never do it.

He swear, pinky promise! Lock.

I closed my eyes and let my mind wonder through deepest of my mind. Where all my happy memories and pain are. My mind came back to those times where I felt giving up, and letting myself drown.

Where I, first met Jc and how we became close...

Where Ate, first approached me without hitting me with such words...

Where Papa, recognized me as his daughter...

Where Kuya, let me hug him...

Where Mama, became proud of me for the first time...

Where my life became more... happy and comfortable.

Where, I finally saw another tree to put life in it. And then I fell asleep.








Nakasimangot kong inalis ang mask ko at bumili ng fishball malapit sa simbahan.

"Kuya, 20 pesos." Tumango si kuyang tindero at binigyan ako ng baso at stick para lalagyan ko ng pagkain. Saka din ako bumili ng pineapple juice.

Naglakad ako papasok sa plaza at naupo sa mga upuan na nakapalibot sa court at tinitigan ang mga ilaw na nagbibigay sala sa buong plaza.

Kahit gabi ay masaya dito, madaming tao. Maraming naglalaro, at pamilyang magkakasama. Ngumuya ako at tinignan naman sa likod ang simbahan na puno parin ng mga taong nagdadasal.

Nang maubos ko ang fishball ay tumayo ako at lumipat ng daan paphnta sa gilid ng simbahan para bumili ng bibingka.

Binasa ko ang ibabang labi ko at napangiti nang makitang pinuno iyon ng cheese.

"River!" Napatingin ako sa kanang bahagi ko nang may tumawag sa'kin, napangiti ako at agad na kumaway nang makita si Ate, agad siyang tumakbo papalapit sa'kin na kasama sina mama. "Nakakatakam naman yan."

"Dagdagan mo ate, anim pang order." Dagdag naman ni Mama, natawa ako at niyakap ang braso ni Ate saka hinilig ang ulo sa balikat niya.

Ngumiti siya at hinalikan ang uluhan ko.

"Ang blooming mo." Ngumiti ako at binalik nalang ang tingin sa bibingka.

Matapos bumili ng bibingka ay pumasok nakami sa simbahan upang makapagpasalamat sa mga bagay na ibinigay Niya saamin. Nakangiti kong tinitigan ang buong simbahan at nagpapasalamat sa isip ko.

I love you, River. Thank you for healing...

Nawala ang ngiti ko at napatulala nang marinig iyon sa kung saan. Namuo ang mga luha ko at nagumpisang magunahan sa pisngi ko.

You're here...

Lumapit si Ate at nag-aalala akong tinignan pero ngumiti lang ako ha ang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.

"He's here, Ate. I can feel his presence..." naiiyak pero nakangiti namang tumingin sa'kin sina Mama at Papa habang si Kuya Gio ay tinitigan ako ng may saya sa mata.

Tito Jayzal is crying while looking at me, "He's here...Finally."

Niyakap ako ni Ate at hinalikan ako sa noo.

"He never left, River." Pumikit ako at ginangihan siya ng yakap saka ako tumango.

"I know, Ate. He will never do that. Nagpromise siya, Ate." Natatawang sambit ko. "Tinupad niya."

Humikbi ako at muling pumikit at nagsubsob sa dibdib ni Ate...

Pinky Swear! Lock!

Agony of LifeWhere stories live. Discover now