II

519 61 11
                                    

Trigger warning: self harm, mental heatl and other things that may trigger your self.

.





A lot people told me, I move like the main character or Y/N. And they don't like it.

But, I don't.

The last sem, pagraduate na'ko.

"Congratulations, River Laleh Dawson!" Sigaw ng teacher ko sa buong pangalan ko.

Nagbow lang ako at umupo na sa upuan ko. Napatingin naman ako nang lumapit siya saakin at hawakan ang kamay ko.

"Ako ang aakyat sa entablado, wag kang mag-alala." Ngumiti ang maestra at tinap ang ulo ko. Pero hindi nagdala sa'kin 'yon ng saya. Naging lungkot.

Matapos ang pasok ay naglakad ako sa hallway kung saan nakapaskil ang mga gagraduate this year. Walang emosyon kong tinitigan ang board at hinanap ang pangalan ko.

Nasa pang sampu ako, tapos may star 'yon sa gilid ng pangalan ko. Hindi ko pinansin 'yon at huminga lang malalim saka sinalpak ulit ang headset sa tainga ko at naglakad na paalis. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may lumapit sa'kin.

"Hi." Nakatingin ako sa mga kumikintab niyang sapatos pataas hanggang sa mukha niya.

Tumayo ako ng diretso dahil nangalay ng kaunti ang leeg ko dahil medyo may katangkaran siya. Inalis ko ang headset saka nagtatakang tinitigan siya.

"Ikaw si River diba?" Tumango ako saka ibinulsa ang headset ko ng hindi inaalis ang tingin sakaniya. "Gusto ng teacher ko na ikaw ang magturo sa'kin sa biology." Nakangiting sagot niya.

"Hindi ako nagtuturo ng lalaki." Matapos sabihin 'yon ay nilampasan ko siya at naglakad na palabas at naupo sa mga bench doon at hinintay ang school bus.

"Riv-"

"Hindi talaga pwede." Mahinang putol ko sakaniya.

"Kahit sa school lang? Every free time?" Makulit na tanong niya.

Umiling ako at tumayo na ng makita na ang school bus. Humarap ako sakaniya at yumuko.

"Sorry."

"It's fine." Ngumiti siya bago ako tumalikod at sumakay at naupo sa pinakadulo ng bus.

Kahit nakasalalay doon ang kaunting points ng grade ko ay hindi ko pwedeng kuhanin. Maririnig agad ng magulang ko.



"River!" Pagkapasok at pagkapasok ko palang ay boses ng lalaking araw-araw na 'kong ginugulo simula ng hindi ako pumayag na turuan siya sa biology niya.

"Nakapasa ako, ang saglit lang pala no?" Tumingin ako sakaniya at malakas siyang binatukan.

"Kung hindi naman dahil sa notes ko ay bagsak ka parin." Malakas siyang tumawa saka ako inakbayan. Umiling-iling naman ako at ibinalik sa bulsa ng jacket ko ang kamay ko.

"Birthday ko bukas."

"O?"

"Baka gusto mong pumunta?"

"Hindi pwede." Inalis ko ang pagkakaakbay niya at nanguna sakaniya. "Saka, okay lang naman na wala ako don. Hindi naman talaga ako ang kaibigan mo." Ngumiti ako ng bahagya at pumasok na sa canteen.

"Hoy! River," bahagya ko siyang tinignan habang naglalakad. "Kaibigan kita, gago ka ba?"

Napatingin ako sa telepono ko ng marinig kong tumunog 'yon, nagpaalam ako kay Jc saka ko sinagot ang tawag ni Mama.

"Uwi."

"Ma, may paso-"

"Uwi!" Mariin akong pumikit saka na naglakad pabalik sa room at kinuha ang bag ko, saka na umalis sa iskuwela at sumakay ng jeep.





Agony of LifeWhere stories live. Discover now