IV

423 47 12
                                    

.

Trigger warning: self harm, mental heatl and other things that may trigger your self.






I woke up to a frigid breeze, It's hugging my body and seems to be giving me care. Huminga ako ng malalim at tumayo na saka napangiti ng makita ang kalangitan. Nasa mataas kaming banda sa  bundok. 

Nagsisikanta ang mga ibon, nagsasayaw na mga puno at nagliliwaliw na hangin. Gumigising na araw at mga ulap na tila nagiiwasan sa langit, napaka ganda. 

"Hey, Good Morning." Napatingin ako kay Jc na singkit pa ang mata at tila dinadigest pa ang umaga niya. Ngumiti ako at ibinalik sa kalangitan ang mata ko. 

Its refreshing, I took a deep breath and wiped away my tears.

"Babalik ka rin ba sa Alfonso mamaya?" Tumango ako kay Jc at kinuha ang iniabot niyang tasa ng kape at naupo sa tabi ko. "Nandito lang ako, River. Hindi kita iiwan." 

Tumingin ako sakaniya at ngumiti saka ako natawa dahil itinaas niya ang pingky niya at inilock iyon sa pingky ko. 

"Promise," 





Hapon nang makababa kami mula sa bundok, diretso ako sa center at agad na tumulong doon. Pero lahat ng pagod kanina ay muling bumalik nang makita ko si Ate na nasa upuan na simento sa labas. 

"River, uwi kana." Iyon ang bungad niya. 

"I'm tired." nakita ko kung paano magtubig ang mata ni Ate habang tinitigan ako. "Nakakapagod tumira doon." 

"It's like a cage, I have nothing there." dagdadag ko, umiiyak na umiling si Ate. 

Hinawakan niya ang kamay ko at ang pisngi ko. 

"I'm here, I'm not gonna leave you, balik na tayo doon." Kahit ayoko pa ay pumayag ako, kasama si Jc sa pagbalik sa Maynila.

Napapikit agad ako ng nasa labas palang ay sigawan na ng magulang ko ang dinig ko. 

Pumasok kami ni Ate dahilan para matigil sa pag-aaway ang dalawa pero akala ko ay yakap ang matatanggap ko. Isang malakas at malutong na sampal mula kay Mama ang natanggap ko dahilan para matumba ako at mabasag ko ang vase na nasa pintuan. 

Shocked, I touched my face and out of my soul I looked at Mama who was breathing heavily while looking at me. Naghalo halo ang emosyong gustong ipakita ng sarili ko. 

"M-" pero hindi ko pa tuluyang nasasabi ang sasabihin ay malakas ulit na sampal ang ibinigay niya sa'kin. Sa dalawang sampal na 'yon at napangiti ako. 

"Mama!" malakas na sigaw ni Ate, dahan-dahan akong tumayo at umiiyak na tinitigan si Mama. 

"Ano po bang ginawa ko?" tanong ko habang nangangaralgal ang boses niya. Papalit-palit ako ng tingin sakanilang dalawa ni Papa. 

"River, tara aky-" Pinigilan ko sa pagsasalita si Ate at mas lumapit kay Mama. 

"Bakit parang ang bigat-bigat ko para sa pamilyang 'to?" 

Nagugulat si Mama habang nakatingin sa'kin. Hindi ko napagilang umiyak habang tinitignan siya mata sa mata. 

"Hindi kita gusto! aksidente ka!" malakas niyang sigaw sabay tulak sa'kin pero hindi ako nagpatinag. 

"Pero bakit ako lang yung nagdudusa!" Tila naistatwa ang mga tao sa bahay dahilan para lumabas si Kuya mula sa banyo at natahimik ng makita kami. "Hindi ko hiniling. Hindi ko ginusto na buhayin niyoko!" 

"Walang kwenta! ikaw na itong binuhay ko-"

"Yan! diyan ho kayo magaling! Ang manumbat," 

Pero natigil ako ng tampalin ni Mama ang bibig ko. 

Agony of LifeWhere stories live. Discover now