(Slow Update, Wrong Grammars and Spellings Ahead, #SUWGaSA)
-Nakatayo ako habang tinitinginan ang tatlo, iniisip ang mga nangyari kahapon. Bakit? Bakit ko sya pinatawad ng ganon ganon lang? Bakit agad ulit akong bumigay?
"daddy! hahahaha stop!"
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis o kung ano mang pwedeng gawing emosyon. Masaya sila Jade, masayang masaya na ngayon. Hindi na sila kagaya nung dati, mas masaya ang mga anak mo kung kapiling nila ang papa nila.
"see? I told you he needs a chance, second chance anak" rinig kong sabi nina mama. Habang nakatingin nin sa tatlo na naglalambingan.
"ma, paano kung nagkamali lang ako? paano kung hindi ko sya talaga gustong bigyan ng chance? What if..."
Tinawanan lang nila ako, kaya agad na kumunot ang noo ko. Ano ba yan, nag eemote ako e.
"may what if what if kapang nalalaman ah. c'mon kakain na"
Sinundan ko ng tingin sina mama hanggang pumasok sila ng kusina. Napatingin naman ako sa tatlo na busy parin sa paglalaro. Biglang lumihis ng tingin si Ken at napunta iyon sa akin.
Hindi ako alam kung ngingiti ba ako ng makita syang ngumiti sa akin. Ngingiti ba ako pabalik??
Pilit akong ngumiti atsaka tunalikod na. Alam nilang kakain narin kaya agad namang sumunod ang tatlo sa akin. Kinarga ko si Rein paakyat sa pwesto nya, nilagyan ko iyon ng belt para naman hindi sila mahulog, malikot pa naman ang dalawang batang ito.
Ikakarga ko narin si Travis ng naunahan ako ni Ken, sya ang naglagay sa pwesto. Hindi ko nalang pinansin at umupo narin sa tapat nila.
Si papa ay nasa dulo, kaming dalawa ni mama ay nasa magkabila. Pero ang katabi nya ang mga bata, sa akin? si Ken ang katabi ko.
"Travis, pray"
Tumango sya at itiniklop ang dalawang kamay.
"Our dear Heavenly Father, we thank thee for this food. Feed our souls on the bread of life and help us to do our part in kind words and loving deeds. Thank you so much for allowing us to be with our daddy and mommy, and on the completion of our family. We ask in Jesus' name"
Tiningnan ko si Travis habang nagdadasal sya. Naiiyak ako, hindi naman kasi ako sanay na ganitong kahaba ang sasabihin nya. Pero nagpapasalamat rin ako kasi kumpleto kami.... sa ngayon.
"let's eat"
Nilagyan ko ng maraming gulay ang plato ng dalawa. Kailangan nilang kumain ng maraming ganoon kasi mahihina ang resistensya ng katawan nila.
Kinunutan ko ng noo si Ken ng makitang nilagyan nya pa ang pinggan ko. Aba't!
YOU ARE READING
When you fall out love
Lãng mạnBOOK 1 - LAST SECTION ARRIVED BOOK 2 - WHEN YOU FELL OUT LOVE