"mommyyyy!!"Sigaw ng dalawang bata, agad akong lumapit sa kanila at inalo si Rein na umiiyak na naman.
"hushh, anong nangyari? bakit umiiyak ang baby ko?"
Pinunasan ko ang umaagos nyang luha, yumakap naman si Travis sa akin.
"si daddy po?"
Bumuntong hininga ako, bakit ba umaalis sya ng walang paalam? Mag dadalawang araw na syang hindi bumabalik dito, ano? Nagbago na ba ang ihip ng hangin? Bumaliktad na ba ang planetang earth at naisip nyang mas mahal nya ang kabit nya?
Ang plano naming bumalik ng pilipinas ay kanselado. Nagkaroon kami ng problemang pamilya kaya ganoon. Ken ano na? Anong plano mo?
Gusto kong magalit kay Ken, bakit hindi man lang sya nagsabi na aalis sya? Bakit naging biglaan ata ang pag alis nya?
"I hate him po!... I hate him for leaving us again!" umiiyak na sabi ni Rein. Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Rein anak... maybe may ginawa lang ang daddy nyo, malay mo mamaya andyan na sya sa labas... wag ka magalit sa daddy mo okay?.."
"but mommy! palagi nya nalang tayong iniiwan! Why can't he stay, po??!"
Magka dikit na ang dalwang kilay ni Rein habang sinasabi iyon. Pati ba mga anak namin magagalit na sa kanya?
"shh tahan na... rest na kayong dalawa.. matulog na kayo, wag nyo isipin daddy nyo.. babalik sya okay?"
Tumango silang dalawa, inihatid ko sila sa kwarto at pinatulog. Kinantahan ng lullaby, at kinwentuhan ko narin.
Kinuha ko ang telepono, napagisip isip ko na baka kahit man lang ngayon ay sagutin nya ang mga tawag ko. Kasi nauubusan narin ako ng pasensya. Ano bang plano to Ken!
"hello? who's this?"
"uhm... nandyan ba si Kenford? Kenford Del Ferrer exactly.."
Inantay ko ang sagot, ilang segundo pa itong natahimik bago tumikhim.
"a-ah... si boss po? sino po sila?"
"I'm Jade Mendoza by the way... nasa kumpanya na ba si Kenford?"
Bakit ba ayaw mag straight to the point ng babaeng ito? Ang dami pang sinasabi, eh oo o hindi lang ang gusto kong marinig. Kung ano ano pa sinasabi.
"madam kasi po... si boss nag leave ng tatlong bwan, ang vice president ang nagpapatakbo ng Del Ferrer Empire po.."
Tatlong bwan?? Bakit?
"pwede ko bang malaman yung reason kung bakit? bakit tatlong bwan?"
"I don't know the reason po eh... you can ask him naman po, if you want, kakausapin ko si boss"
"ah no thanks, can you tell me where he is?"
"I think nasa Karson Plaza sya ngayon... I don't know po"
Kinausap ko pa sya at nagtanong tanong ng iilang curiosity. Karson Plaza? Malayo yun sa location namin ngayon.
Subukan ko kayang tawagan sya ulit?
Akmang ida-dial ko na ang kanyang number ng may mag doorbell. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil kami lang rin naman ang tao ngayon, naka day off ang mga maid, umalis sina mama at papa. Si Hirro ay tinatapos ang trabaho nya.
"yes?" nagulat ako sa nakita.
Naka tayo sya hawak ang iilang bagahe, may hawak rin yang maliit na sobre. Pormal na pormal ang datingan. Muntik na akong matawa dahil hindi sya naka sapatos kundi naka pambahay na tsinelas.
Iyan na yan? Nasaan ang sapatos nya? Naka tuxedo sya pero ang suot nyang pang paa ay tsinelas. Anong kalokohan ito??
"sorry..."
Ang unang lumabas sa bibig nya. Naka parada ang mamahalin nyang sasakyan sa may gate. Naka tayo naman doon ang hindi ko kilalang lalaki. Bodyguard? Ay weh?
Driver siguro. Ewan.
"marami akong dapat itanong sayo, gusto ko ng maayos na sagot Kenford" sumeryoso rin ang muka nya.
Alam nya kasi na pagka binanggit ko ang pangalan nya, alam nyang magiging seryoso ang usapan.
"maghintay ka sa garden, mag bibihis muna ako" tumango lang sya at nauna ng maglakad. Ako ay pumasok na at nagbihis ng desenteng damit. Kanina kasi ay naka pyjama lang ako at pinatungan ko lang ng roba.
Ng matapos ay agad akong bumaba at dumiretso na kung nasaan sya ngayon. Nakita ko syang naka upo habang kinukulikot ang hawak nyang sobre.
Anong meron doon? Anong laman nun?
"okay... pano ba to sisimulan?"
"ask..."
Huminga ako ng malalim at agad na tinanong ang gustong itanong rin sa kanila ng mga bata.
"bakit ka umalis, ng hindi nagpapa alam?"
"I'm... sorry again... I was, hurt... nasasaktan parin ako, Jade.." Inangat nya ang tingin, diretso syang naka tingin sa akin ng hindi kumukurap.
"bakit?"
"kasi sa tingin ko ay hindi mo parin ako matanggap tanggap, lalo na sa mga nagawa ko sayo dati... and I'm really really sorry for that..."
"galit sayo si Rein, galit ang mga bata dahil hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka... Walang kang naging update sa kanila ng dalawang araw... alam mo bang iyak ng iyak silang dalawa mula nun? dahil hindi ka nagpaalam!"
"wag ka sa akin humingi ng tawad, kina Rein at Travis mo sabihin yan, Ken... wag sa akin dahil alam ko sa sarili kong napatawad at binigyan na kita ng chance pa na bumawi"
"I promise... babawi ako Jade... just please, give me some motivation na pinapatawad mo na talaga ako, please..."
"okay okay, matagal na kitang pinatawad pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi ko na maalala ang mga ginawa mo sa past ko, ikaw yung pumasok sa buhay ko kaya dapat ayusin mo"
"hindi lang ikaw yung nasaktan Jade, pero yes I understand... everything... and I accept the fact na it was all my fault"
Tumayo na ako, dahil alam kong wala ng iba pang dapat na pagusapan. Gusto kong magpa hinga. Gusto kong matulog muna bago harapin ulit ang mga parating na problema.
"hindi mo kasalanan lahat, mayroon rin ako hindi lang ikaw kaya kung pupwede ay wag mong sabihing kasalanan mo lahat, kasalanan mo dahil.kumabit ka kahit may asawa kana, kahit kasal na tayo... kasalanan ko dahil pinagkaktan kitang alagaan ang mga anak mo pero ganoon talaga ang takbo ng buhay..."
Huminga ako ulit ng malalim bago sya hinarap.
"yung binigay kong chance sayo, wag mo sanang sayangin yun dahil hindi kona gusto pang mangyari ulit ang nakaraan... gusto ko ng magandang buhay ng maayos ngayon kaya kung sana ayusin mong bumawi"
Hindi kona hinintay pa ang sasabihin nya, tumalikod na ako at pumasok sa loob. Ayoko namang maging bastos pero mukang hindi ko siguro kakayanin ang ganoong katagal na usapan namin. Dahil sa twing makikita ko sya o mararamdaman, bumabalik ang trauma ko.
'bumawi ka Ken, hindi sa akin kundi sa aming tatlo'
Pumasok ako sa kwarto kung saan naturulog ang mga anak namin, pinagmasdan ko ang mahimbing nilang tulog. Ngayon ko lang ulit napansin ang pagiging magkahawig nilang dalawa kay Ken, mapaugali man o mapa-muka kahit nga ugali nya ay kuhang kuha rin ng dalawa. Imposible namang wala silang may namana sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/280176368-288-k344861.jpg)
YOU ARE READING
When you fall out love
RomanceBOOK 1 - LAST SECTION ARRIVED BOOK 2 - WHEN YOU FELL OUT LOVE