(Unedited, grammars and slow update)
...Nakatanaw lang ako sa labas, umulan. Bawat talsik ng tubig sa bintana ay nakpapansin ko.
Nagulat ako ng makita si Ken na lumabas ng bahay, nangunot ang noo ko dahil kasabay ng paglabas nya ay ang pagtakbo ng dalawa naming anak. Palapit sa kanya.
Hindi ko naman marinig kasi nga naka sirado ang bintana ko. Agad akong lumabas ng kwarto para puntahan sila sa baba.
Umuulan! Jusko baka mapaano ang mga anak ko.
"Travis!! Rein!!" pasigaw kong bigkas dahil lumalakas ang ulan. At! Nandun lang ilang tatlo, nag hahabulan. Jusko naman. Ni hindi nila narinig ang sigaw ko.
Kita ko ang saya sa itsura ng tatlo. Mas lalong kay Ken. Ibang iba sa mga dating tingin nya. Ngayon... mukang nadagdagan ang kaligayahan.
Ken...
Muli akong sumigaw, saka sila huminto at napatingin sa akin. Kita ko ang pagka wala ng ngiti nya.
Kinarga nya ang dalawang bata palapit sa akin. Gusto ko syang sampalin pero hindi ko gagawin yun dahil karga nya ang mga anak namin.
"bakit ba nagpapa ulan kayo?! ang lakas lakas na ng upan ni hindi man lang kayo natinag!" pinapahinahon ko ang sarili ko. Hindi ko gustong magalit sa harap ng dalawang bata.
"I'm sorry... hindi ko naman alam na..."
"na ano? ha? jusko naman Ken! ano bang nasa isip mo ha? hindi mo ba alam na magkakasakit ang dalawang yan dahil sa iyo?? ang lakas lakas ng ulan oh!"
Kahit ako ay nabasa narin, pero hindi ko na alintana iyon. Mahina ang resistensya ni Rein. Kaya't mabilis syang magkasakit gaya ng sa akin dati.
"sorry... i didn't mean it..."
Hindi ko na sya pinansin, kinuha ko si Rein sa bisig nya, agad ko syang ipinasok sa loob para paliguan. Si Travis naman ay pinaligian rin ni Ken. Haayyy.
"manang paki kuha naman ng gamot sa ibaba, umiinit si Rein eh" paguutos ko. Tumango sya, inihiga ko si Rein atsaka kinumutan.
Nilagyan ko narin ng malamig na basahan ng noo nya.
"mommy... asan si po si daddy?" nilingon ko sya. Ano bang tanong yan anak?
Hindi ko sya sinagot. Kumuha ako ng medyas at isinuot iyon sa kanya. Umuubo na sya ano ba kasi yan Ken!
"mama! mama! mama!" inis na nilingon ko si Rein. Ang kulit talaga oh!
"wala, hindi mo sya daddy kaya layuan mo sya" mahinahon kong sabi.
"what do you mean?" gulat na napalingon ako sa pinto, nakita ko ang galit sa mata nya. Bakit ba sya nagagalit? kasalanan nya naman to eh!
Kung hindi sana sya kumabit edi sana bati kami ngayon! Potangina nya!
"anong what do you mean ka dyan? at bakit ka pa nandito" taas kilay kong tanong. Ano sya dito, bisita? Ni hindi ko nga alam kung bakit dito pa sya nilagay ni Hirro!
"pwede bang maging totoo ka muna sa mga anak natin kahit ngayon lang, Jade? Pwede ba sabihin mo sa kanila ang totoo!" nagulat ako ng may makita akong kakarampot na luha sa mata nya.
Aba bat sya umiiyak? anong nakakaiyak sa sinabi ko? At bakit ko sasabihin sa mga anak ko na sya ang ama nila? Walang saysay kung sasabihin ko pa dahil nagagalit parin ako sa kanya. Kumabit sya eh! Kitams.
YOU ARE READING
When you fall out love
RomanceBOOK 1 - LAST SECTION ARRIVED BOOK 2 - WHEN YOU FELL OUT LOVE