WYFOL: One

171 5 1
                                    

(ps: matagal pong mag update si author hihi. Be patience po okay?)

...

Naka tunghay kaming lahat sa mga bata. Grabe ng c'cute nila. Ang tataba pa ng pisnge.

"wala parin si Hirro? mukang wala ng balak mag pakita ah" natatawang sabi ni Yael.

Kiuha nya ang gumagapang na anak at kinarga. Mukang iiyak na rin kasi. Ang kyut ni baby Yuki. Mygodness.

Kinuha rin ni Lay ang anak nilang lalaki. Kinarga nya yun. Kinarga na rin ni Ken ang dalawa naming anak. Hinalikan nya ang noo ng dalawa saka inihele ang mga iyon. Ganoon rin ang ginawa ng dalawa.

*ding

Napalingon kami ng sabay sabay ng tumunod ang bell. Ayan na si Hirro!

Agad akong tumayo at lumapit sa pinto, pinagbukasn ko ng pinto si Hirro. At sya nga yun! Grabe ang laki ng pinagbago nya.

Naging maskulado na rin sya d gaya ng dati. Wala naman kasi syang muscle noon. Ngayon ay kumukurba na sa suot nyang black polo.

"ang pormal natin ah?" natatawa kong sabi ng makita sya. Iniabot nya sa akin ang dala dala nyang black na paper bag.

Mamaya ko nalang titingnan.

"how are you? haha ang laki ng itinaba mo Jade ah?" natawa rin sya. Napa simangot naman ako. Aba naman, ikaw kaya mag buntis? sigurong tataba ka rin dzuh.

"haha sapakin kita, gusto mo? halika pasok... kanina pa kami nag hihintay sayo" irap ko saka sinamahan aya sa sala. Naka upo silang lahat sa sahig na naka carpet.

"Hi bro" tumayo sina Yael at kuya Ace. Binati si Hirro. Nag yakap ang apat. Grabe, ngayon ko lang ulit sila nakitang nagyakap. Yung dati kasi halos masira na ang muka nilang apatvsa suntok.

Gusto ko ngang sumuntok rin, yung isa isahin ko sila ng suntok kaso baka madamay ako. Sayang ang pinaka mamahal kong muka noh.

.
"ay nga pala, yung laman ng paper bag Jade... para yun sa mga bata ah? Baka suotin mo" natawa kaming lahat. Gusto kong mangigil sa kanya. Tsh.

"tara na tara na, naka tulog na sina Yuki makaka pag dinner na tayo ng maayos" natawa ulit kami kay Lay.

Hindi talaga kasi kami maka kain ng maayos dahil panay ang iyak ng mga chikiting na mga ito. Mukang stress naman sina Selene at Lay dahil dun.

Sabay kaming naglakad papuntang kusina. Naka handa na ang mga pagkain. Umuwi na rin si aling sita matapos maluto ang mga ito.

Ako nga sana ang mag luluto kaso inayawan ako ni Ken, baka masira ko na naman ang kusina. Malay ko bang masusunog yung iniwan kong mantika noh?

"lets eat" wika ko. Umupo ako sa tabi ni Ken na panay ang hawak sa cellphone nya. Kaagad ko naman syang tinapik. Tumingin sya sa akin.

"kakain na, tama na ang cellphone... hindi ko gustong nag ce'cellphone ka habang kumakain" tumikhim ako saka iniharap ang tingin sa lamesa na puno na masasrap na pagkain.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Kung ano ang ginawa namin ilang taon. At kung saan saan kami pumupunta. Simple lang naman ang tanong. Tsaka nag enjoy ako.

"sige Jade alis na kami" hinalikan ako nina Selene at Lay sa pisnge. Niyakap naman ako nina Yael, Kuya at Hirro.

"bye, ingat kayo ah?" dagdag ko. Kumaway ako hanggang sa mawala sa paningin ko ang sasakyang gamit ng tatlo.

Karga karga namin ni Ken ang dalawa naming anak. Mukang aatungal ulit ng iyak ang dalawang ito. Pumasok na kami, tahimik lang si Ken. Ganon rin naman ako.

"ah... Ken? sino nga pala ang ka text mo kanina? nakita ko kasi yun, habang kumakain tayo eh..." bumuga ako ng hangin. Humarao sya sa akin at ngumiti.

"its nothing... C'mon lets sleep..." tumango nalang ako saka tumabi sa kanya.

Nasa paanan namin ang higaan nina Travis at Rein. Sa susunod na namin ilipat ang dalawa sa ibang kwarto.

Nagulat ako ng tumalikod pahiga si Ken sa akin. Kaharap ko tuloy ang likuran nya. May kaunting kirot naman akong naramdaman pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Tumalikod rin ako sa kanya, pinilit kong matulog pero hindi naman ako makatulog. Siguro ay ilang iras na akong naka dilat. Naka tungo lang sa naka frane naming litarto nung kasal. Natawa naman ako.

Naramdaman kong tumayo si Ken. Ipinikit ko kunwari ang mga mata ko. Kaunting tunog lang ang naririnig ko sa mga hakbang nya. Ganoon parin naman ang posisyon ko.

"aalis si daddy, okay? may pupuntahan lang muka ako... bantayan nyo si mommy nyo ah?"

Yun lang ang narinig kong sinabi nya. Pagka tapos ay narinig ko ang pagbukas ng cabinet. Kung saan nakalagay ang mga damit namin. May walk in closet naman kami. Tsh.

Rinig ko naman ang tunog ng pagbukas ng..... maleta? ano? tama ba pagkarinig ko? ang pagbukas ng maleta?

Umayos ako ng posisyon. Ang kaninang naka tagilid kong ayos ng pagkakahiga ay inayos ko. Naka tunghay na ako ngayon sa likuran nya habang may inilalagay sa maleta.

Asan ang punta nya? wala naman syang sinabi ah?

Magsasalita na sana ako ng humarap sya bigla sa akin. Agad kkng ipinikit ang mga mata ko. Narinig kong tumayo sya, ang mga yabag ng paa nya papalapit sa akin.

"I'm leaving, take care of yourself, okay? take care of our children too. I'll be back, but that's a surprise. Don't worry, I won't look for anyone else except you" narinig ko syang bumuntong hininga. Naka pikit parin ang mga mata ko.

Ano bang sinasabi nya? nahihibang na ba sya? at saan sya pupunta? at mukang sa boses nya ay, mukang matagal syang babalik?

Maya maya pa ay narinig ko ang pag bukas ng pinto, iminulat ko ang mata ko at tumingin sa tabi ko. Baka kasi illuminati lang yung narinig ko kanina eh.

Pero mukang hindi yun illuminati, totoo yun. Wala sya sa tabi ko. Umalis ako sa kama, at pumunta sa bintana. Nakita ko ang sasakyan nyang palabas ng bahay namin.

Saan sya pupunta ng ganitong oras?

Tiningnan ko hanggang sa mawala ang sasakyan nya. Nanlumo ako, hindi ko alam. Wala akong alam sa mga nangyayari.

Hindi naman sya ganito noon ah? Kung umalis sya ay tanghali na. Hindi naman nya gawaing umalis ng ganitong oras.

Alas tres palang ng umaga pero wala na sya sa bahay. Hindi ko naramdaman na tumulo na pala ang luha ko. Naninikip ang dubdib ko. Ewan ko ba, ah basta. Yung sinabi nya. Panghahawakan ko yun.

Nilapitan ko ang dalawa naming anak at tiningnan sila habang payapang natutulog. Kamukang kamuka ni Ken ang dalawa. Mukang walang namana sa akin. Hm.

Gusto kong tawagan si Ken, at tanungin kung saan sya pumunta. Pero nagbago ang isip ko. Siguro ay mag ta trabaho na sya? pero imposible rin namang mag simula na ng trabaho sa ganitong oras, diba?

When you fall out loveWhere stories live. Discover now