"Leaning Tower of Pisa! wooow"
Manghang mangha ang dalawa, kasama narin ako. Kinuha ko ang suot-suot na camera at ibinigay iyon kay Ken. Hindi muna ako mamomorblema ngayon. Gusto kong mag enjoy!
"dali picturan mo ako" natawa naman si Ken. Hindi ko na yun pinansin. Umakyat ako dun sa bilog, bumalanse ako ng maayos. Tinawanan ko ang dalawang anak namin na sinusunod ang gagawin ko pero pinipigilan sila ni Ken.
"don't, mahuhulog kayo.. okay wife.. ONE! TWO! THREE! POSE!"
Inangat ko ang isang paa ko at ipinwesto. Umulit kaming ng tatlong beses. Medy mainint pero d yun alintana na sisira ng pag eenjoy naming apat.
"mommy! me too!" pinicturan rin ni Ken ang dalawa. Para naman dama nila kung anong pagka enjoy iyon. Naglakad, lakad kaming apat. Umiikot ikot, minsan kukuha ng litarto si Ken.
"where's the next destination po?" umangat ng tingin si Travis at Rein sa aming dalawa ni Ken. Tumingin ako kay Ken, kung ano ang sasabihin nya.
"Rome? I'll call Zandro para sa gagamitin nating vehicle.." tumango ako.
Kinuha nya ang cellphone at may tinawagan. Tiningnan ko ang dalawang bata na kumakain ng ice cream. Sarap na sarap sa kinakaing vanilla.
"c'mon.." nilingon naming sabay si Ken. Halos mapanganga ako sa bilis ah. Andito na agad ang sasakyan namin. Isang kulay puting Maserati. Branded na branded ang datingan. Ang gandang model ng sasakyan.
Kinarga ni Ken ang dalawa papunta sa backseat. Sya narin ang naglagay ng seatbealt ng dalawa. Pinagbuksan naman nya ako ng pinto matapos yun.
"sayo to?"
"yeah actually... why?"
"ah" tumango tango lang ako. Ang ganda ng loob grabe. Nagsimula ng magmaneho si Ken, medyo malayo ng kaunti ang byahe dahil medyo may agwat ang italya sa Rome.
"alin sa maserati ang brand na to?"
"Maserati Quattroporte"
Sa malamang mahal na mahal ang kotseng to. D afford ng iba, biro lang. Sa tantya ko, aabot hanggang tatlong milyon ang sasakyang ito. Ibang klase kung magwaldas ng pera si Ken. Palibhasa may gintong kutsara sa bibig si Ken mula sanggol sya.
YOU ARE READING
When you fall out love
Lãng mạnBOOK 1 - LAST SECTION ARRIVED BOOK 2 - WHEN YOU FELL OUT LOVE