WYFOL: Seventeen

80 3 0
                                    

(Warning: Unedited and wrong grammars ahead)

..

"maaa!"

Nakakunot ang noo kong pinuntahan si Rein. Ang ingay ingay nya, kanina pa yan ah!

"Rein anak... anong nangyari--" halos matawa ako sa nakita.

Napuno ng pulbo ng muka nya. At kung sasabihin kung sino ang gumawa malamang ay si Travis.

Mag fa-5 years narin kami dito sa Italya. Si Hirro dito narin nag tatrabaho. May itinayo kasi syang firm. He's a professional Lawyer ngayon.


"maaa!" natawa ulit ako. Nag tatapunan sila ng pulbo. 


Kinuha ko ang wipes sa may cabinet at pinunas iyon sa mga muka nila. "shh, umayos nga kayo... your wasting too much powder.. magagalit si tito Hirro nyan" natawa kong saad.


Tumayo si Travis at yumakap sa akin. Si Rein ay nag papa-bebe na naman.

"Tooo Hirro!" masayang bati ni Travis ng makita si Hirro na kakapasok lang. Tumakbo ang dalawang bata palapit sa kanya.


Tumayo naman ako para pumunta ng kusina. Mukang pagod na naman ng kulangot. Psh.

Umupo sya kasama ang mga bata. Nag kukwento sina Travis at Rein patungkol sa ginawa nila kanina.

"hindi pa ba pumupunta si Mrs, Ginichi dito?" tanong nya. Si Hirro kasi ang nag aasikaso sa amin sa apat na taon.

"wala pa, may inaasikaso pa daw sya sa ibang mga student" saad ko. Kinuha ko ang plato at inilagay iyon sa harapan nila.

"maaa! si Travis oh!" napa lingon kami kay Rein ng sumigaw na naman sya. Ano ba tong batang ito.


"psst Travis ihinto mo muna ang pag lalaro, may oras ng laro at may oras ng kain, anak" pagpapatigil ko. Tumango naman sya at humarap kay Rein.

Pabalang itong tumawa sa kapatid at tumungo sa tabi ko. Wala ang nanny nina Travis dahil nasa grocery pa ito. Tinatamad kasi akong lumabas ngayon. Nag day off narin ako sa trabaho. Kaya naman nina Cruela ang  restaurant.



Yeps, nagpatayo kami ni Hirro ng restaurant para pamahalaan ko rin. Nakaka buryo kaya lagi sa bahay. Minsan ay dinadala ko ang dalawang makukulit na anak ko don.

"sa pilipinas ko na pag aaralin sina Travis at Rein... ayos lang ba?" tanong ko. Humarap sya sa akin at ngumiti.

"good idea, Jade... so? kailan balak mo bumalik? I've heard sa news kina Selene na mag re-reunion daw kayo" natawa kaming sabay.

"tuleg, kasama ka sa section namin dati diba? kaso nag stop ka dahil sa cafè mo tapos bumalik ka ulit tapos napunta ka sa section nina kuya pss" tawa ko.


Madalas akong mag overthink sa mga bagay bagay. Nakabalik na si Ashana. Medyo may katandaan narin sya, pero dahil nagpumilit syang mag bantay sa mga bata ay pumayag ako.

Galing pilipinas rin sya, pero dahil dito kami ngayon sa Italya. Sumama rin sya. Ewan ko nga kung saan nakuha ni Ken ang Ashana na yun pero malapit ng kaunti ang loob namin.

"manang asan mo nakuha to?" itinaas ko ang hawak kong magazine.

"ah yan? Libre yang pinapamigay sa grocery kanina, kumuha nalang rin ako kasi last stock narin daw" tumango tango lang ako tsaka kinuha iyon.



Maganzine ng mga bilyonaryo? Paanong naging libre ito? Nagbago ba ang ihip ng hangin na pati itong magazine na ito libre?




Binuksan ko iyon. Gulat ang itsura ko ng makita ang muka ni Ken sa magazine. Aray ah. Nakaka panakit ka na naman Kenford. Ikaw nalang lagi laman ng news. Psh.

Billionaire Kenford Del Ferrer will be married to model Kimara De Virgo on the upcoming fifth anniversary of the Monte Del Ferrer investment.

I

kakasal? ah... Ikakasal ulit sya. At sa babaeng pa yun. Bakit ganon? Mag lilimang taon na akong nag momove-on sa kanya? Pero hindi ko parin sya makalimutan?

Ikakasal na pala sya. Bakit wala akomg update mula sa kanya? Kung hindi pa mag uuwi ng mga magazine si Ashana ay hindi pa ako makakakuha ng update?

Ganito na ba talaga kasikreto si Ken sa akin? Nakalimutan nya na ba ako? Kasi ako? Hindi. Hindi ko kaya. Nasasaktan ako.


Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng makita si Ken. Gusto ko syang naka usap. Kung bakit hindi man lang nya ako hinanap? Kung bakit hindi man lang nya ako pinuntahan? Kung bakit hindi man lang nya kami kinamusta ng mga anak nya?



Nasa grocery ako ngayon, gusto ko sanang bumili ng ice cream kasi inubos ng tatlong yun ang stocks ko sa ref. Ni hindi nga nila ako binigayn, psh. Ngayon bahala silang maglaway mamaya.


Naghahanap ako ng chocolate ng may maka bungo ako.


"aray ko... ouch.." umayos ako ng tayo at tiningnan ng masama ang lalaking naka bungo ko.


"w-wife--ah.. Jade?.."



"Ken?!"



Ha? Ano?. Bakit? Bakit nandito sya? Akala ko ba nasa plipinas sya? coincedence ba toh?



"a-anong ginagawa mo dito?"

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan nya. Ang laki ng pinagbago nya. Sa limang taon ko syang hindi nakita, ibang iba sa Ken.



"ah.. I'm..uh.."



"bakit ka pala andito?"



"m-may business akong pinuntahan... and nag stop over lang ako para bumili.."



"ah?"



Naka move on na ba sya? Anong ginagawa nya sa Italy?  Business? Akala ko ba ayaw nya dito? Bakit sya andito?



"una nako... bye.." mabilis akong umalis. Nagbayad ako. Hindi na ako lumingon pa sa kanya dahil straight lang ang lakad ko palabas ng grocery.




Ken, siguro ay kasaa nya si Kim. Ang malanding yon!



Umuwi ako, naka busangot na naman ako. Dahil silang tatlo naman ang kumain ng ice cream ko! Haay. Ni isang kutsara o tikim man lang hindi nila ako binigyan.




"Hirro... nakita ko si Ken kanina..."



Gulat syang humarap sa akin. "ano namang gagawin nya dito?"



Umiling ako "business daw... ewan.. parang hindi sya nag sasabi ng totoo eh.. ah basta"



Kinuha ko ang laptop ko at nag fb. Mamaya nalang ako manonood ng Netflix.



Gabi na, natulog na si Travis kaya malayang nakakagalaw si Reina sa buong bahay. Palaging sinusungitan ni Rein ang kuya nya.




Nag chat kami nina Selene at Lay. Sinabi ko sa kanila na nakita ko si Ken. Gulat nga sila. Nagtagaka rin kung anong ginagawa nya dito. Dahil pare-parehong alam nila na ayaw'ng pumunta ni Ken dito. Maarte rin kasi ang isang yon.




Sya nga pala. Naka bisita dito ang mama ni Ken. Si tita Karen. Pati yung asawa nya. Kinamusta kami, tsaka tuwang tuwa ang dalawang bata dahil naka bisita na naman ang kanilang mga lola. Psh.




"gusto ko ng umuwi.." sabi ko kag Hirro

When you fall out loveWhere stories live. Discover now