WYFOL: Two

105 6 0
                                    

(ps: matagal mag update si author)


*the number you have dialed is now unattended, please try to call later

Nagiinit ang ulo ko. Hindi sumasagot si Ken sa mga tawag at text ko! Punyeta, asan ba kasi pumunta ang hayop na yun?!

Muli kong pinindot ang call button.

*the number you have dialed is now unattended, please try to call later

Sa sobrang inis at galit, itinapon ko sa kung saan ang hawak kong cellphone. Nilingon ko ang crib nina Travis at Rein. Lumapit ako sa mga anak ko at hinalikan sila.

"hmm... mukang walang balak sagutin ng daddy nyo ang tawag ko, tsh. Pagnaka balik talaga yun mamaya, sa labas natin sya patutulugin..." bahagyan namang tumawa ang dalawa kong anak. Na parang naintindihan ang sinabi ko.

Aba. Ang kyut, kyut nila grabe.

"manang sita, paki bantayan nalang po muna ang nga bata. Pupunta muna ako sa trabaho.." sabi ko. Tumango lang sya.

"sige hija" ngiti nya.

Lumabas ako ng bahay, bit bit ang sling bag kong may kalakihan. Pupunta ano sa trabaho, totoo yun.

Automatikong bumukas ang gate ng umandar ang sasakyan. Yung SUV na iniregalo sa akin ni kuya Ace. Pinag practice nila akong mag maneho. Nakakatamad nga dahil kailangan ko pang mag undergo sa kung ano anong driving skills.

At yun nga, naka kuha ako ng driving licence ko. Pulos, itim ang sasakyan namin ni Ken. Ayaw nya ng puti, mabilis daw kasing marumihan. Tsh, arte lang talaga sya.

Ng makarating, pumasok ako sa loob. Nagpalut din ako ng damit at nag lagay ng apron.

May sarili akong shop. Coffee, cakes at kung ano ano ang ibinibili namin. Pinagipunan ko syempre ito ng isang taon. Ang kaso nga, binili agad ni Ken. Grabe, iba talaga pag mayaman ano?

"good morning boss" bating mga staff ko. Ngumiti lang ako saka pumunta sa pwesto ko.

Nag hugas ako ng kamay, ng maayos. Tiningnan ko ang order menu. May nag order ng cake. Birthday cake.

Sa iilan kong taon sa pag aaral. Naging Pastry Chef ako. Wala akong plano sa mga Medical Courses. Ang haba ng panahon ko habang pinag iisipan ko ang course ko.

Marunong naman akong mag bake noon kahit papaano. Ang nakakatawa lang, yun ang kinuha kong kurso. Naging ayos naman, at masaya. Nag enjoy ako lalo.

Naka kilala rin ako ng iba pang tao, este estudyante. Sina Ardie? Ayun nasa Europe. Dun sya nag ta trabaho ngayon. Yung iba naming kaklase nung high school ay nasa ibang bansa na at malago na ang buhay.

Akalain mo yun? dati ang ga-gago pa nila. Ngayon naman ng yayaman na. Siguro may anak narin ang mga yun. Hahaha.

"boss, may nag papabigay sayo" nilingon ko si Lian. Inabot nya sa akin ang paper bag. Nagtaka naman ako.

"kanino daw galing?"

Umiling lang sya. "hindi ko rin alam eh, basta pinapabigay lang nung lalaking naka suit... ang gwapo nya boss, hihi"

Naka suit?

"hindi sinabi ang pangalan?" umiling ulit sya.

"baka secret admirer mo, boss" sabi naman nung isa. Agad kong utinaas ang kamay ko kung saan naka lagay ang singsing.

"tsh, kasal nako kung gusto nyo sa inyo nalang yung sinasabi nyong, secret admirer" irap ko. Nag suot ako ng clear gloves.

"sya sya, mag trabaho na kayo. Hindi ko kayo sinusweldohan para tumunganga" dagdag ko atsaka inilagay na ang batter sa oven.

Nag tuloy tuloy ang araw ko. Umuwi naman ako ng maaga pa dahil sasamahan ko na ulit ang kambal ko.

"manang sita, kamusta po ang mga bata?" tanong ko.

Naabutan ko syang nilalaro ang mga anak ko. Natawa naman ako, yung muka kasi ni Rein ay namumula mula. Mukang aatungal na naman ng iyak.

""m..ma..m-mama." kinarga ko si Travis. Hinalikan ko silang dalawa. Bale alas' dos na. Plano kong pumunta sa opisina ni Ken.

"hm, manang sita aalis muna ako... pupuntahan ko lang si Ken" tumango sya. Hinalikan ko ulit ang dalawa saka lumabas na naman ng bahay.

Nagmaneho ako papuntang Del Ferrer Empire. Dumaan muna ako sa isang restaurant. Bumili ng lunch.

Dumiretso na ako pagka tapos sa DFE. Pagbaba ko sinalubong ako ng guard. Ngumiti sya sa akin.

"magandang hapon mo madam, pasok po" tumango lang ako saka pumasok na.

Kilala ako malamang ng mga tao sa kumpanyang to. Pumasok ako ng elevator. Patungo sa pinaka taas  kung saan ang opisina ng asawa ko.

Asawa ko

Ang sarap sa tenga. Tsh

Tinanguan ako ng sekretaryo ni Ken. Lalaki kasi yun at ayaw ko ng babae. Baka mamaya maglandian sila, masapak ko silang pareho.

Tinulak ko ang pinto ng opisina nya. Naka ngiti akong pumasok. Napansin kong walang tao sa swivel chair. Pumunta ako sa banyo pero wala.

Ang kaninang ngiti ko ay nawala ng dahan dahan. Wala sya?

Pumihit ako patalikod. Lumabas ako, yung dala kong lunch? Iniwan ko sa desk nya. Baka may meeting lang siguro.

"a-ah.. madam... wala po si boss..." tumingin ako sa sekretaryo nya. Nangunot naman ang noo ko.

"ha? asan sya pumunta?"

"eh k-kasi po... hindi pa po sya dumadating kanina pa... maghapon po syang wala... saka, nag text po sya sa akin.. na.."

Gusto kong sapakin ang kaharap ko. Bat ang hilig nyang mang trill?

"patuloy" nag cross arm ako sa harap nya.

Napalunok naman sya. Tsh. Nakaka takot ba ang muka ko?

"e-eh.. madam... sabi nya wala sya ngayon at sa.. susunod pa pong araw... hindi po ba nag sabi sa inyo?"

Mas lalong nangunot ang noo ko.

"at anong sasabihin nya sa akin?"

"ah... may gagawin daw po sya... sa.... London... uhm.. Mag b-business siguro.. madam"

Piste!

"paki tawagan nga sya"

Tumango lang sya. Nag pindot sya sa telephone na kaharap nya, nag ring iyon ng ilang beses bago may sumagot. Dito, ay rinig na rinig ko ang sigaw ni Ken.

"b-boss.... nandito po kasi ang asawa n-nyo po..." iniabot nya ang hawak sa akin

"hello? Ken? asan ka? bakit wala ka dito?"

"honey... nasa office ko, ikaw?" tumango ako kahit hindi nya ako nakikita.

"oo, nakita kasi kitang umalis kmagabi bandang alas tres? asan ang punta mo?"

Natahimik ang kabilang linya. Maya maya pa ay nagulantang ako sa narinig.

"babe? who's that? kanina pa kita tinatawag, c'mon may pupuntahan pa tayo, babe right?"

Sa boses na iyon, alam kong babae. At ano pa? Babe? Ano yung narinig ko?

Sa hindi ko inaasahan ay namatay ang tawag ng hindi nagpapa alam si Ken.

Gumuho ang mundo ko sa narinig. Babae nya ba yun? Sino yun? Kabit nya? Hindi pa ba sya nakuntento sa akin? Sa mga anak nya?

Masakit ang dibdib na umuwi ako. Si manang sita ang nag alaga muna sa dalawa. Ako? agad akong natulog pero may kasamang iyak yun.

Ang sakit sakit. Nakaka umay. Hindi pa nga kami nakaka isang dekada. Mambaba bae agad ang gago?

When you fall out loveWhere stories live. Discover now