Antipolo Church, Buwan ng Mayo
Myra
"Ate, Kuya, bibili kayo ng kasoy pasalubong?" Ang sabi ko sa mag asawang kalalabas lang ng simbahan, "Ate bagong luto ang kasoy namin saka ung suman free taste siya. Sa Anabel ate samahan ko kayo madami kaming free taste."
"Sorry may suki na kami." Pero hindi pa rin ako sumuko, hindi ko isinuko ang kakulitan ko. Anong kakainin namin sa mga susunod na araw kung hindi ako mangungulit at maghahabol sa mga potential customers.
"Naku mag try ka ng iba teh, kasi natikman ko na ung mga ibang tindang kasoy at suman dito sa Anabels talaga ang pinakamasarap." Ang pambobola ko pa.
"Suki!" Ang sabi ni Aling Ora. Isa sa pinakamabentang standee ng kasoy at suman dito. Matagal na kasing tindera rito si Aling Ora at minana pa niya sa mga ninuno niya ang pagtitinda ng kasoy at suman, "Hoy Myra, tantanan mo na yang suki ko, taun taon na yang bumibili sa akin. Wag ka ng umasa na maaagaw mo sa akin ung suki."
Grabe tama bang sa harapan ng customer ay sabihan niya ako ng ganon? Maldita talaga itong matanda na ito.
Napahawak ako sa tiyan ko, di pa pala ako nag aalmusal at tanghalian na kailangan na ng laman ng sikmura ko pero paano ako kakain wala pa akong nahihilang customer sa Anabels.
Nagpunta ako sa booth kung saan nakaupo doon si Aling Anabel habang nakikinig sa transistor niya.
"Aling Anabel, baka naman pwedeng pa isang suman man lang. Kumakalam na ang sikmura ko eh." Ang pakiusap ko sa kanya.
"Ano ba yan, nakakailang libreng suman ka na sa akin, eh parang sa pag aahente mo ako nalulugi eh." Ang sabi ni Aling Anabel sabay bigay sa akin ng suman.
"Eh mas makakahanap ako kapag busog ako." Sabi ko sa kanya.
"Anong mas? Wala ka pa ngang nadadala sa aking customer."
"Eh ang higpit kasi ng competition dito tapos pare parehas ba ng presyo ng tinda bawal magtaas at bawal magbaba. Ang hirap i-market." Paliwanag ko sa kanya.
"Eh kaya nga kinuha kita bilang ahente para makapanghila ka ng customer, wala ka namang nahihila."
"Sige na sige na, maubos ko lang itong suman na ito, makakahila rin ako ng customer." Ang sabi ko sa kanya.Pagkatapos kong maubos ang kinakain akong suman ay nagpunta na ako sa gate ng simbahan upang makapanghila ng customer.
"Ate, sa Anabels po kayo bumili ng kasoy at suman, madami pong free taste don saka sila po ang may pinakamasarap na tinda rito." Ang sabi ko sa mga nakakausap ko.
"Nagpapatawa ka ba, eh pare parehas lang naman ng lasa ng suman at kasoy dito sa Antipolo." Ang sabi ng customer.
"Ah, yun ang akala niyo pero kapag nakain nyo na ang ibat ibang tinda rito don niyo malalaman, iba ang sa Anabels, maniwala kayo sa akin, nagawa ko na yan dito, iba talaga."
"Oh sige na nga, asan ba yan?"
Gusto kong tumalon sa tuwa sa sinabi ng kustomer,"Sa may bandang gitna, sabihin niyo po sabi po ni Myra."
Hay salamat naman, may pangkain na rin kami kahit papano mamayang gabi magkapatid.
Inayos ko muli ang sarili ko upang makahanap pa ng potential customer hanggang isang maputing lalaki ang pumukaw sa aking pansin.
Ang puti niya, kasing puti ng bond paper ang kulay ng balat niya. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng pagkahulma ng kilay niya pero bakit ganon ang mga mata niya... parang ang kapal ng eye bugs, tapos ang putla ng labi, sayang ang ganda pa naman ng lips.
Ang daming ahente ang lumalapit sa kanya pero di niya pinapansin, para siyang naglalakad sa kawalan. Hmm... ang chachaka naman kasi ng mga ahente ito kaya siguro dinidedma. Nilabas ko ang salamin ko at inayos ang buhok ko. Baka sa ganda ko matauhan itong si kuya.
Lumapit ako kay Kuya na tuloy tuloy lang sa paglalakad, "Hello Pogi, pasalubong ba ang hanap mo? Sa Anabels ka na bumili ng kasoy at suman kasi sa totoo lang sila ang may pinakamasarap na tinda rito."
Di man lang tinignan ni Kuya Pogi ang kagandahan ko, patuloy lang siyang naglalakad ng diretso na parang walang naririnig.
"Kuya halika na sa Anabels" kinuha ko ang kamay niya at hinila ng biglang....
YOU ARE READING
HINDI NAGKULANG
FanfictionSi Myra, ang gusto lamang niya ay kumita ng pera pero may iba pa siyang natagpuan sa pagiging fake na street worship singer. Si Eddie, nasa kanya na ang lahat pero tila may kulang. Ano kaya ang matatagpuan nila? This is a MayWard fan fiction... and...