PANG LABING PITO

48 2 0
                                    

Nagstart na kaming magbigay ng mga naka box na pagkain sa mga Aeta kung saan ang laman nito ay Fried Chicken, spaghetti, kanin na may kasama pang juice at ice cream kaya tuwang tuwa sila. Nagpamigay din sila ng mga libreng Tshirts, mga sabon, mga isang supot ng mga produkto ng kumpanya nila. Mga laruan at gamit sa eskwela ng mga bata at sobrang dami pang iba. Nagdonate din si Eddie ng computer at TV para sa barangay hall ng komunidad na iyon.
Habang kumakain ang lahat ay nagsimula na kaming magperform ni Migoy. Una naming kinanta ang "Mahal na Mahal kita Panginoon". Sumunod "Ang Buhay ng Kristyano ay Masayang Tunay" at ang paborito nitong si Eddie na "Di Ka Nagkulang"
Tumahamik ang paligid habang kinakanta ko ang kantang iyon at si Eddie ay nakatingin sa akin. Napansin kong parang namumula ang mukha niya at tila naiiyak sa kanta. Malakas talaga ang epekto sa kanya ng kantang iyon kasi nga di naman talaga nagkulang ang Diyos sa kanya. Siguro nong nagbuhos ang Diyos ng mga blessings andon siya sa labas ng bahay nila kasi sinalo niya lahat at siguro kaming magkapatid hindi namin alam na nagpapaulan pala ng blessings sa Diyos kaya di na kami nakalabas ng lungga namin at wala man lang kaming nasalo.
Napansin ni Clara ang pagluha ni Eddie kaya lumapit siya rito at inabutan ng tissue. Kinuha naman iyon ni Eddie at pinunasan ang luha niya.
"Am excuse me, CR muna ako." At nagCR nga muna siya. Mukhang sobrang naging emosyonal si Tisoy, sobrang pula niya eh. Ano ba naman kasing meron dito sa boses kong ito at naapektuhan siya ng ganon. Eh hindi naman pangmalakasang singing contest ang boses ko... sakto lang.

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now