PANG SAMPU

43 1 0
                                    

Grabe! Condo unit ba ito o mansyon? Nasa pinakataas ng building ang sinasabing condo unit nitong si Eddie at nagulat kami ng pagbukas ng pinto ay napakalaki ng salas nya at may second floor pa.
Hindi na kami nakapagsalita pa ni Migoy sa sobrang pagkamangha sa bahay nitong si Eddie. Kaya yata siya nagandahan don sa kinanta ko, relate na relate naman kasi talaga siya kung totoo talaga si Lord... hindi talaga nagkulang si Lord sa kanya! Nasa kanya na lahat, guwapo, mayaman at mabait pa.
"Feel at home guys ha." Ang sabi niya sa amin.
"Sir, kailangan mo ba ng katulong dito sa bahay mo? Sir kahit taga linis ng sasakyan mo okey ako ron mabayaran lang namin ang pakikitira namin dito sa bahay mo." Ang sabi ni Migoy kay Eddie.
"Ako rin Sir, baka may labada ka riyan ako na maglalaba sayo o di kaya taga linis." Dagdag ko pa.
"May hindi stay in na akong katulong at taga linis ng sasakyan kaya di ko na kailangan yan. Just feel at home to stay here." Nakangiti at welcoming na sinabi sa amin ni Eddie.
"Bakit ba ang bait mo sa amin? Wala naman kaming nagawang kabutihan sayo ah. Hindi rin naman kagandahan ang boses ko para rewardan mo kaming magkapatid ng ganito."
"Migoy, Myra, Jesus Christ loves you. Ayaw niya kayong mapabayaan." Ang sinagot niya sa amin, "Wait I think the room is ready."
Sinamahan niya kami sa pansamantalang magiging kuwarto. Wooh... ang sarap ng lamig ng aircon, tig isa pa kami ng kamang magkapatid at talaga sarap higan ng kama niya.
Hindi namin mapigilang magkapatid ang maiyak. Hindi kami makapaniwala. Nangyayari ba talaga sa amin ito?
"Sorry, napaiyak ko ba kayo?" Tanong ni Eddie sa amin.
"Kasi naman ilang araw na rin kaming nagtitiis at nilalamok sa bangketa tapos isang araw lang nakakain kami sa restaurant na pinapangarap namin tapos matutulog kami sa ganito kagarang bahay. Parang panaginip lang."
"Im so glad to hear na channel of blessings ako sa inyong magkapatid and yes parang panaginip nga siguro but its real for the Lord is the Lord of impossible." Ang sabi ni Eddie.

"Ang sarap ng naka aircon ate." Ang sabi ni Migoy habang parehas kaming nakahiga sa malambot na kama.
"Kaya nga."
"Kanina lang Ate nilalamok tayo at init na init sa pagtulog natin sa kalye tapos ilang oras lang nasa aircon na tayo at nakahiga sa magandang kama. Grabe lang si Lord di ba ate? Wala talagang imposible sa Kanya. Ang galing Niya!"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Migoy. Maslalo kasi akong naguluhan. Oo nga himala nga na walang wala kaming magkapatid ay andito kami sa aircon na may magandang kama pero bakit ganon si Lord sa aming magkapatid. Bakit di pinigilan ni Lord noon ang tatay ko na iwan kami? Bakit di man lang Niya pinagaling ang Nanay namin? Bakit hindi kami naging katulad ng iba na may kumpletong pamilya kahit simple lang ang buhay. Yun lang naman ang hangad ko eh.
"Ate, ano kayang trabaho ni Sir Tisoy? Bakit ang yaman-yaman niya?"
Napatingin ako kay Migoy, "Migoy... hindi kaya... may masamang intensyon sa atin itong si Tisoy?"

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now