Paglabas namin sa kuwarto ni Migoy ay naabutan namin si Eddie na nasa dining table at naghahanda ng almusal.
"Migoy, Myra, sakto, I have already prepared your breakfast." Ang bati ni Eddie sa amin.
"Eddie, may ipagtatapat kami sa iyo ni Migoy." Ang sabi ko sa kanya.
"Ano yun?"
"Una sa lahat Eddie, kung anu man ang mapagdesisyunan mo pagkatapos mong malaman ung aaminin namin sa iyo okey lang sa amin. Nakikitira lang din naman kami rito sa unit mo kaya okey lang sa amin kung paaalisin mo kami."
"Eh ano ba ung sasabihin niyo?"
"Kuya Eddie ang totoo kasi niyan, hindi naman kami kumakanta ni Ate Myra sa kalye upang ishare sa mga tao ang salita ng Diyos. Naghahabol lang kami ng abuloy sa kanila, napalayas kasi kami sa bahay at wala kaming pera kaya namin nagawa un." Ang sabi ni Migoy.
"Hindi kami Christian katulad ng inaakala mo. Hindi kami alagad ng Diyos. Nakita ko kasi na madaming natatanggap na abuloy at napapadalhan pa ng masarap na pagkain ung mga kumakanta ng tungkol sa Diyos sa kalye kaya un ang naisip kong gimik para mapagpakitaan namin. Eddie sorry, niloko ka namin, alam kong kaya mo kami pinatuloy dito at pinapakain dahil inaakala mong gumagawa kami para sa Diyos pero hindi eh. Kaya kung paaalisin mo kami rito okey lang."
"Bakit kayo paaalisin? Wala pa naman kayong titirhan ayokong hayaan kayong matulog sa kalye uli. Saka may aaminin din ako sa inyo." Napatingin kami ni Migoy sa sinabi ni Eddie, "Umpisa pa lang na-observe ko na mukhang pinagkakakitaan nyo nga lang ang pagkanta sa kalye kaya wag kayong magworry di ako nagulat sa pinagtapat nyo sa akin ngayon."
"P-paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya.
"Napansin ko kasi hindi nyo man lang naikuwento sa akin kung paano kayo nakakilala sa Diyos. Saka wala kayong masyadong nakikiwento sa akin tungkol sa church niyo or other religious activities."
"Wala naman kasi talaga kaming alam sa pagiging Kristyano saka wala rin kaming church." Ang sagot ko sa kanya.
"Pero bakit tinutulungan mo pa rin kami kuya kahit alam mo naman palang binubudol ka na namin?"
Ngumiti si Eddie sa tanong sa kanya ni Migoy, "Because of Jesus Christ. I know kung nasa kalagayan ko si Jesus ito ang gagawin niya rin sa inyo. Wait, its Sunday today, gusto nyo sumama kayo sa akin sa church?"
YOU ARE READING
HINDI NAGKULANG
FanfictionSi Myra, ang gusto lamang niya ay kumita ng pera pero may iba pa siyang natagpuan sa pagiging fake na street worship singer. Si Eddie, nasa kanya na ang lahat pero tila may kulang. Ano kaya ang matatagpuan nila? This is a MayWard fan fiction... and...