PANGATLO

53 3 0
                                    

After 8 months....

Myra

"Mahal na mahal kita sa Panginoon! Mahal na mahal kita sa Panginoon!"

Wow si Ate Girl umagang umaga nanggising.

"Kailanma'y di kita ipagpapalit,
Pagkat sa piling moy langit.
Mahal na mahal kita Panginoon."

Napatayo ako sa bangketang hinihigaan ko at pinanood si Ate Girl na tumutugtog gitara habang kumakanta sa mic sa may gilid ng bangketang hinihigaan naming magkapatid.

"Mga kapatid mahal na mahal tayo ng Diyos, hindi niya tayo pinababayaan."

Natawa ako sa sinabi ni Ate Girl. Pinagsasabi mo teh, kung hindi talaga nagpapabaya ang Diyos eh di sana hindi niya hinayaang di kami makabayad ng renta... wala tuloy kaming choice kundi matulog sa gilid ng kalsada.
Tinignan ko ang nakakabata kong kapatid na lalaki na si Migoy na humihilik pa habang akap akap ang kanyang gitara.
"Tignan mo itong lalaking ito, kung makaakap sa gitara niya parang ayaw hiwalayan eh. Daig pa ang jowa."

"Tandaan niyo mga kapatid ang sabihin sa aklat ni Juan, John 3:16, dahil mahal tayo ng Diyos ay inalay Niya ang buhay ng Kanyang anak sa krus para sa ating kaligtasan."

Nag-unat ako ng braso. Ewan ko sayo teh hindi kita gets, kunwari ka pa, parehas lang naman tayong nangangailangan ng pera.

"Ang ganda ng pagkanta mo Ineng." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng isang matandang babae na lumapit kay Ate Girl, "At ang gaganda pa ng mga papuri songs na kinakanta mo."
"Salamat po Nay sa Panginoon at nagustuhan Niyo."
"Umagang umaga ano nagpipreach ka rito sa kalye."
Tumango si Ate Girl, "Para po kay Lord, Nay. Gusto ko rin pong marinig ng ibang tao ang mga magagandang salita ng Diyos at ma bless sila nito. Maslalo na po sa mga di pa nakakakilala sa Kanya."
Napakunot ako ng noo, weird tong si Ate Girl. Siyempre kilala namin itong Diyos niya, kilala rin namin si Jesus Christ ang dami kayang simbahan dito sa Pilipinas, at ang dami ring pyestahan.
"Nakakatuwa ang intention ng puso mo Iha." Inabot ng matanda ang isang supot ng take out sa fast food at inabot ito kay Ate Girl, "Heto pagkain mo sa maghapon, para makatulong din ako sa mission mo."
"Naku sobrang salamat po Nay."
May nilabas ang matanda mula sa kanyang bag at inabot din yun sa kamay ni Ate Girl.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga nakita ko, may fast food na, may pera pa. Agad kong ginising ang kapatid ko sa mga nakita ko.
"Tignan mo yun Migoy, kumanta lang siya naabutan na siya ng pagkain at may pera. Grabe Migoy!"
"Eh baka maganda ang boses."
"Hindi Uy, magkasing lebel lang kami niyan ng bosesan. Ang galing talaga! Migoy, naisip mo ba kung anong naisip ko?" Ang tanong ko sa kanya.
"Ate, masama yang iniisip mo, kasalanan yan sa Diyos." Ang sabi ni Migoy.
"Ano ka ba, walang Diyos noh, ang Diyos para lang din yan sirena, duwende, kapre, panay kathang isip lang. At saka kung totoo ngang may Diyos, siguro naman maiitindihan Niya tayo sa gagawin natin. Migoy, dali na, para di na rin masayang ang pagbitbit mo at ang pagyakap mo ng mahigpit sa gitara mo. Saka Migoy, isipin mo na lang gusto mo ba buong buhay tayo ritong matutulog sa  kalye? Migoy ayokong mabulok dito, gusto ko rin ng malambot na kama, yung bahay na may bubong pangprotekta sa init at ulan, ano Migoy ayaw mo ba non?"
Napakamot ng ulo si Migoy, "Eh teh, natatakot ako sa Diyos eh."
"Ano ka ba? Lakasan mo lang ung loob mo. Kapag gutom na gutom ka na wala na tayong dapat katakutan pa."
"S-sige na nga Ate. Siguro naman maiintindihan naman tayo ni Lord sa gagawin natin."

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now