Myra
Sa isang corner ng pamilihang bayan kung saan madaming tao kami pwumesto ni Migoy para sa gimik namin.
Dahil wala pa kaming budget sa microphone ay lalakasan ko na lang ang boses ko para madaming makarinig sa akin, naglagay na rin ako ng offering box para sa mga gustong magbigay.
"Magandang Umaga po sa inyong lahat. Andito po kami upang ihatid sa inyong lahat ang isang magandang balita... mga kababayan... mahal po tayo ng Diyos." Dahan dahan kong itinaas ang isa kong kamay para kunwari praise the Lord na praise the Lord hindi ba? "Ang buti ng Diyos mga kapatid at sa ngalan ni Hesu Kristo ay dinadalangin ko na lahat tayo ay pagpalain Niya." Itinaas ko ang isa ko pang kamay at napapikit ako, "Lord! Pagpalain Niyo po kami!"
"Amen!" Ang sigaw ni Migoy
"Pagpalain Niyo po kami Lord!" Ang sabi ko pa.
"Amen Lord!" Ang sagot muli ni Migoy.
Binaba ko ang aking mga kamay at binuksan ang aking nga mata, patuloy lang na abala ang mga tao sa palengke at parang di naman ako napapansin.
"Tayo po ay magpuri sa Diyos, ipahayag po natin na mahal natin Siya. Sabihin natin mahal na mahal kita Panginoon!" Nagsimula ng magpatugtog ng gitara si Migoy habang ako naman habang kumakanta ay napapapalakpak at napapasayaw na rin sa kanta na iyon.Mahal na mahal kita Panginoon
Mahal na mahal kita Panginoon
Kailanma'y 'di kita ipagpapalit
Pagkat sa piling mo'y langit
Mahal na mahal kita PanginoonPapupurihan ka
(Habang buhay) Maglilingkod sa'yo
(Habang buhay) Pag-ibig ko sa'yo'y iaalay, habang buhayNag-uumpisa ng mapahinto ang mga tao at pinapanood ako maslalo ko tuloy ginalingan ang performance ko.
"Magsaya tayo everybody sing!" Ang sabi ko sa mga dumaraan.
Napansin kong may mga tao na natuwa ata sa palabas ko at naghulog sa offering box."Salamat Panginoon! Pinagpapala mo kami!" At nagpatuloy lang ako sa pagkanta at pagsayaw.
Magkalipas ang tatlong oras na performance ay nagpahinga muna kami ni Migoy para kumain. Tuwang tuwang kami ng makita na may 500 pesos na sa offering box.
"Grabe ang galing ni Lord no Teh, ilang oras lang yun naka 500 na tayo." Sabi ni Migoy.
"Uy, anong ang galing ni Lord ka diyan, bakit yung si Lord ba ang kumanta at sumasayaw sayaw ng ganen diyan. Tayo noh, tayo ang magaling. Kaya pasalamat ka sa akin at naisip ko tong gimik na to." Ang sabi ko sa kanya.
"Ikaw talaga Ate nabiyayaan na tayo hindi ka pa rin naniniwala sa Diyos."
"Hindi talaga noh. Kung totoong may Diyos dapat sa lahat ng tao patas siya hindi ung pinipili Niya lang kung sino ung magiging mayaman, magiging mahirap, kung sino ung magkakaroon ng buong pamilya at sino ung mga ulila at iniwan ng magulang." Ang sabi ko Migoy.
"Ang tigas mo talaga Teh."
YOU ARE READING
HINDI NAGKULANG
FanfictionSi Myra, ang gusto lamang niya ay kumita ng pera pero may iba pa siyang natagpuan sa pagiging fake na street worship singer. Si Eddie, nasa kanya na ang lahat pero tila may kulang. Ano kaya ang matatagpuan nila? This is a MayWard fan fiction... and...