Pang 28

34 2 0
                                    

"Eddie, the tumor is getting bigger." Ang sabi ng Doctor sa akin, "You have to go for operation."
Ngumiti lang ako. Everytime naman na magpapacheck up ako un ang laging sinasabi pero I feel hopeless and I think Im fine with this.
"Doc, hindi naman importante kung tatagal pa ang buhay ko o hindi. Ang importante I did what the will of God in my life. Kahit masakit ito." Tinuro ko ang aking ulo, "Walang kapantay na saya ung nararamdaman kapag tumutulong ako sa mga taong nagsasuffer din sa cancer, kapag nagrereach out ako sa mga taong nangangailangan ng tulong at kailangan tanggapin si Hesus sa life nila. Sa totoo lang Doc, I just realized, before I got this tumor sobrang workaholic ako, wala akong ibang naiisip kundi paano patataasin ang income ng company, pero ng nalaman kong maaring bilang na ang mga araw ko. Doon ko natanong sa sarili ko, will God accept me to His Kingdom? God used this tumor, this pain so I may follow Him."
Tumango si Doctor, "Yes naniniwala ako na ginagamit ng Diyos ang sakit para maging malapit tayo sa Kanya... pero... hindi mo  ba naisip na binibigyan ka rin ng choice ng Diyos upang humaba pa ang buhay mo? Eddie, Im advising you consider the operation."

Sa totoo lang... pagod na ako... pagod na ako sa pagpapacheck up, sa mga habilin ng mga doctor, pagod na akong marinig ang mga payo ng ibang tao sa paligid. Pagod na rin ako na laging parang binibiyak na ang ulo ko sa sakit at napapagod na ako sa kaka-take ng pain relievers. Pagod na akong mabuhay dala dala ang tumor na ito kaya malaking pasasalamat sa Diyos na siguro bago man Niya ako kuhanin ay nakagawa ako ng mga bagay na makakapagpasaya sa Kanya. Im happy serving Him kahit sandali lang... kung alam ko lang na ganito pala ang joy na magserve kay God sana matagal ko na itong nagawa.

Pumasok ako ng condo unit ng nagulat ako na andoon ang magkapatid na sina Myra and Migoy. I thought may work sila kaya I expect na mag-isa ako today sa unit.
Tumingin sa akin si Migoy, "Kuya Eddie..." parang umiiyak silang magkapatid.
"Anong problema?" Tanong ko sa kanila.
Tumakbo sa akin ang magkapatid at sabay na niyakap ako nang mahigpit at umiiyak.

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now