PANG 26

28 2 0
                                    

Tinitignan ko si Eddie habang nagmamaneho... ano kayang istorya niya? May kinuwento siya sa akin noon pero di naman kumpleto, di ko maintindihan. Gusto ko mang tanungin kaya lang nahihiya ako... baka isipin niya Marites ako.
"God is good noh, gumawa siya ng way para makakilala ka sa Kanya." Sabi ni Eddie sa akin.
Tumango lang ako. Ano kaya... subukan ko kayong tanungin...
"Eddie... may tanong ako sayo, wag mo sanang masamain."
"Ano un?" Ang sabi niya sa akin.
"Am... di ba nakuwento mo na katait ka ng..."
Biglang nagpreno si Eddie ng biglang may tumawid na grupo ng mga kabataan sa harapan namin.
"Grabe un katait na tayong makasagasa ron ah." Ang sabi ni Eddie.
"Oo nga, bakit naman kasi ganon yang mga taong yan alam na ngang di pa sila pwedeng tumawid eh. Mga pasaway." Ang sabi ko.
"Kaya nga." At nagpatuloy sa pagmamaneho si Eddie, "Ano nga pala ung sinasabi mo kanina?"
"Ha?" Napakamot na lang ako ng ulo. Natatakot ako na baka mapapreno pa ulit sya bigla kapag nagtanong pa uli ako, "Naku ano ba yan nakalimutan ko na. Aalahanin ko muna."
"Ganon? Nakalimutan agad. Ikaw talaga oh."

Pagpasok namin ni Migoy sa kuwarto ay kinausap niya ako ng masinsinan.
"Ate, magpapaalam sana ako sayo."
"Ano un?"
"Ate naisip ko lang kasi hindi naman tayo pwedeng forever na makikitira dito kay Kuya Eddie. Kaya naisip kong magtrabaho, inalok ako ng kaibigan ko na magtrabaho sa isang restaurant eh taga hugas lang ng pinggan ate pero okey na un. Ayos na rin na pang ipon un para pangrenta sa pang upa sa bahay di ba?"
"Tama ka Migoy, dapat itama na rin natin ang mga pamumuhay natin. Ang pangit din talaga na umaasa tayo sa iba or di kaya nanloloko ng ibang tao para magkapera. Migoy, baka naman may isa pang bakante diyan sa restaurant na yan pasok mo na rin ako."
Tumango si Migoy, "Sige Ate tatanungin ko sa kaibigan ko. Ate, totoo na ba ito? Susunod na tayo sa Diyos at aayusin ang pamumuhay natin."
Ngumiti ako kay Migoy at sinabing "Bakit hindi."

Mapalad na nakapasok din ako sa restaurant na iyon, nilipat si Migoy bilang bus boy at ako naman ang naghuhugas ng pinggan. Kada araw ay 200 pesos ang sweldo namin, okey na un. Sobrang nagtipid din kami ni Migoy para pangdeposit sa susunod naming uupahang bahay.

Maagang umalis si Eddie dahil may morning meeting sila sa opisina at paalis na kami ng unit ni Migoy na may isang matandang lalaki at babae ang dumating.
"Sino kayo? Anong ginagawa nyo sa unit ng anak ko?" Nagulat ang matandang lalaki pagkakita sa amin na lumalabas sa unit ni Eddie.
Natakot sa lalaking yun, sa itsura pa lang niya ay para siyang hari... parang nakakatakot na tao.
"Ah eh... mga kaibigan po kami ni Eddie, pinatuloy lang po niya kami rito habang wala pa kaming matutuluyan. Pero wag po kayong mag-alala am... aalis din po kami rito."
"Sweetheart, I remember Eddie mentioned to me na may pinatira nga siya sa unit niya from the church."
Napatango na lang kaming dalawa ni Migoy, yun pala ang naging pagpapaliwanag ni Eddie sa mga magulang niya tungkol sa amin.
"Am Mam Sir, pasensya na po kayo sa amin sa pagtira namin dito pero promise sandali na lang po makakaipon na po kami pang upa po ng bahay."
Tumango ang matandang lalaki, "Andyan ba si Eddie?"
"Wala po Sir, may morning meeting lang po raw siya sa opisina." Sabi ni Migoy.
"Morning meeting?" Napag isip ang ina ni Eddie, "Sweetheart, I think may check up siya mamaya sa doctor niya kaya siguro inagahan ang pagpasok."
"Kamusta na ba ang anak ko?" Unti unting huminahon ang boses ng lalaki.
"Ayos naman po si Kuya Eddie." Ang sabi ni Migoy.
"Hindi ba laging sumasakit ang ulo niya nitong mga nakaraang araw?"
Nagtaka kami sa tanong ng tatay ni Eddie at nagkatinginan kaming magkapatid.

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now