"Oh Migoy ung narehearse natin kagabi ah." Ang paalala ko kay Migoy habang papunta kami sa pwesto namin.
"Ayos na ate, na practice ko na ng ung tutugtugin ko eh ang tanong ung boses mo, maayos pa ba yan?"
Hinawakan ko ang lalamunan ko, "Para nang napapaos paos nga ako Migoy, siguro dahil sa maghapon din akong kumakanta tapos kailangan ko pang lakasan ang boses ko."
Napakamot ng ulo si Migoy, "Naku po patay tayo diyan."
"Ano ka ba wag kang mag alala carry ko to noh." Ang sabi ko kay Migoy, "Kayang tiisin ito."
"Sigurado ka ba riyan ate?"
"Oo naman." Sabi ko naman. Superwoman ata ito! Walang hindi kaya para sa kumakalam na sikmura.
"Miss?"
Napalingon ako sa matandang lalaki na tumawag sa akin, "Ilang araw ko na kasi kayong nakikita na kumakanta rito at nagbabahagi ng salita ng Diyos."
Tumango naman ako, "Ay oo nga po. Gusto po kasi naming malaman ng ibang tao na mahal tayo ni Lord."
"Alam mo kasi noong medyo bata bata pa ako gawain ko rin yan."
Nagulat ako sa sinabi ng matandang lalaki sa amin, ibig sabihin mangraraket din noon ang isang to? "T-talaga ho?"
"Oo, nagpeperform kami noon ng worship team namin sa mga kalye na tulad nito upang ihatid sa mga tao ang mga salita ng Diyos. Kaya eto..." inabot sa amin ng matanda ang dalawang mic at speaker, "Luma na ang mga ito pero napagawa ko na upang magamit niyo sa gawain niyo."
"M-manong.." kinikilabutan ako habang inaabot ang mic at speaker, "Seryoso ba kayo rito?"
"Oo, kailangan nyo yan maslalo na ikaw para di magasgas ang boses mo." ang sabi pa ng matanda, "Mga iho, iha, gamitin niyo ang kabataan niyo ah at mga talentong ibinigay nya sa Inyo upang ipakalap ang mga salita ng Diyos."
"Naku, Manong pagpalain nawa kayo ng Diyos sa kabutihan Niyo." Sabi ko sa kanya, "Ang laking bagay po nito sa amin. Salamat po talaga."
"Walang anuman sa Inyo, pero mas magpasalamat kayo sa Diyos, kasi Siya ang nagsabi sa akin na ibigay yang nga yan sa Inyo."
"Oo naman po. Thank you Lord! Praise the Lord Alleluia!" Ang sabi ko pa.
"Sige, magstart na kayo upang mas madami pa kayong mabahagian ng salita ng Diyos."
"Sige po salamat po uli." At saka umalis na ang lalaki sa pwesto namin.
"Grabe Ate, ang galing talaga ni God noh, ayaw Niyang masira ang boses mo kaya sinabihan niya si Manong na bigyan tayo ng mga mic." Ang sabi ni Migoy.
Napatingin ako sa mikroponong hawak ko. Paano naman kakausapin ni Lord ung taong un eh di naman Siya tao? Parang may amats ata itong si Manong.
"Ikaw naman para kang sira, naniwala ka naman sa sinasabi non na nakakausap niya si Lord. Alam mo uto uto lang yang si Manong, magaling kasi akong umarte kaya tayo niya binigyan ng ganito."
Napabuntong hininga si Migoy sa akin, "Ay hindi ka pa rin ba naniniwala kay Lord ate?"
"Kung naging tulad tayo ng iba na buo ang pamilya at masaya baka naniwala pa ako pero hindi, kaya di yan totoo at halika na magtrabaho na tayo. Okey?"
YOU ARE READING
HINDI NAGKULANG
FanfictionSi Myra, ang gusto lamang niya ay kumita ng pera pero may iba pa siyang natagpuan sa pagiging fake na street worship singer. Si Eddie, nasa kanya na ang lahat pero tila may kulang. Ano kaya ang matatagpuan nila? This is a MayWard fan fiction... and...