Siguro dahil na rin gutom jones na kami ay napasakay na lang kami sa kotse nitong si Mr. Pogi. Hm... hindi naman siya mukhang masamang tao, mukha nga siyang anghel eh, wala naman sigurong masamang intensyon sa amin itong lalaking ito at saka ang bango at ang ganda ng kotse niya.
Inihinto niya ang sasakyan sa isang fine dining restaurant at para kaming na tamemeng magkapatid habang punapasok sa magarang restaurant.
"A-ate naaalala mo nong kapapalayas lang sa atin sa tinitirhan natin. Napadaan tayo sa restaurant na ito... sabi natin sa isat isa kapag nagkapera tayo kakain tayo rito." Ang bulong sa akin ni Migoy.
"O-oo nga... naaalala ko... Migoy, wala pa rin naman tayong datung di ba? Pero anong ginagawa natin dito rito?" Ang tanong ko kay Migoy.
"Ate sinasabi ko na sa Iyo, maniwala ka ng may Diyos, walang imposible talaga sa kanya."
Hindi na ako makasagot kay Migoy kasi kahit ako ay namamangha na sa nangyayari.
"Take a seat guys."
Umupo kami sa napakagandang table ng restaurant na iyon.
Inabot sa amin ni Mr Pogi ang mga menu, "Anong gusto niyong iorder?"
"L-libre ba talaga ito?" Ang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya akin at natawa, "Oo naman its my treat, di ba sabi ko naman kanina."
"B-bakit? Anong pakay mo sa amin?" Tanong ko sa kanya.
"Am, Im just felt blessed meeting you guys."
"Blessed? Na bless ka lang dito mo na kami sa restaurant na ito dinala. Di man lang sa Jollibee, McDo or KFC dito na agad?" Sabi ko sa kanya.
"Ayaw niyo ba rito sa restaurant na ito?" Tanong niya sa amin.
"Siympre gusto! Gustong - gusto! Pangarap naming magkapatid kaya kumain dito, wala lang kaming perang pangkain dito." Ang sagot sa kanya.
"Wow!" Ang sabi niya, "It seems that na hindi lang ako ang nabless sa pagkanta niyo... pati pa rin pala ako na bless kayo. Im happy to hear that! Ang sarap kaya sa feeling na maging channel of blessings ka. Pwede na ba tayong umorder?"
"Am, pwedeng ikaw na lang ang umorder ah, di naman kasi alam kung anong masarap dito eh, ipili mo na lang kami ng masarap." Ang sabi ni Migoy.
"Sure!" Tinawag niya ang waiter at nag order na siya ng pagkain."By the way, my name is Eddie." Ang sabi niya sa amin habang hinihintay namin ang pagkain.
"Am ako naman si Myra at heto naman ang kapatid kong si Migoy." Ang sagot ko sa kanya.
"Ah, nasan na parents nyo?"
Nagkibit balikat kami, "Yung nanay namin three years ago namatay na siya dahil sa Pneumonia, yung tatay namin, ewan, di na naman alam kung asan siya, bagong panganak pa lang kasi nitong si Migoy nang iniwan niya kami kaya wala na rin akong masyadong maalala tungkol sa kanya."
"Im sorry, ang lungkot pala ng naging buhay niyo. Pero Im glad na hindi kayo sumuko sa faith niyo kahit na di maganda ang nangyari sa inyo."
Napakunot noo ako, "Faith anong faith?"
Nagtaka si Eddie sa tanong ko, "Di mo alam un?"
Sumimpleng bulong si Migoy sa akin, "Si Lord un ate."
"Ah oo, faith oo, di namin sinuko un. Mahal namin si Lord eh." Ang nasabi ko na lang.
"Wow that is so good to hear. So how did you find God?" Tanong niya sa amin.
Napaurong ang dila ko sa tanong niya, "Am l-lahat naman nakakakilala sa Kanya eh, dami kayang simbahan dito."
Tumango siya, "Yah many knows Him by name pero they do not really know Him, wala silang faith kay Lord."
Faith na naman? Big word ba yan?
"Ah oo, tama ka diyan." Nasabi ko na lang.
Nagpatuloy siya sa kanyang pagsasalita "Ako kasi... bata pa lang ako I know Jesus Christ by His name, by Religion subjects in school... pero I just found Him recently."
YOU ARE READING
HINDI NAGKULANG
FanfictionSi Myra, ang gusto lamang niya ay kumita ng pera pero may iba pa siyang natagpuan sa pagiging fake na street worship singer. Si Eddie, nasa kanya na ang lahat pero tila may kulang. Ano kaya ang matatagpuan nila? This is a MayWard fan fiction... and...