Pang 29

22 1 1
                                    

Myra

"Hindi ba sumasakit lagi ang ulo niya nitong nakaraang araw?"
Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa sinabing iyon ng Papa ni Eddie. Naalala ko ung panahon na una ko siyang nakita noon sa Antipolo tulala siya at parang napahawak siya sa ulo niya. Ung nasa bundok kami habang kumakanta ako ng "Di Ka Nagkulang" napahawak din siya non sa ulo niya at bigla na lang siyang matagal nawala.
"M-may problema po ba kay Eddie?" Ang tanong ko sa mga magulang niya.
Nagtinginan silang dalawa at sinabi ng nanay niya sa amin "I guess ayaw talaga niyang malaman ng ibang tao ang tungkol sa pinagdadaanan niya. Ilang buwan na ang nakakaraan ng malaman niya na he has tumor in his brains the same illness na ikinamatay ng Lolo when he was a kid."
Biglang umiyak ng malakas sa Migoy sa sinabi ng ina ni Eddie, "Mamatay na rin po ba si Kuya Eddie?"
"Hindi natin hawak ang buhay natin pero we are convincing na magpunta kami ng Germany para sa operation at chemo niya pero he is so afraid. Naalala nya ang lolo niya na hindi nagtagumpay sa battle nito sa cancer kaya naiisip niya na magstay na lang dito at live his life by doing what is good." Ang sabi naman ng kanyang ama.
"Mam Sir malaki po ang naitulong ng anak nyo sa aming magkapatid pero hindi po namin alam kung paano po matutulungan si Eddie sa sitwasyon nya ngayon. Kung kaya lang po namin magpagaling..."
Hinawakan ng nanay ni Eddie ang kamay ko, "Yung makilala kayo ng anak ko at makasama kayo sa bahay kaya hindi siya nag-iisa ngayon ay malaking tulong at blessing na sa anak ko. I believe the Lord brought both of you to my son for His Great Purpose."

Nang makaalis ang mga magulang ni Eddie at panay ang iyak namin ni Migoy. Hindi na kami pumasok sa trabaho dahil sa sakit ng malaman namin ang tunay na kalagayan ng aming kaibigan.
"Ate akala ko ang perfect na ni Kuya Eddie, nasa kanya na lahat pero ganito pala kabigat ang sitwasyon niya. Paano niya naatim maging paborito ang kantang "Di Ka Nagkulang" kung kulang ang buhay niya."
Sa totoo lang hindi ko rin maintindihan si Eddie don.
"Bakit ganon ate, kung sino ung mga mababait siya ung maagang kinukuha ng Diyos?"
Nasabunutan ko ng slight si Migoy sa sinabi niyang un. "Wag ka ngang magsalita ng ganyan buhay pa si Eddie."
"Pasensya na Ate, inaakala ko rin kasi magkakatuluyan kayo ni Kuya Eddie."
Napatingin ako kay Migoy, "Naisip mo pa talaga yan?"
Bumukas ang pintuan ng unit at pumasok don si Eddie na nagtataka kung anong nangyayari sa amin.
"Kuya Eddie..." ang sabi ni Migoy.
"Anong problema?"
Tumayo kaming magkapatid at niyakap si Eddie habang umiiyak.

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now