PANG 23

42 2 0
                                    

Pumasok kami ni Migoy sa auditorium na yun kung saan panay laging nakangiti ang mga tao at lagi kaming binabati ng mga nakakasalubong namin kahit di namin sila kakilala.
"Relax lang guys ah." Ang paalala sa amin ni Eddie, "Dont be shy. Mababait ang mga tao rito. They are so welcoming."
May isang lalaki na lumapit kay Eddie, "Hey Ed!"
"Pastor James!" Niyakap ni Ed ang Pastor na iyon parang sobrang closed sila.
"Kamusta na Ed, I heard may outreach program kayo sa bundok ah."
"Sobrang successful non Pastor. God is great! Pastor, may kasama pala ako, mga nakasama ko sila sa outreach, sina Myra at Migoy, magkapatid po sila and they are very good musicians."
Siniko ko si Ed, "Hindi naman masyado."
"Pastor they are very good. Sila ung ka collab ng SaRap kay Hesus, ung nagtrending sa Youtube."
Nagulat si Pastor sa sinabi ni Ed, "Wow sila ba yun! Nakailang panood din ako ng video na un. Grabe parang gusto ko tuloy magpaautograph."
Napayuko kaming magkapatid at namupa sa hiya sa sinabi ni Pastor. Ano ba ung ginawa naming un bakit parang halos lahat yata ay nakakapanood ng video na iyon.
"Mamaya babalikan ko kayong magkapatid para magpaautograph. Sige have a seat few minutes na lang mag-uumpisa na ang service."
Kasama si Eddie ay umupo kami nila Migoy upang makapakinig sa service na tinatawag nila.
Ilang sandali pa ay nagumpisa na nga ang service tumayo kami upang sumabay sa worship. Ang totoo niyan di ko masyadong maintindihan... english kasi basta nakipalakpak na lang kami ni Migoy. Ilang kanta rin yun at pinaupo na muli kami at umakyat naman si Pastor James, "Welcome, our gospel for today is about the Blind man."
Napakamot ako ng ulo, english na naman... baka makatulog ako kasi wala akong maiintindihin.
Napatingin sa amin si Pastor James, "For today I will read the gospel in Tagalog."
Naluwagan ang paghinga ko. Salamat naman.
"At itinanong sa kaniya ng kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kaniyang mga magulang, upang siya'y ipanganak na bulag?
Sumagot si Jesus, Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, ni ang kaniyang mga magulang man: kundi upang mahayag sa kaniya ang mga gawa ng Dios.
At sinabi sa kaniya, Humayo ka, maghugas ka sa tangke ng Siloe. Siya nga'y humayo, at naghugas, at nagbalik na nakakakita.
Ang mga kapitbahay nga, at ang nangakakita sa kaniya nang una, na siya'y pulubi, ay nangagsabi, Hindi baga ito ang nauupo at nagpapalimos?"

Natigilan ako... nauupo at nagpapalimos... naalala ko ung mga panahon na natutulog kaming magkapatid sa kalye. Ung umaasa na may maaawa sa amin at bibigyan kami ng limos upang may makain kami.

HINDI NAGKULANGWhere stories live. Discover now