chapter 2

1K 22 1
                                    

" Anak, okay ka lang ba? mayroon bang masakit sayo? " nag-alalang tanong ni mommy sa akin, kung alam lang niya kung anong ginagawa sa akin ng akala niyang mabait na asawa at mabuting ama. Sana pwede ko sabihin kay mommy kaso, nag alala ako na baka imbis na sa akin siya kumampi kakampi siya dun sa asawa niya.


  naramdaman ko iyong yabag ng paa nang demonyo kong step father, oo alam ko na bawat kilos niya kailangan dahil pag hindi baka mapag samantalahan niya na naman ako. " Nandiyan ka na pala Shaira" nakangiti niyang sabi sa akin, napaka sama talaga ng tao ito nagawa niya pa akong tignan sa mata.


 " Mi, ano pong ulam?" hindi ko pinansin iyong sinabi ng demonyong taong iyon, tiningnan naman ako ng masama ni mommy. Ito na naman tayo, akala niya talaga mabait iyong lalaking iyon.


 " Anak, galangin mo naman iyong daddy mo. Palagi ko na lang na papansin na ganyan na lang iyong pakikitungo mo sa kanya" ngumiti naman iyong daddy ko raw, at lumapit siya sa amin niyakap niya  si mommy, ewan ko ba kay mommy bakit hindi niya maintay si papa na umuwi at kailangan niya pa mag loko.Naniniwala kasi ako na kailan man hindi magagawa na mangbabae ni papa siguro na traffic lang iyon sa pag-uwi sa pilipinas.

  " Naku hon, okay lang sanay na ako sa anak mo na iyan doon muna ako sa kwarto"  kaya ko to, nakakainis ito rin iyong dahilan kung bakit di ko masabi kay mommy kung ano ginagawa sa akin nung lalaking iyon, kasi alam ko na mahal ni mommy iyong demonyong iyun at alam ko na masasaktan siya pag-nalaman niya.

 habang pinag-hahain ako ni mommy ng pag-kain bigla na lang ako napatakip ng ilong ko, ang baho naman niyan ulam ba iyan. para tuloy akong nasusuka ngayon. " Anak, ano bang nangyayari sayo? bakit palagi ka na lang nababahuan sa ulam natin?" pag-uusisa sa akin ni mommy


napatingin ako sa paligid, wala sa palagid iyong stepfather ko. siguro naman ito na iyong tamang panahon para sabihin ko kay mommy, nakakapagod na kasi na maglihim sa taong mahal mo." MI, mayroon akong kailagan sabihin sayo tungkol kay fernando" kinakabahng sabi ko, sana pag sinabi ko ito mabago na iyong tingin ni mommy sa demonyong lalakin iyon, sana?


" bakit anong mayroon sa akin Sharia?" biglang nanlamig iyong buong katawan ko, Paano na ito. Bakit ba satuwing sasabihin ko kay mommy ito parang may humahadlang. hindi ba talaga dapat na malaman to ni mommy? sana nandito na lng si papa para hindi lahat ng ito nangyari


 " Anak, may problema ka ba sa Daddy mo?" tanong ni mommy sa akin, kung pwede ko lang na sabihin na " oo may problema ako sa taong iyan, binuntis lang naman niya ako ma" kung pwede lang talaga, nakakainis bakit niya ba kailangan na sirain ako, at baka rin pag nalaman ito ni mommy pati kami masira lang.


may narinig kami na nag doorbel sa pinto, kung sino ka mang tao ka salamat? nakaginga pa ako kahit papaano. sana good news naman itong nasa pinto, or much better si papa na ito.


" hon, may tao sa pinto si Dr. Ramos daw? nag pa check-up raw kangina si Sharia may naiwan yata siya" bigla naman na patingin sa akin si mommy, na parang tinatanong kung anong nangyari. ay peste ano kaya plano nitong lalaking ito, at paano niya nalaman kung saan ako nakatira.


" sige hon, papasukin mo si DR. Ramos "nakaranig kami ng yabag papunta sa amin, He entered with he's famous smirk. Tumingin siya sa direksyon ko, kasabay ng pag-ngiti niya. Parang may masama yata itong balak ah?


  " Good afternoon Mrs.Soriano, I just wanna tell your Daughter that he forgot to get the test result the she request a while ago" pormal na sabi niya kay mommy, parang biglang naguluhan si mommy? tiningnan ulit ako ng pesteng doctor na ito, ngumiti na naman siya ng napaka-loko.


   " Ano naman iyong test na iyan doc?" napa-kamot pa si mommy sa ulo niya,  huwag niyang sabihin na sasabihin niya ito kay mommy. tumungin ako sa doctor na iyun, tiningnan ko siya ng masama. Pag nalaman ito mommy, hindi ko alam pero isa lng ang sigurado ko dito ma dissapoint siya sa akin.


   " It's a pregnancy test, Mrs. Soriano" nakaramdam na lang ako ng isang malakas na sampal at alam ko na galing iyun kay mommy. Nakita ko naman na pinipiglan siya nung step father ko na saktan pa ako. 


   " Sino iyong ama niyan Sharia! sabihin mo sa akin! wala kang kwentang anak, para ka lang tatay mo hindi tumutubad sa pangako!" napaluhod ako, ramdam na ramda ko iyong pagtulo ng luha ko. hindi ko ginusto ito, Hindi ko gusto na ma rape sino naman tao, na gugustuhin nila na mapagsamantalahan ng taong demonyo.

  " mi, si---------" bigla ko na lang nakita na hinagis na ni mommy iyong mga gamit ko, kasalanan ito ng demonyong iyon sinira niya iyong pamilya namin.


" lumayas ka wala akong anak na puta! bumalik ka dito pag alam mo na kung sino naka-buntis sayo! wala kang kwenta!" hinahatak ako ni mommy a labas, gusto kong sabihin sa kanya kaso natatakot ako. natatakot ako na hindi ako paniwalaan.


" ma! patawarin mo ako ma!" nasa labas na ako ngayon, sumunod na rin iyong pesteng doctor na iyun. Ano masaya na siya ba siya? sinira niya na naman ako. nakasara na iyong pinto ng bahay namin. Kumakatok ako sa pinto ilang ulit pero wala.


" Tara na Shaira, makakasama iyan sayo" pag- hatak sa akin ni Nathan, ang kapal ng mukha niya kung hindi niya sinabi ngayon edi sana nakagawa pa ako ng paraan para masabi ito kay mommy ng walang nasasaktan.

    

" Bitawan mo ako! ano masaya ka na sinaktan mo na naman ako, alam mo diyan ka magaling sa pananakit sa akin! umalis ka na huwag ka ng mag papakita sa akin, wala kang kwenta! sana hindi na lang kita nakilala!" tinulak ko siya, sabay pulot ng mga damit ko. tiningnan ko ulit siya bago umalis, naka-upo lang siya sa isang tabi kung saan ko siya natulak. wala na, sira na ako sirang sira. hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta maka-alis lng ako dito. Babalik ako kailangan na malaman ni mommy ang totoo.

Buntis ako ( pake mo )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon