Nagising si Nicole dahil sa liwanag na sumilaw sa kanya. Nakita niya ang kanyang ina na nakaupo sa tabi ng kanyang kama at ang kaibigan na si Madeline na nakaupo naman sa couch. Sa itsura pa lang ng paligid, alam niyang nasa ospital siya.
"Kamusta ang pakiramdam mo anak? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong nito habang hinihimas ang kanyang ulo.
"Ayos lang po ako. Ano po bang nangyari? Ang huli ko kasing natatandaan, nasa loob ako ng chapel".
Agad siyang nilapitan ni Madeline at saka kinuwento ang buong pangyayari.
Hindi alam Nicole kung aaminin ba niya sa kaibigan at sa kanyang ina ang totoo. Natatakot kasi siya na baka hindi siya paniwalaan ng mga ito kaya nagpasya siya na itago na lang iyon at isipin na namamalikmata lang siya dahil sa matinding stress dulot ng kanyang propesyon.
"Stress lang ako Madz. Alam mo na, sunud sunod kasi yung mga pictorials natin. Tapos lagi pa ko puyat dahil ang dami kong photos na kailangang i'edit". Palusot niya na mukha namang hindi pinaniwalaan ni Madeline
"O sige, magpahinga ka na lang muna. Don't worry nagpaalam na 'ko kay Maam Abby na hindi ka makakapasok ng ilang araw".
"Thanks Madz".
"Maiwan ko muna kayo, bibili lang ako ng pagkain para sa ating tatlo. Madeline ikaw na muna ang bahala kay Nicole huh". Pakiusap nito.
"Opo Tita Susie, don't worry ako ang bahala sa kanya". Nakangiting sagot ni Madz sa ginang.
Pagkalabas ni Susie ay naiwan ang dalawa na masayang nagkukwentuhan. Di nila napansin ang marahang pagbaliktad ng krus na nakasabit sa bandang ulunan ng kama ni Nicole.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
HorrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...