"Sigurado ka ba? Napatingnan mo na ba siya sa mga espesyalista?" Tanong ng matandang pari na nagpakilalang si Fr. Rico kay Suzie matapos niyang isalaysay ang mga kakilakilabot na nangyayari sa kanyang anak.
"Opo, maayos ang naging resulta ng mga test kaya natitiyak ko na demonic attacks nga ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan".
Malalim na nag isip si Fr. Rico. Matagal na kasi siya sa nasabing bokasyon ngunit wala pa siyang napapatunayan na totoong kaso ng demonic possession. May mga karamdaman kasi na maihahalintulad sa possession dahil sa pagkakapareho ng mga sintomas katulad na lang ng epilepsy.
"Father, hindi po ba kayo naniniwala sakin?" Maluha luhang tanong ni Suzie, bakas sa mukha ang kawalan ng pag asa.
"Sige, bukas na bukas ay pupuntahan ko siya sa bahay niyo upang kamustahin". Sagot ni Fr. Rico
Kahit paano'y nakahinga ng maluwag si Suzie. Matapos magpasalamat at ibigay ng kanyang address ay agad nang umalis ang ginang at pinuntahan sina Madeline at Rhea na naghihintay sa loob ng kotse kasama ang hanggang ngayo'y walang malay na si Nicole.
**********
"Madz...". Mahinang tawag ni Rhea sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Nicole, nagprisinta kasi ang dalawa na bantayan muna ang kaibigan habang abala si Suzie sa ibang gawain.
"Bakit?" Wala sa loob na sagot ng dalaga, tila malalim ang iniisip.
"May sinabi sakin si Aling Norrie nung isang araw". Tipid na sagot ni Rhea.
Sa halip na sumagot ay matamang tinitigan ni Madeline si Rhea, tila hinihintay nito ang kanyang sasabihin.
"Ang sabi niya, kapag ganitong mahal na araw ay malakas ang pwersa ng diyablo dahil patay ang mahal na panginoon. Sa palagay mo ba may kinalaman ito sa mga nangyayari?" Seryosong tanong ni Rhea.
Napamaang ang dalaga sa tanong na iyon ni Rhea. Hindi malaman kung matatawa o seseryosohin ang sinabing iyon ng kaibigan.
"Atheist ka hindi ba? Kailan ka pa naniwala sa Diyos o sa diyablo?"
"Oo aaminin ko, nung una ay hindi talaga ako naniniwala dahil alam kong kayang ipaliwanang ng science ang lahat ng nangyayari kay Nicole. Pero hindi ang nangyari kay Daisy".
"Bakit, ano ba ang nangyari kay Daisy?" Tanong ni Madeline. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya alam ang buong pangyayari hinggil sa pagkamatay ng isa pa nilang kaibigan.
"Sigurado akong na'possessed siya. Wala kasi siya sa tamang pag iisip dahil nagawa niyang putulin ang sariling dila at hiwain ang magkabilang gilid ng bibig. Hindi lang iyon, pinagtangkaan niya rin akong patayin, mabuti na lang dumating si Aling Norrie. Hindi niya iyon magagawa kung walang sumanib sa kanya at nasa matino siyang pag iisip".
"Makapangyarihan ang diyablo, Rhea. Wala itong pinipiling araw at walang makapipigil sa kanya kapag ginusto niyang maghasik ng lagim. At maaaring ginawa niya iyon para ipakita sa atin kung gaano siya kalakas, para ilihis ang ating paniniwala".
"Anong gagawin natin?" Naiiyak na tanong ni Rhea.
"Magtiwala ka lang sa Kanya".
**********
Isa isang tinanggal ni Nicole ang suot na damit at pinagmasdan ang sarili sa malaking salamin.
Ang laki ng ihinulog ng kanyang timbang. Maputlang maputla rin ang kanyang balat at nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Marahan niyang hinaplos ang mga natuyong sugat sa kanyang mukha pababa sa kanyang leeg hanggang sa braso.
Unti unting tumulo ang luha ni Nicole habang pinagmamasdan ang kanyang sarili. Malayung malayo na ang itsura niya ngayon sa dating makinis at maganda.
Marahas niyang pinahid ang luha gamit ang kamay saka tumapat sa dutsa at mabilis na naligo. Pagkaligo ay nagpalit siya ng sweatshirt, maong at nagsuot ng doll shoes. Gusto niyang lumabas at makalanghap ng sariwang hangin. Magmula kasi nang makaranas siya ng kababalaghan ay lagi na lamang siya sa loob ng kwarto at hindi na nakakalabas.
Dahan dahan ang ginawang paglakad ni Nicole upang hindi makagawa ng kahit kaunting ingay. Nakita niyang nakatulog sa pagbabantay sa kanya ang dalawang kaibigan. Mabilis siyang lumabas ng kanyang silid papunta sa Main Door ng bahay.
Wala kasi siyang balak ipaalam sa kanyang ina ang planong paglabas dahil siguradong hindi siya papayagan nito. Bago tuluyang lumabas ay sinilip muna niya ito sa kitchen, abala ito sa pagluluto. Nang makatiyak na hindi siya nito mapapansin ay agad nang lumabas ng bahay ang dalaga.
Napangiti ng mapait si Nicole habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Payapa ang kanyang pakiramdam. Huminga siya malalim saka tinuloy ang paglalakad.
"Sana bumalik na ang lahat sa dati". Malungkot na hiling niya.
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga hanggang sa marating niya ang simbahan kung saan sila nagpunta kanina. Ilang minuto ring nakatayo ang dalaga bago nito naisipang pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
HorrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...