"Aaaaaahhhhhh". Malakas na sigaw ni Nicole.
Lahat ng tao na nakikinig ng misa ay napatingin sa gawi nila. Maging ang pari na kasalukuyang nagho'homily ay pansamantalang napahinto sa pagsasalita dahil sa ginawang pagsigaw ng dalaga.
Takot na takot na nilinga ng dalaga ang buong paligid saka ito nakahinga ng maluwag nang malamang nananaginip lamang siya.
Dahil sa pagkapahiya ay tumayo ang dalaga at tuluy tuloy na lumabas ng simbahan.
**********
"Ano bang nangyayari sayo?" Diretsahang tanong ni Madeline kay Nicole.
Nasa isang gas station sila. Nag decide sila na mag stop over muna upang makagamit ng banyo at makapamili ng ilang makakain habang bumabyahe. Tapos na silang mamili nang magpaalam sina Daisy at Rhea na magc'cr muna. Sinamantala naman ni Madeline ang pagkakataon para makausap ng masinsinan ang dalaga.
"H-huh?" Wala sa sariling balik tanong nito.
"Nic, maging honest ka nga sa'kin. Ano ba talaga ang nangyayari sayo? Parang lagi kang may kinakatakutan". Mahinang sabi nito.
"Wala, ayos lang ako". Walang ganang sagot ni Nicole. Sinalpak nito ang headset sa magkabilang tenga saka sumandal ng patalikod kay Madeline.
At dahil sa pinakitang kilos ng kaibigan ay hindi na nagpumilit pa si Madeline.
**********
"Wow, ang ganda naman dito!!". Tuwang tuwa na sabi ni Daisy nang marating nila ang bahay na kanilang tutuluyan sa loob ng walong araw. Sinalubong sila ng isang matandang babae na siyang caretaker ng bahay na nagpakilalang Aling Norrie.
Isa iyong 2-storey victorian inspired house. Meron itong malawak na sala at dining area. May mini bar din kung saan kumpleto ang brand ng mga mamahaling alak.
"Halos lahat ng kailangan ninyo ay narito na". Panimulang paliwanag ng caretaker ng resthouse habang ipinakikita sa kanila nito ang kabuuan ng bahay. "Kumpleto ang stocks ng mga pagkain sa loob ng refrigerator. Pumili na lang kayo ng gusto niyong lutuin. Kung ayaw niyo naman ng mga pagkain na naroon, pwede naman kayong bumili na lang sa palengke, kumpleto rin ang mga groceries".
Namayani ang katahimikan habang umaakyat sila sa matarik na hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang mga silid. Tumambad sa paningin nila ang madilim at mahabang pasilyo.
"Mayroong limang silid sa bahay na 'to. Sa bawat silid ay kasya ang dalawang tao. Bahala na kayong mamili kung alin sa mga silid ang gusto niyong gamitin". Walang kangiti ngiting sabi nito sa kanila.
"At dahil unang araw ninyo ngayon, may inihanda kaming hapunan para sa inyo. Tatawagin na lamang namin kayo kapag makahanda na ang pagkain". Pagkasabi nun ay agad na umalis ang matandang caretaker.
"Masyado namang serious si Manang". Komento ni Daisy nang makalayo na ang matanda.
"Baka walang lovelife". Sang ayon ni Madeline
"O baka hindi nadiligan". Sagot ni Rhea na bahagyang humagikgik.
"Baliw. Magnilay ka nga, puro kahalayan ang nasa isip mo". Pigil ang tawang sermon ni Madeline na binato pa sa dalaga ang nadampot na unan.
**********
Nagising si Nicole sa di malamang dahilan. Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone na nakapatong sa side table.
3:00 AM
Maya maya ay nakita niyang bumukas-sara ang pintuan ng kanilang kwarto na para bang may lumabas mula rito.
Napatingin siya sa hinihigaan ni Madeline sa kabilang kama. Tulog na tulog ito.
Naisip niya na baka may nakapasok sa kanilang kwarto kaya bumangon siya upang sundan kung sinumang pumasok sa kanilang silid ng walang pahintulot.
Nakakapangilabot ang lamig ng hangin na sumalubong kay Nicole nang lumabas siya sa kanilang silid. Tinahak niya ang madilim at mahabang pasilyo. Habang naglalakad ay may naamoy siyang kakaiba.
Amoy na parang may nasusunog......
Patakbong bumaba si Nicole sa matarik na hagdanan upang agad na marating ang kusina. Naisip niya na baka nakalimutang patayin ang LPG kaya sumingaw ito.
Nang makarating sa kusina ay nakita niyang naka'off naman ang LPG at natitiyak niya na hindi doon nanggagaling amoy.
Nang walang napansing kakaiba ay nag desisyon siyang bumalik na lamang sa kwarto. Binuksan niya ang lampshade upang magkaroon ng kaunting liwanag saka humiga sa kanyang kama.
Wala sa loob na napatitig si Nicole sa nakasabit na krus sa pader katapat ng hinihigaan nila ni Madeline. Kitang kita ng dalawang mata niya ang dahan dahang pagbaliktad nito. Kasabay ng pagbaliktad ng krus ay ang pagdagan ng kung anong malakas na pwersa kay Nicole.
Halos lumubog na ang dalaga sa hinihigaang kutson. Iniangat ng dalaga ang mga braso at pilit na nilalabanan ang hindi nakikitang nilalang na nakadagan sa kanya.
Pilit na lumingon si Nicole sa kinaroroonan ni Madeline upang humingi ng tulong, ngunit mahimbing ang tulog nito.
Sa kabila ng matinding takot ay pilit na nilalabanan ng dalaga ang di nakikitang nilalang. Ngunit lubhang napakalakas nito. Pakiramdam niya ay sinasakal rin siya nito dahil hirap na hirap siyang huminga.
Nabuhayan ng loob si Nicole nang bahagyang gumalaw si Madeline. Tila naramdaman nito ang masamang nangyayari sa kanya.
Tuluyang nagising si Madeline nang makita ang nangyayari kay Nicole. Base sa itsura nito ay tila nakikipambuno ito sa hindi nakikitang kalaban dahil nakaangat ang magkabilang braso nito. Tila tinulos na kandila si Madeline at pansamantalang hindi nakakilos. Ngunit nang makabawi sa pagkabigla ay agad itong bumangon upang puntahan ang kaibigan. Pero hindi pa man siya nakakalapit ay nangilabot siya sa itsura nito.
Kung kanina ay tila nakikipambuno ito, ngayon ay diretsong diretso ang pagkakahiga nito sa kama. Tila may mabigat na bagay na nakadagan rito dahil halos lumubog na ang dalaga sa hinihigaang kutson. Tirik na tirik at namumuti na ang mga mata nito, nakabuka ang bibig at naninigas ang buong katawan.
Marahan niyang nilapitan si Nicole at eksaktong paglapit niya ay bumalik na sa normal ang itsura at paghinga nito.
Umiiyak itong yumakap kay Madeline.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
HorrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...