"Guys, bilisan nyo baka ma'traffic tayo". Tawag ni Madeline sa mga kaibigan.
"Sorry, na'late kasi ako ng gising kaya late na 'ko nakapagluto ng baon natin". Paumanhin ni Daisy habang papasok sa sasakyan.
"It's ok. Anyway, asan na si Rhea?". Muling tanong ni Madeline.
Magkapitbahay sina Daisy at Rhea habang sila naman ni Nicole ay magkasama sa isang two bedroom condo na malapit sa kanilang workplace sa Makati. Mas gusto sana nila na magsama sama na lamang sa iisang bahay, ngunit nagkataon naman na napahiwalay sina Daisy at Rhea dahil may pinamamahalaan ang mga itong negosyo na Bar and Restaurant sa Pasig.
Hindi na naisatinig ni Daisy ang sagot sa tanong ni Madeline dahil bumaba na ito ng sasakyan at tuloy tuloy na naglakad papunta sa katapat na bahay. Kakatok pa lang sana ang dalaga nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang ayos na ayos na si Rhea.
"Kaya naman pala ang tagal mo, nagpakulot ka pa". Medyo inis na komento ni Madeline sa kaharap na babae na nakapostura.
"Hay naku girl. College pa lang tayo alam mo nang hindi ako nakakalabas ng bahay ng di naka makeup at naka hairdo diba?" Maarteng sagot nito na nilagpasan lamang si Madeline at tuloy tuloy sa kanilang sasakyan. Wala nang nagawa si Madeline kundi sumunod rito.
Maingay at punung puno ng tawanan ang byahe ng magkakaibigan. Dahil bihira lamang ang mga pagkakataon na kumpleto sila ay hindi sila nauubusan ng mapagkukwentuhan.
"Guys alam niyo ba yung lumang kasabihan about sa holy week? Nakangiting sabi ni Daisy.
"We have no idea. What about it?" Tanong ni Rhea habang nagre'retouch ng kanyang make up.
"Kapag ganitong holy week. Patay ang Panginoong Hesukristo. Dahil dun, lumalakas ang pwersa ng diyablo at masasamang espiritu". Sabi nito na bahagyang pinalaki pa ang mga mata upang mas maging nakakatakot at kapani paniwala ang kanyang kwento.
"That's enough. Tinatakot niyo lang ang sarili niyo". Seryosong sabi ni Madeline.
"Ha..ha..ha.. Funny" Sarkastikong sabi ni Rhea
"Syempre joke lang yun noh. Tinitignan ko lang kung matatakot kayo". Palusot ni Daisy nang makitang hindi effective ang pananakot niya sa mga kaibigan.
At muling nagtawanan ang lahat. Maliban kay Nicole na seryosong nakatingin lamang sa bintana. Di alintana ng dalaga ang mga biruan at kwentuhan ng mga kasama. Nakatitig lamang ito sa kalangitan.
"Ang weird.... Summer pero bakit makulimlim? May bagyo ba?" Tanong ng dalaga sa sarili.
Nahinto ang malalim na pag iisip ng dalaga nang biglang huminto ang kanilang sasakyan.
"Madz, anong nangyari?" Tanong ni Rhea
Sa halip na sumagot ay agad na bumaba si Madeline ng sasakyan at nakita niyang flat ang isang gulong nito.
"What the f*ck.. Bakit ngayon pa". Inis na sabi ng dalaga.
Pinagtulungan nina Daisy at Madeline ang pagpapalit ng gulong. Habang si Rhea naman ay panay ang pagsuklay sa kanyang buhok habang pinapanood ang dalawa.
Si Nicole naman ay tahimik na nagmamasid sa kanyang mga kaibigan. Mayamaya ay tila may nag udyok sa kanya na ibaling ang paningin sa mga nakahilerang puno sa gilid ng kalsada ilang metro lamang ang layo mula sa kinaroroonan nila. Para kasing may nagmamasid sa bawat kilos nila.
At hindi nga siya nagkamali. May nakita siyang nakaitim na tao na nagkukubli sa likod ng isa sa mga malalagong puno na naroon. Nakaramdam ng panghihilakbot ang dalaga nang lumabas ito sa pinagkukublihan. Dahan dahan itong lumakad palapit sa kanya kaya napaatras ang dalaga.
Isa itong matandang babae na nakasuot ng itim na bestida. Maputik ang mga paa nito hanggang binti, mahaba at magulo ang nanlalagkit nitong buhok, purong puti ang mga mata at nabubulok na ang ngipin. Maputla rin ang balat nito. Ngunit ang nakapangingilabot na ngiti nito ang mas nagbigay ng matinding takot sa dalaga.
Lumingon siya sa gawi ng mga kaibigan ngunit laking gulat niya dahil masaya pang nagbibiruan ang mga ito, kaya natitiyak niya na tanging siya lang ang nakakakita sa matanda.
Sa sobrang takot ay agad na pumasok ang dalaga sa loob ng sasakyan. Pagkasara ng pinto ay hinanap ng kanyang paningin ang matanda. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na niya ito makita. Sumandal siya at mariing pinikit ang mga mata.
Mayamaya ay nakaramdam ang dalaga ng ibang presensiya sa loob ng kotse. Sigurado siya na wala ito sa kanyang tabi kundi nasa mismong harapan niya. Para bang ang mukha nito ay nakatapat sa kanyang mukha dahil amoy na amoy niya ang mabahong hininga nito. Gusto sana ng dalaga na idilat ang kanyang mga mata upang malaman kung sino o anong uri ng nilalang ang nasa kanyang harapan ngunit inunahan siya ng takot.
Tuluyan nang napaiyak si Nicole nang maramdaman niyang may dumamping mamasa masang bagay sa kanyang pisngi. Dahil dun ay tuluyan nang napadilat ang dalaga.
Nasa harapan niya ang matandang babae, nakakalong ito paharap sa kanya. Nakangiti ito ng nakapangingilabot sa kanya. At ang mamasa masang bagay na kanina pa dumampi sa kanyang pisngi ay ang dila nito.
"Aaaaahhhhhh". Malakas na sigaw ni Nicole.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
TerrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...