Matapos ang insidente sa chapel ay bumalik na sa normal ang buhay ni Nicole. Hindi na muling naulit ang nangyari sa kanya ngunit naroon pa rin ang matinding takot lalo na kung nagagawi siya sa chapel.
Nasa isang restaurant sila at kasalukuyang kumakain ng dinner. Napagkasunduan kasi ng magkakaibigan na magkita kita upang mapag usapan kung saan sila magbabakasyon ngayong papalapit na ang mahal na araw.
"Holy week na next week. Saan tayo? Tanong ni Madeline.
"Bora tayo". Suggestion ni Daisy
"Dun na tayo pumunta last summer. Besides, ayaw ko dun masyadong crowded". Si Nicole habang hinihiwa ang kanyang T-Bone steak.
"Or Palawan". Si Rhea
"Alam ko na, Baguio na lang tayo". Sabi ni Madeline at agad naman inayunan ng mga kasama.
"Kelan naman ang alis natin? Tanong ni Daisy
"Madaling araw ng Linggo. Dumaan muna tayo sa Manaoag para makapagsimba". Muling sagot ni Madeline.
Biglang namutla si Nicole sa narinig. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan niya dahil naalala niya ang nangyari nung nakaraang buwan.
"Ohh bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Rhea nang mapansin ang itsura niya.
"W--wla naman. Ahh pagod lang siguro ako, punta muna ako sa washroom". Pagkasabi nun ay tumayo na siya at dire diretsong lumakad papuntang banyo.
Pagpasok niya sa washroom ay lumapit siya sa lababo at naghilamos. Pag angat niya ng mukha niya ay nanghilakbot siya nang makita ang sariling repleksyon sa salamin.
Hindi ito gumagalaw. Sa halip, nakatitig lang ito sa kanya habang nakangisi ng nakakapangilabot.
Tila napako sa kinatatayuan ang dalaga. Nakita niyang may hawak itong patalim kaya naman napatingin siya sa kanyang kamay at laking gulat niya dahil tulad ng repleksyon niya ay may hawak rin siyang patalim na hindi niya mapigilang itutok sa sariling leeg. Kahit anong pigil niya na wag sundin ang ginagawa ng repleksyon niya ay di niya magawa.
Mangiyak ngiyak na ang dalaga ngunit buong lakas niya pa ring nilalabanan ang gustong gawin ng repleksyon niya.
"Nicole!!!"
Nabitiwan ng dalaga ang hawak na patalim at saka napatingin sa salamin. Nakita niyang bumalik na sa normal ang kanyang repleksyon. Hinihingal na sumandal sa lababo si Nicole.
"Anong ginagawa mo?" Pasigaw na tanong ni Madeline. "At saan mo nakuha 'to?" Lumipat ang tingin nito sa kutsilyo na nabitawan niya kanina lang.
"Madz....." Takot na takot na sabi nito
"Ano ba kasing nangyari? Sabihin mo sakin. Paano kita matutulungan kung di mo sasabihin". Naaawang sabi nito
"Wala.... Ayos lang ako.... Kelangan ko nang umuwi". Nagmamadali itong tumakbo palabas ng washroom.
"Anong nangyari? Akala namin na flush ka na sa toilet ang tagal mo". Biro ni Daisy
Ngunit hindi na ito pinansin ng dalaga. Kinuha lang nito ang bag at mabilis na lumabas ng restaurant.
![](https://img.wattpad.com/cover/36167730-288-k732857.jpg)
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
HorrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...