Chapter Seven: Holy Monday - Reign of Darkness

549 15 0
                                    

"Masyado na 'kong nag aalala sa kanya". Si Madeline, matapos niyang ikuwento kay Daisy ang nangyari kay Nicole kaninang madaling araw habang kumakain sila ng almusal.

"Baka naman nananaginip lang". Sagot ni Daisy.

"Hindi ehh, sigurado akong gising siya ng mga oras na iyon".

Nahinto sa pag uusap ang dalawa nang biglang dumating si Rhea sa dining area.

Nakalimutan na nila ang pinag uusapan tungkol kay Nicole. Sa halip, nauwi ito sa masayang kwentuhan at sa pagpaplano kung anu anong lugar ang papasyalan nila.

*********

"Nicole, kumain ka na. Maya maya lang aalis tayo para magsimba, tapos mamamasyal tayo". Nakita niyang nakaupo ito sa bandang ulunan ng kama at nakasandal sa headboard. Tulala ito at may binubulong na hindi niya maintindihan.

Nilapag ni Madeline ang tray na may lamang pagkain sa side table saka umupo paharap sa kaibigan.

"Nic...." Muli niyang tawag sa dalaga

"Narito siya.... Narito siya....." Paulit ulit na bulong ng dalaga. Malikot at nanlalaki ang mga mata nito.

Biglang gumapang ang matinding kilabot sa buong katauhan ni Madeline.

"Sinong siya?" Tanong niya sa kaibigan

Unti unting nilapit ni Nicole ang kanyang bibig sa tenga ni Madeline at bumulong.

"Narito lang siya... Malapit na...." Sabi nito sa nanginginig at takot na takot na tinig.

"Nasaan siya". Kunwa'y tanong niya.

"Nasa paligid lang siya....". Nanlalaki ang mga mata nito at tila wala sa katinuan.

"Nag aabang...." Dugtong nito na nagbigay ng matinding takot kay Madeline.

"Narito ba siya ngayon kasama natin? Takot na takot na tanong ni Madeline.

Marahang tumango si Nicole....

Nakaramdam ng panlalamig si Madeline. Mas lalong nanindig ang kanyang balahibo nang may tila malamig na palad na humaplos sa kanyang batok.

Dahil dun ay biglang napatayo si Madeline

"A-ahh Nic... Sige huh, kumain ka muna. Then, magbihis ka dahil magsisimba tayo". Pilit ang pagkakangiti nito. Pagkasabi nun ay dali dali itong lumabas ng silid.

Nang maiwang nag iisa ay marahang tiningnan ng dalaga ang life size mirror malapit sa may bintana. Pigil ang hininga at nanlalaki ang mga mata ng dalaga at tila takot na takot sa anumang makikita sa salaming iyon.

Ganun na lang ang pagkagimbal ng dalaga nang makita niya mula sa salamin ang matandang babae na nasa ilalim ng kanyang kama.

Nakakatakot ang anyo nito. Namumutla ang kulubot nitong balat, magulo at nanlalagkit ang mahaba nitong buhok, purong itim ang mga mata nito na matalim na nakatitig sa kanya.

**********

Pagsapit ng tanghali ay nagsimba na ang magkakaibigan. Nang matapos ang misa ay nag aya si Madeline na mag station of the cross.

Kahit naturingang Atheist sina Rhea at Daisy ay nirerespeto pa rin nila ang paniniwala ng dalawa nilang relihiyosang kaibigan. Kaya nang mag aya ang dalawa na magsimba at mag station of the cross ay hindi sila nag dalawang isip na sumama.

Nasa ika-labing tatlong istasyon na sila nang hindi mapigilan ni Nicole na lingunin ang isang lalake na nasa kanyang gilid, ilang metro ang layo mula sa kanya.

Marahil ay napansin ng lalake ang kanyang pagtitig kaya napatingin rin ito sa gawi niya.

Ngunit hindi mukha ng tao kanyang nakita....

THE POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon