Mabilis na nakatalon si Nicole sa bintana. Hindi alintana ng dalaga ang mga bubog na tumusok sa kanyang buong katawan.
Samantala, mabilis na lumabas ng bahay ang apat upang habulin ang dalagang tuluy tuloy lang sa pagtakbo kahit sugatan na ang mga paa nitong walang sapin.
Walang katao tao sa kalsada dahil bukod sa malalim na ang gabi ay malayo rin ang pagitan ng bawat bahay. Kaya wala ni isang nakasaksi ng pangyayaring iyon.
Nakarating sila sa mapuno at matalahib na parte ng kalsada. Nakita nilang huminto sa pagtakbo ang dalaga. Lumuluhang humarap sa kanila ang maamo nitong mukha. Ilang segundo lang ay natumba ang dalaga ngunit maagap naman siyang nasalo ni Dr. Peralta bago pa siya lumagapak sa lupa.
"H--hirap... Na..... Hirap.... na A--aak..o"
"Magtiwala ka sa Kanya, Nicole. Ililigtas ka niya". Sagot ni Aries nang makalapit.
Hindi na nakatiis pa si Suzie. Dali dali siyang lumapit sa anak at niyakap ito ng mahigpit. Gumanti naman ng yakap ang dalaga kahit hirap ito sa pagkilos.
Ngunit dahil madilim, hindi nila namalayan na naging purong itim ang kulay ng mga mata nito, gayundin ang nakapangingilabot nitong ngiti. Sa isa na namang pagkakataon, ay malilinlang na naman sila ng diyablo.
Walang kamalay malay ang ginang na pasimpleng dinampot ng dalaga ang bato na nasa tabi nito.
"Magpakatatag ka anak". Umiiyak na sabi ni Suzie.
Huli na nang makalapit si Aries dahil mabilis na ihinampas ng dalaga ang nadampot na bato sa ulo ng ina. Agad namang inilayo ni Madeline ang ginang.
"Sabihin mo sa'kin ang pangalan mo! Inuutusan kita sa ngalan ng Panginoong Hesuskristo". Sigaw ni Aries habang binabasbasan ito ng agua bendita.
"Ilayo mo sakin iyan!!! Ilayo mo sakin iyan!!!" Sigaw ng diyablong nasa loob ng dalaga.
"Sa ngalan ng Panginoong Hesus, inuutusan kita, ano ang pangalan mo!!".
"Ako ang pinakamakapangyarihan sa lahat!!!"
"Ang maghahasik ng kasamaan sa sanlibutan!!!"
"Ang lilipol sa lahat ng alagad ng kabutihan!!!"
"Ako si Lucifer!!!"
"Iwan mo ang katawan mg babaeng ito!!!". Galit na galit na sigaw ni Aries.
Humalakhak ang diyablo saka bumaling sa nahihilong ginang. Dumudugo ang sugat nito sa ulo.
"Mamili ka. Manampalataya ka sa Diyos mo at mamamatay ang babaeng ito. Manampalataya ka sa akin at mabubuhay siya". Tusong sabi ng diyablo.
Napaiyak na lamang si Suzie. Hindi niya alam kung sino ang pipiliin niya.
Ang kaisa isa niyang anak?
O ang Diyos na sinasamba?
Bata pa lamang si Suzie ay iminulat na siya ng kanyang mga magulang sa kagandahang asal. Nakaugalian na nilang magsimba tuwing linggo at pagpatak ng ala sais ng hapon tuwing lunes hanggang biyernes ay magkakasabay silang nagro'rosaryo. Madalas rin silang dumalo sa mga bible studies sa kanilang parokya.
Kaya nang magkaroon ng sariling pamilya ay itinuro niya rin sa kanyang kaisa isang anak ang mga kagandahang asal na natutunan sa kanyang mga magulang.
"Bakit?" Umiiyak na sabi ni Suzie.
"Simple lang Suzie, dahil hindi ka naman talaga niya mahal tulad ng inaakala mo". Nakangising sulsol ng diyablo.
"Wag kang maniwala sa kanya Suzie, nililinlang ka lang niya". Sigaw ni Aries.
"Hindi kita nililinlang Suzie. Isipin mo, kung totoong mahal ka ng Diyos mo bakit hinahayaan niyang mangyari ito sa anak mo?"
"Hindi totoo ang sinasabi niya Suzie!!" Muling sigaw ni Aries.
"Totoo lahat ng sinasabi ko. Magtiwala ka lang sa akin. At ipinapangako kong magiging maayos muli ang anak mo".
Tahimik lamang si Suzie. Tila nahulog sa malalim na pag iisip. Nahihirapan siyang timbangin kung alin ba ang dapat niyang piliin.
Nagbalik lang sa reyalidad ang isipan ni Suzie nang marinig niya ang nakakakilabot na sigaw ng diyablong nasa loob ng dalaga.
"Inuutusan kita pakawalan mo ang babaeng iyan!!!" Sigaw ng batang pari habang walang tigil na winiwisikan ng agua bendita ang katawan nang dalaga.
"Aaaaahhhhhh". Sigaw nito na sa nakakatakot na boses. Lumutang ito sa ere na naka angat ang dalawang braso na tila ipapako sa krus.
Umihip ang napakalakas na hangin, muling dumagundong ang malakas na kulog at kidlat. Makalipas ang ilang segundo ay bumagsak sa lupa ang katawan ng dalaga. Wala na itong malay.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
HorrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...