Umiiyak na pinagmamasdan ni Suzie ang anak na tulog na tulog sa kanyang higaan. Malalim ang iniisip nito.
"Father, magagalit ba sa'akin ang Diyos kung mas pipiliin ko ang kaligtasan ng aking anak?" Wala sa loob na tanong ng ginang.
"Hindi kita masisisi kung natutukso kang tanggapin ang alok niya. Isa kang ina at handa kang gawin ang lahat, mailigtas lang ang iyong anak. Pero Suzie, mag iingat ka. Tuso ang mga diyablo, malaki ang posibilidad na nililinlang ka lang niya".
"Nahihirapan na 'ko Father". Hindi na napigilan ng ginang ang mapahagulgol. Agad namang tumayo si Madeline upang kumuha ng isang basong tubig at inabot iyon sa ginang. "Kung ang kapalit ng kaligtasan ng anak ko ay ang kaluluwa ko, tatanggapin ko. Mabuhay lang siya". Sabi ng ginang sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
"Magtiwala ka sa Diyos Suzie. Hindi Niya pababayaan ang anak mo".
**********
Hapung hapo na ibinagsak ni Madeline ang katawan sa kama saka pinikit ang mga mata. Malapit na sana siyang dalawin ng antok nang may marinig siyang umiiyak.
Kung hindi siya nagkakamali ng dinig, si Nicole ang nagmamay ari ng hikbi na iyon.
Agad na bumangon si Madeline upang puntahan ang kaibigan na nasa katabing silid."Nic..." Tawag niya sa kaibigang nakaupo sa pinakasulok ng silid. Yakap nito ang magkabilang tuhod.
"Madz, hirap na hirap na 'ko". Umiiyak na sabi nito.
"Be strong, Nic. Magtiwala ka sa Kanya". Sabi niya na umupo sa tabi ng kaibigan.
"Madz, hindi ko na kaya".
"Nic, wag naman ganyan. Di ba sabi mo walang iwanan?" Hindi na napigilan ni Madeline ang mapaluha.
"Madz, pag nawala ako. Ikaw na bahala kay mama huh". Patuloy pa rin ito sa paghikbi.
Walang nang maisagot si Madeline. Sa halip, niyakap na lamang niya ang dalaga na itinuring na niyang kapatid.
Habang magkayakap ay biglang nangisay si Nicole at tumirik ang mga mata nito.
"T--tum....mak...bo ka....n-na". Pautal utal na sabi ni Nicole kay Madeline habang nangingisay ang kanyang buong katawan.
Alam niya kasi na posibleng masaktan niya ang kaibigan sa oras na sumanib na naman sa kanya ang diyablo.Kitang kita naman ni Madeline kung paano unti unting nagbago ang kulay ng mga mata ng dalaga. Mula sa natural na kulay tsokolate hanggang sa maging purong itim ito.
Tila napako siya sa kinauupuan kaya hindi na niya nagawa pang tumakbo nang bigla siyang dambahan ni Nicole. Napahiga si Madeline sa sahig habang si Nicole ay nakaibabaw sa kanya. Pilit niya itong tinutulak palayo ngunit sadyang napakalakas nito.
Napasigaw ng malakas si Madeline nang kagatin ni Nicole ang braso niya. Madiin iyon dahil naramdaman niyang bumaon ng husto ang mga ngipin nito sa kanyang laman. Ang eksenang iyon ang naabutan nina Suzie, Fr. Aries at Dr. Peralta.
Mabilis na dinampot ni Suzie ang lampshade na nasa side table at pinalo iyon sa ulo ng anak. Walang malay itong bumagsak sa sahig. Umiiyak naman itong niyakap ni Suzie at bumulong ng paumanhin.
Matapos malapatan ng pang unang lunas ang sugat ni Madeline ay nagpasya silang magpahinga muna.
Ilang oras nang nakahiga sa kanyang kama si Suzie ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok kahit pagod na pagod ang pakiramdam niya.
"Panginoon, patawarin mo 'ko sa aking desisyon. Pero mas kailangan kong unahin ang kaligtasan ng anak ko. Siya na lang ang meron ako, at ayaw kong mawala siya sa akin". Umiiyak na dasal ng ginang.

BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
HorrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...