"Nicole, magsisimba ako. Hindi ka ba sasama?" Tanong ni Madeline sa kaibigan
"Sige ikaw na lang muna". Sagot nito na hindi man lang nilingon ang kausap. Titig na titig ito sa screen ng kanyang computer. "Mamaya na lang ako magsisimba after ng office hours, marami pa kasi akong kelangan tapusin".
"Ganun ba? Sige, aalis na 'ko nang makabalik ako agad". Tumayo na ito at naglakad papunta sa kinaroroonan ng elevator.
Religious si Nicole. Kahit gaano ito kaabala sa trabaho bilang isang kilalang photographer sa isang sikat na fashion magazine ay hindi nito nakakalimutan dumaan sa simbahan para magdasal. Nakaugalian na niyang gawin iyon bilang pasasalamat, dahil hindi raw niya mararating kung anong mayroon siya ngayon kung hindi dahil sa tulong Niya.
Kasalukuyan siyang nag'eedit ng litrato ng isa sa mga modelo nang biglang magpatay sindi ang ilaw. Kasabay ng biglang pag init ng hangin na lumalabas sa aircon. Nakakapaso ito na para bang sinisilaban ang buong katawan niya.
Pasimpleng tumayo ang dalaga sa kinauupuan at mabilis na umakyat ng hagdan. Nasa 5th floor kasi ang kanilang opisina habang ang chapel naman ay nasa 7th floor. Naisip niya na pumunta roon upang pawiin ang kaba na nagsisimulang mabuo sa kanyang dibdib.
Nang makarating siya sa chapel ay nadatnan niyang nagho'homily na ang pari. Tahimik na umupo si Nicole sa pinakadulong upuan upang hindi makaabala sa mga kaopisina na nakikinig ng banal na misa.
Sa harapan ng chapel ay naroon ang nakapakong Kristo. Hindi alam ni Nicole kung namamalikta lang ba siya dahil nakita niya na unti unti itong nag angat ng ulo mula sa pagkakayuko at diretsong tumingin sa kanya. Gayundin ang ibang mga santo na isa isang nagsigalaw ang mga ulo at lumingon sa kinaroonan niya. Mas lalong nanghilakbot ang dalaga nang makita ang nakakakilabot na ngisi na sumilay sa labi ng mga ito.
Sa sobrang takot ay nagsisigaw ito at nagtatakbo. Ikinagulat naman ng kanyang mga kasama ang ikinikilos niya. Agad siyang nilapitan ni Madeline at hinawakan sa magkabilang balikat upang kumalma ngunit inalis niya ang mga kamay nito dahil sa matinding takot.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang dalaga palabas ng chapel. Ayaw niyang lapitan siya ng kahit na sino. Sa tuwing titingnan niya kasi ang mukha ng bawat taong nakakasalubong ay hindi mukha ng tao ang nakikita niya. Kundi mukha ng isang nilalang na kahit kailan ay di niya gugustuhing makita.
Nag aagaw na puti at abo ang kulay ng balat, purong itim ang mga mata o mas madaling sabihin na wala talaga itong mata dahil isang malaking butas lamang ang naroon sa dapat sana'y kinalalagyan ng mga mata nito. Meron din itong malaking bibig at may mahaba at maitim na dila na may lumalabas na manilaw nilaw at nakakadiring likido na di kanais nais ang amoy.
Sa kakatakbo ng dalaga ay nakarating na ito sa rooftop. Panay naman ang habol sa kanya ni Madeline kasama ang mga kasamahan sa trabaho na lubhang nababahala dahil sa kinikilos niya.
Sa wakas ay naabutan na siya ni Madeline at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat upang hindi makawala ngunit patuloy lang sa pagwawala at pag iyak si Nicole.
"Nicole, wag ka matakot sakin. Ako 'to, si Madz. Ano ba kasing nangyayari? Sumagot ka". Umiiyak na sabi ni Madz.
Ngunit nanatiling walang kibo si Nicole, tila nanigas sa matinding takot. Hindi si Madeline ang nakikita niyang nakahawak sa magkabilang balikat niya kundi ang nilalang na kanina pa niya iniiwasan. Gumapang ang matinding kilabot sa kanyang katawan nang unti unting nilabas ng nilalang na nasa kanyang harapan ang mahabang dila. Napapikit siya nang maramdaman niyang lumapat iyon sa kanyang mukha. Amoy na amoy niya ang mabahong likido na lumalabas sa bibig nito.
Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng ulirat.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
TerrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...