Nagtataka ka ba kung bakit bigla na lang nawala si Rhea sa mga sumunod na chapters?"
Well here's the answer....
**********
(From Chapter 10)
"Magtiwala ka lang sa Kanya". Sagot ni Madeline sa tanong ng kaibigan.
"Magtiwala? Naririnig mo ba ang sarili mo Madz? Si Nicole sa palagay mo ba hindi siya nagtitiwala? For Pete's sake, religious si Nicole. Pero nangyari pa rin ang lahat ng ito sa kanya kahit ilang ulit na siyang nagdasal at humingi ng tulong sa Diyos na sinasamba niyo. Tapos sasabihin mo sakin ngayon na manalig lang ako sa Kanya? Sa palagay mo ba kakayanin ko pa ang magtiwala at manalig sa Kanya sa kabila ng lahat ng nasaksihan ko?" Mahina ngunit mariing sabi ni Rhea.
"Naniniwala ako na may malalim na dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito". Malumanay na sagot ni Madz.
"Kung gusto mo pa rin manalig at magtiwala sa Kanya, go ahead. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, wag kang masyadong umasa. Kung nangyari iyon kay Nicole, may posibilidad na mangyayari rin iyon sayo". Mahinang sabi ni Rhea saka ito tumayo at lumabas ng silid ni Nicole. Naiwan namang tulala si Madeline.
**********
Pagod na pagod na humiga si Rhea sa kanyang kama nang makauwi siya ng bahay. Hindi niya maiwasang makaramdam ng takot sa tuwing maaalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw.
Mariing pumikit ang dalaga upang iwaksi sa kanyang isipan ang mga masasamang pangyayari. Ngunit agad rin siyang nagmulat ng mata nang mapansin niyang nangangamoy asupre ang buong paligid.
Pumunta siya sa kusina upang i'check ang stove ngunit hindi doon nanggagaling ang amoy.
Pabalik na sana ang dalaga sa kanyang silid nang aksidenteng mapalingon siya sa sala. Nakaramdam ito ng takot nang makitang may nakaupo sa mahabang sofa na naroon.
Bumalik ang dalaga sa kusina at kumuha ng kutsilyo bilang pandepensa sa sarili. Pabalik na sana siya sa sala ngunit ganun na lang ang pagkagimbal niya nang nasa harap na niya ito at ilang dipa lamang ang layo nito sa kanya.
"Wag ka matakot Rhea, hindi kita sasaktan". Base sa boses nito ay napag alaman niyang isa itong lalake.
"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?". Tanong ni Rhea, hawak pa rin nito ang matalim na kutsilyo. Nakaangat ang kamay nito na para bang nakahandang saksakin ang kaharap sa sandaling pagtangkaan siya nito ng masama.
"Isa akong kaibigan". Maikling sagot nito.
Napakunot ang noo ni Rhea dahil sa narinig. At dahil madilim ang paligid ay hindi niya makita ang mukha nito.
Marahil ay nabasa nito ang tumatakbo sa isipan niya kaya lumakad ito papunta sa isang bahagi ng kusina na bahagyang nadadampian ng liwanag na nagmumula sa kalapit na poste.
Kahit takot ay di napigilan ni Rhea ang makaramdam ng atraksiyon sa lalaking kaharap. Napakaamo ng mukha nito. Daig pa nito ang artista sa hollywood sa sobrang gandang lalaki.
"Huwag kang lalapit". Subalit tila wala itong narinig dahil patuloy lang itong lumapit sa kanya dahilan para mas lalong lumiit ang distansya sa pagitan nila. Habang palapit ito ay siya namang atras ng dalaga hanggang sa wala na siyang maurungan dahil kitchen sink na ang nasa likuran niya. Mas lalong inangat ng dalaga ang kamay na may tangan na kutsilyo.
Ngunit mas nanghilakbot siya sa sumunod na nasaksihan. Inangat ng lalaki ang kanyang kaliwang palad at tinapat sa talim ng kutsilyong hawak ng dalaga saka itinusok roon ang sariling palad.
Kitang kita ng dalaga ang ginawa ng lalaki. Ni hindi man lang ito nakaramdam ng sakit at wala ring dugo na dumaloy kahit nakabaon na ng husto ang palad nito sa hawak niyang kutsilyo. Maya maya ay marahan nitong inalis ang palad mula sa pagkakabaon sa kutsilyo, nanlaki ang mata ng dalaga nang makita niyang unti unting naghihilom ang sugat nito.
"Anong kelangan mo sakin?". Kinakabahang tanong ng dalaga. Alam niyang hindi pangkaraniwan ang kanyang kaharap.
Napangiti ang diyablo, hindi lingid sa kaalaman niya ang atraksyong nadarama ng dalaga. At iyon ang gagamitin niya upang makuha ito.
Nanayo ang balahibo ng dalaga nang lumapit pa ng husto ang diyablo sa kanya hanggang sa magdikit ang kanilang katawan. Hinawi pa nito ang kanyang buhok bago bumulong sa kanya.
"Ikaw ang kailangan ko".
Hindi nakapagsalita ang dalaga sa narinig. Oo, hindi siya naniniwala sa Diyos ngunit hindi naman iyon nangangahulugang magpapagamit na siya sa diyablo.
"Napahanga mo ako sa iyong ginawa. Tama lang ang desisyon mong huwag magtiwala sa Kanya. Dahil hindi naman niya dinidinig ang inyong mga hinaing. Tanging mga hangal lamang ang nananalig sa kanya. Wala silang ibang ginawa kundi manikluhod, magdasal at umasa sa isang nilalang na wala naman katiyakan kung sila'y naririnig. Hindi siya katulad ko na handang tumulong at tuparin ang inyong mga kahilingan". Panghihikayat ng diyablo. Mababanaag sa mukha nito ang isang tusong ngisi.
"Hindi ako papayag sa gusto mo". Matatag na sabi ni Rhea.
Tila isang bulang naglaho ang tusong ngiti nito.
"Hindi ba't may malubhang karamdaman ang iyong ina?" Sabi ng diyablo habang naglalakad palayo sa kanya at kampanteng naupo sa isa sa mga silyang nasa hapag kainan. Labis na ikinagulat iyon ng dalaga.
"Wag ka nang magtaka kung alam ko ang lahat tungkol sayo. Baka nakakalimutan mo, makapangyarihan ako".
Totoong may malubhang sakit ang ina ni Rhea. Malala na ang diabetis nito at nagkaroon na ng komplikasyon sa bato. Iyon ang dahilan kung bakit nagdi'dialysis ito tatlong beses sa isang linggo.
Masaganang luha ang dumaloy sa mga mata ng dalaga nang maalala ang ina. Dahil dun ay nagbunyi ng husto ang diyablo. Nasaling niya ang kahinaan nito.
"Hindi mo na kailangang isatinig ang iyong sagot Rhea. Nakikita ko sa iyong mga mata ang magiging desisyon mo". Tumayo ito at muling lumapit sa dalaga.
"Tutulungan mo akong mangalap ng mga kaluluwa. Mga kaluluwa na hindi pa tuluyang nabubulid ng kadiliman. Ikaw ang magsisilbing tagapagpatupad ng kanilang mga kahilingan at dasal. Sa tulong mo ay makakamit nila ang kanilang hinahangad, na hindi nila namamalayan na ang kapalit pala ng lahat ng iyon ay ang kanilang kaluluwa".
The End
BINABASA MO ANG
THE POSSESSION
TerrorHoly Week.... Isa sa pinakamahalagang selebrasyon taun taon dahil ito ang kamatayan ng ating Panginoon.... Ngunit alam mo ba ang lumang kwento tungkol dito? Na sa mga araw na ito ay malakas ang kapangyarihan ng diyablo? Wag mong kalilimutang magdasa...