Chapter Six: Holy Monday - The Skeptics

510 13 0
                                    

Samantala.....

Ininom ni Rhea ang huling shot ng vodka at pagkatapos ay pabagsak nitong hiniga ang katawan sa malambot na kama habang si Daisy naman ay parang stripper na sumasayaw nang tumugtog ang kantang Careless Whisper. Walang kaalam alam ang dalawa sa nangyayari sa kabilang silid.

Parehong Atheist sina Rhea at Daisy kaya nakakapagtakang naging kaibigan nila ang dalawang relihiyosa na si Nicole at Madeline. Kung tutuusin, alam nilang bawal uminom ng alak tuwing Mahal na Araw ngunit wala silang pakialam doon dahil taliwas naman iyon sa kanilang pinaniniwalaan.

"Kuha ka pa ng alak sa baba". Sabi ni Daisy

"Sige, medyo nabitin rin ako ehh". Sang ayon ni Rhea na bumangon mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan.

Tumambad kay Rhea ang madilim at mahabang pasilyo. Niyakap niya ang sarili dahil sa lamig na nanunuot sa kanyang kalamnan. Patuloy lang na naglakad ang dalaga hanggang sa marating niya ang matarik na hagdanan.

Marahan siyang bumaba. At dahil nasanay na ang paningin niya sa dilim ay hindi na siya nangangapa.

Sa wakas ay narating ni Rhea ang mini bar nang biglang may pumasok na magandang ideya sa isip niya.

"Ang sabi nila, malalaman mo raw kung may multo sa paligid kung yuyuko ka at sisilipin ito sa pagitan ng iyong mga binti". Nangingiting sabi ni Rhea sa kanyang isip.

Agad na binuka ni Rhea ang kanyang binti. Bahagyang nagdalawang isip pa siya na gawin ang balak dahil sa takot na baka totoo ang sabi sabing iyon.

"Bahala na nga. I'm sure hindi rin naman totoo iyon". Kaya agad na yumuko si Rhea at sumilip sa pagitan ng kanyang binti.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa nakita!!

Sa likuran niya ay may nakita siyang pares ng binti na namumutla at puro putik. Tulad ng binti niya ay nakabuka rin iyon na para bang ginaya nito ang ginagawa niya.

Nanghilakbot siya nang sumilip rin ang nagmamay ari ng mga binti na iyon. Isa iyong matandang babae na ang mga mata'y puro puti, ang buhok nito'y magulo at nanlalagkit, ang mga ngipin nito ay nabubulok kaya amoy na amoy niya ang mabahong hininga nito. Nakangisi ito sa kanya.

Nagsisigaw si Rhea at pilit na inaangat ang kanyang upper body mula sa pagkakayuko ngunit parang may kung anong pwersa na pumipigil sa kanya.

**********

"Ohh asan na yung alak?" Nagtatakang tanong ni Daisy nang pumasok si Rhea sa kanilang silid na nagsisisigaw at nanginginig. Humiga agad ito sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Natatawang nilapitan ito ni Daisy.

"Nagtawag ka siguro ng uwak noh?". Pang asar na sabi nito na sinabayan pa ng nakakalokong tawa. "Sige matulog na tayo baka lasing ka na". Pumunta ito sa kinaroroonan ng switch at pinatay ang ilaw saka humiga sa sariling kama.

Pumikit si Daisy at pinilit ang sarili na matulog ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok kahit marami na siyang nainom na alak. Maya maya lang ay may narinig siyang kumakanta.

Napakaganda ng tinig, pakiramdam niya ay tila pinaghehele siya. Ngunit agad rin siyang nakaramdam ng kaba nang maisip kung saan nanggagaling ang tinig na iyon. Walang bahay na malapit sa kanila at natitiyak niyang hindi si Rhea ang kumakanta dahil sintunado ito.

Maya maya ay unti unting nagbago ang tinig. Kung kanina ay napakaganda nito ngayon ay tila nanggagaling ito sa kailaliman ng lupa. At mas nanghilakbot siya nang maramdaman na nasa tabi niya lamang ito dahil ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang pisngi.

Gustuhin man ni Daisy na dumilat ay hindi na niya ginawa dahil sa matinding takot.

**********

Katatapos lamang mag jogging ni Rhea. Naabutan niyang magwawalis ng mga tuyong dahon sa harap ng bahay si Aling Norrie.

Naalala ni Rhea ang nangyari sa kanya kagabi at gusto sana niyang usisain si Aling Norrie kung mayroon ba talagang nagmumulto sa bahay.

"Alam kong may gusto kang itanong sakin hija.Wag ka nang mahiya". Walang emosyon na sabi nito.

"May nagmumulto po ba dyan sa bahay?" Diretsahang tanong ni Rhea.

Tumigil sa pagwawalis si Aling Norrie at tumingin sa kanya bago sumagot.

"Sa totoo lang, wala.... Bakit may nakita ka ba?" Balik tanong nito.

"Wala natanong ko lang". Maiksing sagot ng dalaga na nakahinga ng maluwag dahil posibleng naparami lang ang inom niya kaya kung anu ano na ang nakikita niya.

"Pero mag iingat kayo". Muling sabi ni Aling Norrie na siyang nagpahinto sa dapat sana'y pagpasok ni Rhea sa loob ng bahay.

"May lumang kasabihan na malakas ang pwersa ng diyablo tuwing mahal na araw dahil patay ang Panginoon. Kaya magdasal kayo at pagtibayin niyo ang inyong pananampalataya". Dugtong nito.

Sarkastikong napatawa si Rhea dahil sa narinig.

"Magdasal? Kanino naman? Sa Diyos na kahit kailan ay hindi natin nakita?". Hinarap nito si Aling Norrie.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo Hija". Nahihintakutan na sabi nito.

"Diyos? Walang Diyos. Gawa gawa lamang iyon ang tao upang manatiling positibo sa kabila ng lahat ng pasakit at paghihirap na dinaranas natin dito sa mundo. At ang diyablo ay gawa lang ng simbahan upang pigilan tayo sa gusto nating gawin. Lalo na't labag ito sa batas ng simbahan". Pang asar na sabi ng dalaga.

"Wala akong magagawa kung iyan ang iyong paniniwala". Malungkot na sabi ng matanda. " Basta mag iingat ka, mapanlinlang ang diyablo. Gagawin nito ang lahat para tuluyang ilihis ang landas mo mula sa kabutihan patungo sa kasamaan. Hindi pa huli ang lahat hija. Sa oras ng pangangailan ay tumawag ka lang sa Kanya".

"Sure, ite'text ko na lang siya pag kailangan ko ng tulong". Pilosopong sagot nito saka pumasok sa loob ng bahay.

Naiwan naman ang matandang napapailing na lamang.

THE POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon