Every pair of eyes in this room screams danger, authority, and prowess. And I'm one of those pair of eyes.
A blessed serpentine.
"Demi beasts."
Napangiti ako nang ang mga salitang iyon ang namutawi sa aking mga labi pati na rin sa aking mga kasama. Lahat man ay naguguluhan, karamihan naman sa amin ay inaasahan na ang agaw eksena nilang pagpasok sa Kaharian ng mga Pinagpala.
"Shit! Ang pangit!"
"What the hell is that?" Half of the attention is now on Lily Swift. Ang babaeng pinagpala ng diyos na si Galang Kaluluwa.
Tiningnan ko lamang siya ng marahan. Walang sinabi kahit ano kung hindi ang manahimik at ang mata ko lamang ang magsabing nabubwisit ako sa kanilang kaartehan. Sukang-suka ito sa hitsura ng isa sa mga demi beast.
Dismayado ako sa hitsura ng lahat. They seemed shocked on things that are already foreseen except the chosen one of Bathala, Mayari, and Sitan. And that is to be expected to be the reaction we can get from the strongest four. Ang isa, si Raven Ardent ay mukhang naguguluhan. It must be some type of mistake that he is one of the strongest four. Mukhang naligaw lamang siya.
"Tanggalin n'yo ang mukhang iyan sa harapan ko. Tangina baka hindi ko kayanin at mapatay ko agad iyan. Damn. That's an ugly creature." pagpapatuloy ni Lily Swift ngunit walang nagsalita.
As far as I am observing it, no one is sure whether to make a move after what they did to Amaya - ang punong babaylan. Ngunit isa lamang ang sigurado ko, lahat sila ay may kaniya-kaniyang usapan sa kani-kanilang mga sariling isipan. Nang tingnan ko ang tatlong Maria ay wala ring imik ang mga ito. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanina kung sila ay mga pawang tagapagbantay lamang ng kaharian?
"Sinong susunod?" malalim ang boses ng bungisngis. Nakakainit ng ulo. "Sino, sino, sinong susunod?"
"Ikaw kapag hindi ka tumigil sa kakatawa mong tangina ka." asik ni Kulture. Ang pinagpala ng diyosang si Mayari.
And that's when I let out a little smirk. This woman is strong and powerful yet she does not have the patience and cool. Being the chosen one of the goddess of war, it will be easy for her to put up a fight with all these demi beasts, but her anger management issues are a problem. Kalat na kalat nga ang chismis na halos patayin nito ang kaniyang ex-boyfriend nang makipaghiwalay ito sa kaniya noong piliin nito si Klara Delos Sinne, e. Hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari ngunit alam ng lahat na mayroong history sa pagitan ng pinakakontrobersyal na mga Pinagpala sa kahariang ito. At ngayong ang tingin ko ay nasa direksyon na ni Simon Luwalhati, hindi ko maiwasang mapangiti lalo. Nagkakagulo ang lahat ngunit ang kamay at atensyon niya'y nasa inkarnasyon ng dati niyang asawa.
Entertaining. So damn entertaining.
Sa sobrang tuwa ko sa pag-oobserba sa mga Pinagpalang pinoptotektahan ang kani-kanilang mga mahal ay nagkakagulo na pala talaga. Dumilim ang kabuuan ng kaharian at nang tingalain ko ang mga buwan ay wala na ang sinag ng mga ito. Tanging makakapal at maiitim na ulap lamang ang matatanaw. Nawala sa harapan namin ang ilan sa mga demi beasts at ang naiwan ay ang iisang puting rosas sa sahig.
"Let's play. Chase us in our territories. We'll gladly wait."
Alam kong nang maglabas ng puting usok ang rosas na iyon ay nag-umpisa na rin ang laro mula sa maiitim nilang mahika. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang paghila sa akin ng enerhiya kung saan wala akong inaasahang kababagsakan ko. Ang alam ko lamang ay nakakabaliktad ng sikmura ang amoy, nakakabulag ang usok, at halos hindi ako makagalaw ng panandalian. Nanatili ako sa ganoong sitwasyon nang ilang minuto bago ko muling maigalaw at maimulat ang aking mga mata. At sa pagmulat kong iyon ay agad akong napangiti.
I am standing on a mountain of corpses.
Akala ko ay mabaho na ang naamoy ko kanina bago ako higupin ng kung anong enerhiyang mula sa mga demi beasts ngunit may mas lalala pa pala roon. With all my disappointment and a sarcastic smile, I stood up stepping on bones and rotting bodies of people. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Para bang isang ahas na nag-aabang at nag-oobserba ng makakain sa gitna ng disyerto. Naghihintay ng mapapatay para sa hapunan. I can only see dark and empty lands, dry spaces, on fire buildings, walking dead, and a lot of smokes. Napailing ako habang pinapagpagan ang aking sarili. My dress is also ruined. Sayang naman ang ganda nito kung maliligo lamang ako sa nabubulok na mga katawan. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko nang matawa dahil ang takong ng aking sapatos ay ikinadurog ng bungo ng katawan ng tinatapakan ko. Ngayon tuloy ay bulok na dugo na halos ang disenyo nito.
"Great. It must be a gross play, then." I heaved a deep sigh.
Habang pinapagpagan ko ang sarili ko ay doon ko rin lamang napansin ang isang puting rosas na kagaya ng inihagis ng isa sa mga demi beasts kanina sa kaharian ng mga Pinagpala. Nasa baba iyon ng tambak ng mga bangkay na tinatapakan ko kaya naman agad akong bumaba para kunin iyon. Hindi naman ako nahirapan ngunit aksidenteng may nasipa akong isang timbang gawa sa lata na gumawa ng malakas na ingay. Right there and then, I had goosebumps while holding the white rose on my hand. I can feel thousands of dead eyes now pointing at my direction. A lot of inaudible growling, grumbling, snarling, and hissing are approaching my direction and a lot of messed up walks.
I'm doomed if I what my intuition is telling me is true.
Dali-dali kong inaninaw ang nakasulat sa tangkay ng puting rosas at agad na napamura sa napagtanto.
"The last quarantine."
Tama nga ako. This will be a gross game.
BINABASA MO ANG
Paradise of Corpses (Trinity Series 3)
FantasyLilac Serpentine, the chosen one of Ulilang Kaluluwa is once again trapped into another confusion. This time, into a plague with the worst person she knows by her side. A person that once was the reason she locked herself from the hands of anyone...