00 :

460 19 19
                                    


This is Philippine mythology inspired kaya naman marami talaga ang characters. Do not worry though, hindi ko naman ibabagsak sa isang kuwento ang lahat ng characters dahil napakarami ng gods and goddesses ng PH myths. My only goal here is to introduce our own mythology to those people who are willing to learn in a fun way. Don't just read. Observe and learn.

Ang Pilipinas ay isang bansang may historya ng mahabang kolonisasyon na siyang nakapaimpluwensya sa tradisyon, kultura, at paniniwala ng mga Pilipino. Narito ang ilan sa mga PAMAHIIN na hanggang ngayon ay atin pa ring pinaniniwalaan. Mga pamahiing nagdadala raw ng swerte o hindi kaya ay malas.

Malas ang pagwawalis sa gabi.
Sinasabing kapag nagwalis ka ng sahig sa gabi ay mawawalis na rin pati ang swerte sa loob ng bahay.

Kapag aksidente mong nakagat ang iyong dila, mayroong nakakaalala sa iyo/lagi kang nasa isipan nila.
Sinasabing kailangan mong pumili ng numero mula 1-26 at tingnan kung anong unang letra ang katumbas nito sa alpabeto. Ang unang taong maisip mo na ang pangalan ay siyang nagsisimula sa kaparehong letrang nakuha mo, iyon ang taong nakakaalala sa iyo

Maghanda ng pansit/pancit sa mga selebrasyon lalo na sa mga kaarawan/birthdays.
Sinasabing ito ay sumisimbolo ng mas mahabang buhay.

Mag-ingat sa panggigigil sa mga bata/sanggol.
Sinasabing ang sobrang pagkagigil/pagkagusto sa isang bata ay maaaring magdulot ng sakit dito. Ito ang tinatawag na "usog" o "bati". Ito ang dahilan kung bakit maririnig ang mga matatanda na nagsasabing "pwera usog" sa Tagalog, "supla bati" sa matandang Tagalog, at "burya buyag" sa bisaya.

Sisihin ang mga duwende sa mga nawawalang gamit.
Sinasabing kapag biglang nawala ang isang gamit na kakalagay mo lamang sa lugar na alam mo, ang may kagagawan noon ay ang mga mapaglarong duwende.

Hindi maaaring nahahati sa tatlo ang bilang ng mga baitang ng hagdan sa bahay.
Sinasabing ang bawat baitang ay may kahulugang "Oro, Plata, Mata" o "Ginto, Pilak, Kamatayan." Kinakailangang ang huling baitang ay matatapat lamang sa Oro o Plata para sa swerte at malas kung sa Mata ito mapatapat.

Lagyan ng pera ang wallet/bag na ibibigay bilang regalo.
Sinasabing kapag ginawa ito, masisiguradong ang tatanggap ng regalo ay suswertihin sa pera.

Kapag kumati ang palad, mayroong paparating na pera/yaman.

Huwag magbibigay ng pares ng sapatos o ang pagbibigyan nito ay iiwan ka.
Para makontra ang paniniwalang ito, kailangan daw na bigyan mo ang nagbigay sa iyo ng sapatos ng pera.

Huwag ituro ang daliri sa mga puno sa gabi.
Sinasabing maaaring ang maituro mo ay mga espirito o kaluluwa. At kung ikaw ay aksidenteng napaturo, kailangan mong kagatin ang dulo ng iyong daliri para hindi ka dapuan ng malas.

Ang pagtalon sa bagong taon ay nakakatangkad.

Huwag dumiretso ng pag-uwi kapag galing sa lamay/burol.
Sinasabing kailang "ipagpag" ang espirito ng namatay upang hindi ito sumunod sa iyong bahay sa pamamagitan ng pagpunta sa ibang lugar bago sa iyong bahay. Huwag ding magdadala/mag-uuwi ng pagkain mula sa lamay dahil dadapuan ng malas.

Sabihin sa dinadalaw na ikaw ay totoong tao.
Sinasabing ang "Tao po!" ay hindi lamang basta pagtatanong kung may tao sa loob ng bahay na iyong kinakatukan kung hindi sinisigirado at sinasabi mo sa kanila na ikaw ay isang tao at hindi masasamang engkanto.

Hindi dapat magpakasal ang magkapatid sa parehong taon.
Ang "sukob" ay kasabihang hindi nagpapahintulot sa magkakapatif na magpakasal sa parehong taon dahil ang swerte ay mahahati sa dalawa o isang mahalagang parte ng pamilya ay mamamatay. Isa rin sa paniniwala ay huwag susukatin ang damit pangkasal bago ang araw ng kasal kung hindi ay hindi ito matutuloy.

Respetuhin ang mga elemento.
Ang "tabi-tabi" po kapag dumaraan sa isang lugar na sinasabing tirahan ng mga elemento kagaya ng Balete, punso, at iba pa ay kinakailangan. Kapag hindi ito ginawa, maaaring magkasakit na ang tanging makakagamot lamang ay mga albularyo (folk healers).

Ang pagkuha ng litrato ng tatlo ay ikakamatay ng nasa gitna.
Apat dapat.

Ang pagsusuklay sa gabi ay malas.

Upang hindi magkaroon ng tighawat, ang unang regla sa mga babae ay dapat ihugas/ipahid sa mukha.

Huwag matutulog ng basa ang buhok o ikaw ay mababaliw.

Ang magkasintahan/couple ay hindi maaaring kumain sa iisang pinggan dahil maghihiwalay sila.

Iwasang magkasugat kapag biyernes santo o hindi na iyon gagaling.

Paradise of Corpses (Trinity Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon