"If the multiverse is really true, if the other worlds exist, I hope the other mes are happy."
Naalala ko pa nang sabihin ko sa sarili ko ang mga salitang ito. Never would I think that there will be a time that I will have to witness it with my own eyes, too. Life is really ironic. Siguro sa ngayon ay litong-lito ang lahat habang nakikita akong lumuluha nang tahimik. This is the least that they should expect from an intruder with the President's face. Not even the slightest thought of me crying silently after calmly telling them I came here to kill her is making sense. They might have expected madness or violence, not a vulnerable me.
Sa ngayon ay sobrang tinutukso ako ng ibinubulong ng isip ko. Hindi man maganda ang buhay at sitwasyon sa paralel na mundong ito, lahat naman ng pangarap ko ay reyalidad niya na rito.
"Everything would have been better if I was you from the start." I smiled. "Everything."
Napapitlag ako nang marinig ko ang pagputok ng baril. Pinaputukan niya ako ngunit hindi ako pinatamaan nang sobra. Naramdaman ko lang ang kaunting sakit sa kanang braso ko. Pinadaplis ng lalaki roon ang bala bilang pagbabanta nang mas maayos. Siguro ay iniisip niyang matatakot ako ngunit hindi. Sandali ko lang iyong tiningnan at hinayaang tumulo ang dugo.
"He might be cold and always breaks my heart." I said. "But he never hurt me like this. Muntik ko nang makalimutan. Hindi nga pala ito ang mundo ko. You are not him, nor you are me, President. I will say it again...end this chaos."
"She is doing everything to end this!" the man shouted at me.
Agad akong nadismaya at natauhan. Matapos niya akong barilin ay sinigawan naman niya ako. It is okay, but to look at him with Amugay's face doing this to me, I hate it. He does not deserve the face.
"She is the root of all these mess. Baka nakakalimutan mo kung gaano karumi ang politika." I hissed. "She agreed to the plan of letting all of this happen. To this country, to this country's people. Love truly is poison, I get it."
Muli akong pinaputukan ng lalaki ngunit sa pagkakataong ito ay tumama iyon sa aking balikat. Tumilamsik ang dugo mula roon at katahimikan sa loob ng opisina ang sunod na namayani. Napatingin lang ako sa kanila nang tahimik na ikinapagtaka nila lalo. Babaril sana ulit sila nang bigla silang matigil at manlaki ang mga mata.
The serpentine is out. And she is mad.
"Th-that's..." hindi makahuma ang mga guwardiya.
Matapos iyon ay sunod-sunod na pagputok ng mga baril ang narinig ko kasabay ang pag-iwas ko sa mga ito. Mali, hindi pala ako. The one controlling my body now and is taking over is the serpentine in me that is why I cannot fully control everything that will happen later on. Mayamaya pa ay natigil na ang mga pagbaril dahil halos sabay-sabay na silang naglalagay ng bala. The serpentine took advantage of that and with a blink of an eye, she has the President on her hands. Nang makita iyon ng lalaki ay agas niyang sinenyasan ang mga guwardiya na huwag magpadalos-dalos.
"Let her go."
"I will...after you do what I ask you to do."
BINABASA MO ANG
Paradise of Corpses (Trinity Series 3)
FantasiaLilac Serpentine, the chosen one of Ulilang Kaluluwa is once again trapped into another confusion. This time, into a plague with the worst person she knows by her side. A person that once was the reason she locked herself from the hands of anyone...