08 : The Parallel Body

143 18 2
                                    

"So... you really did not stop in the first place."

Boses ni Grunge ang nagpabalik sa akin sa katotohanan nang daanan niya ako at tapikin sa balikat. Animo ba ay may kung anong ibang ibig sabihin nang tingnan ko siya. He has that meanungful grin as he enters the door. Doon na rin ako napatinging muli sa nagbukas ng pintuan at saka napatikhim.

"Didn't thought you'll be here." sambit ko na lamang.

Kitang-kita at damang-dama ko ang pagtingin niya sa akin sa ngayon mula ulo hanggang paa. Ramdam na ramdam ko ang biglaan kong pagkabato sa kinatatayuan ko. I am not afraid, I am just a little nervous.

"You're here." Animo ay dismayado niyang sambit. "Come in."

Marahan akong pumasok at kagaya ng inaasahan ko ay animo ba ay dance studio nga ito. Malawak, malinis, at may napakalaking salamin sa kanang bahagi ng pader. Lahat ng kilos ko ay nakikita pati na rin ang pagsara ni Amugay ng pintuan. Almost a minute of looking around, I can see five foam beds on the floor. On the corners are things that looks like they stole somewhere, in any open store they got in. Lahat sa mga iyon ay nakabalot pa at ni hindi pa man lamang nabubuksan. I get that. They must be here for not too long. Sa kakatingin ay biglang kumabog ang dibdib ko sa nakita ko. Sa kabilang sulok ay may kung anong natatabunan ng puting kumot. Sa hitsura pa lamang noon ay halata nang isang bangkay iyon.

"It won't bite you." si Grunge na nang tingnan ko ay prente nang nakahiga sa isa sa mga foam bed at kumakain ng mansanas. Sinenyasan niya pa ako na ayos lamang na puntahan ko iyon ganoon din si Amugay na nakatingin lamang din sa akin.

Napalunok muna ako bago ako maglakad patungo sa direksyong iyon. Marahan lamang dahil alam kong hindi ko magugustuhan ang makikita ko. Grunge told me yesterday that there are chosen ones here but all I can see is him and Amugay Sindak now. Are the others just outside? Who is covered with this white blanket?

Napakarami ko na kakaagad mga tanong sa isip ko. Hindi agad ako mapakali ilang minuto pa lang akong nakakapasok dito. This is starting to make me feel uneasy. Nang hawiin ko ang puting kumot ay hindi ako lalong makahuma. Lalo akong nagulat.

"Amaya Sindak..." sambit ko habang nakatingin sa bangkay.

Hindi ako magkakamaling siya ang nakahandusay na ito at walang buhay. Itim na itim na ang labi nito at lubog na ang pisngi at mga mata. Payat na payat din ang katawan ngunit hindi siya nangangamoy. Sa tantiya ko sa hitsura niya ay malamang ay nasa tatlo o apat na linggo na itong walang buhay. Nang tingnan ko naman si Amugay ay nakapamaywang lang siyang nakatingin sa akin at sa aking reaksyon. He does not seem to be shocked seeing his sister's dead body. His spoiled sister he will do his best to protect from anyone.

"That's your twin, Amugay." sambit ko na lang. "Who...what killed her? This is a mess. Hindi puwedeng may mamatay sa atin kahit isa dahil maaapektuhan noon ang inagurasyon. Even though I hate her, no one should die."

"Oh please, I hate you too."

Kakaagad akong napalingon sa boses na nagmula sa isa pang pintuang kakabukas lamang. Mas lalo akong naguluhan.

"Amaya?"

There is Amaya Sindak standing alive with blood on her hands and one of her feet missing. Naririnig ko pa ang paglagatik at pagputok ng mga buto niya sa katawan habang bumabalik siya sa kaniyang normal na anyo.

Paradise of Corpses (Trinity Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon