Palinga-linga ako sa paligid habang bumibili ng ice cream si Zero sa tabi-tabi. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinama. Puwede naman na siya na lamang bumili mag-isa. Kailangan niya raw ng kaibigan. Wala ba siyang kaibigan?
Natauhan na lamang ako nang isang cone ng ice cream ang bumungad sa harap ko. Nang nag-angat ako ng tingin ay seryosong mukha ni Zero ang bumungad sa akin. Hawak niya ang ice cream niya sa isa niyang kamay at ang isa ay nakalahad sa akin.
“Here…”
Umiling agad ako. “Hindi ako gutom.”
Kumunot ang noo niya. “Baka matunaw ito.”
“Pero—”
“Alam ko na masama sa ngipin ang ice cream pero wala namang masama kung tatanggapin mo. Pasasalamat ko ito sa pagsama mo sa akin.”
Huminga ako nang malalim at tinanggap ang ice cream na ang tingin ko ang flavor ay cookies and cream. Dinala niya pala ako sa sea park ng La Luca High Ways. Hindi siya gaano kalayo sa Roberto kaya nakikita ko pa rin ang mga istudyante na kapareho ng uniporme namin na gumagala rito.
“M-May problema ka ba?” kinakabahan ko na tanong nang naglalakad na kami patungo sa may bench.
Nakita ko na natigilan siya. Sa gilid ng mata ko ay kita ko ang ilang beses niya na pagbuga ng hangin at umiling-iling pa.
“My Mom and Dad are officially separated,” bigla niyang sambit.
Napasinghap ako at natigilan sa paglalakad. Nang binalingan ko siya ay nanatiling seryoso ang kanyang boses. Hindi ko maiwasan ang malungkot para sa kanya. Ang hirap siguro na gano’n.
“Approved na ang divorce nila. My Mom and Dad married each other outside the country. And because they couldn’t stand each other anymore, they decided to end their marriage life without asking their son’s opinion.”
Ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa kanyang boses. Kumirot ang puso ko sa dahilang nasasaktan ako para sa kanya.
“At hindi ko alam kung saan ako sasama, kay Mommy ba na babalik sa States o sa Dad ko na dito lang,” dagdag niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Sumunod ako sa kanya. Halos hindi ko na maigalaw ang ice cream na bigay niya sa akin dahil sa kanyang ikinuwento sa akin.
“It hurts knowing that I am their only son. Wala akong makakapitan. Hindi ko alam kung saan ako sasama. Maybe I should rebel. Maybe I should run away so they will realize what they’ve done to me.”
Napasinghap ako, napalunok at halos hindi ko maibuka ang bibig ko. Wala kasi akong masabi. Hindi naman kami gaano ka-close para magbigay ng advice. At sino naman ako para magbigay ng advice sa kanya?
Nawala sa kanya ang atensyon ko nang tumulo ang tunaw na ice cream sa palda ko. Mahina akong napasinghap at natigil sa paglalakad. Patuloy lang sa paglalakad si Zero, hindi niya napansin ang pagtigil ko at nataranta ako nang nahulog ang ice cream na dala ko. Nanlumo at nalukot ang mukha ko habang pinagmasdan ang kalat ng ice cream sa sahig. Pinagtitinginan pa nga ako ng ibang istudyante na dumaraan. Kita ko sa kanila ang pagngiwi kaya namula ako sa kahihiyan.
Ang dugyot ko.
Nang napatingin ako sa gawi ni Zero ay nakita ko na natigilan ito sa paglalakad at nagpalinga-linga. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang dumapo ang kanyang mata sa akin. Kitang-kita ko kung paano umawang ang kanyang labi kahit nasa malayo na siya. Nakita ko na agad-agad siyang tumakbo pabalik sa akin.
“What happened?” nag-aalala niyang tanong, hinihingal dahil sa kanyang pagtakbo.
Nagbaba siya ng tingin sa sahig at sa palda ko at agad niyang tinakpan ang bibig niya upang pigilan ang sarili na tumawa. Mas lalo lamang akong nahiya. Agad akong nag-iwas ng tingin.
“Hey, don’t take my laugh seriously, Anastasia.” Hinawakan niya ako sa balikat. “It’s normal to make mistakes. And not all laughs are offensive.”
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumango. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya dahil sa kahihiyan.
“But if I made you upset, I’m sorry. I didn’t mean to laugh at you.”
Yumuko ako. “H-Hindi m-mo naman kailangang mag-sorry.”
“Still…”
Nanlumo pa rin ako. Nasasayangan kasi ako. Binigay pa naman iyon sa akin tapos sinayang ko lang.
Natauhan na lamang ako sa aking kadramahan nang narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga at ang paglakad pabalik sa dinaraanan namin kanina. Umawang ang labi ko at nagmamadali ko siyang sinundan.
“S-Saan tayo pupunta?” tanong ko habang naglalakad-takbo upang makahabol lang sa kanya.
Nilingon niya ako saglit bago ibinalik ang tingin sa daan. “Bibili tayo ulit ng ice cream mo.”
Namilog ang mata ko at agad hinila ang laylayan ng damit niya. Napasinghap siya at natigilan dahil sa ginawa ko. Gulat na gulat ang kanyang mata nang bumaling siya sa akin.
Tiningala ko siya, hawak-hawak pa rin ang laylayan ng kanyang damit. Umiling ako. “Huwag na. Huwag na.”
“Kaunti lang yata ang nakain mo.”
“Okay lang. Okay lang talaga.”
“Hindi, bibili tayo—”
“Hindi na sabi, eh!”
Nagulat ako at pati siya nang tumaas ang boses ko. Nabitiwan ko ang kanyang damit dahil sa gulat. Nagkatinginan kami saglit bago siya ngumisi sa akin. Umawang ang labi ko at namula nang na-realize ko kung ano ang ginawa ko. Nag-iwas agad ako ng tingin at umatras.
“Ang cute mo pala magalit.” He chuckled.
Kumuyom ang kamao ko sa sobrang hiya.
Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga at nagulat na lamang ako nang kinuha niya ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Matamis siya na ngumiti sa akin.
“Hindi na. Sorry na…”
Kumalabog ang puso ko at napakurap-kurap. Napalunok ako at agad umiwas ng tingin. Ano ito? Nasanay na ba ako na ngingiti siya sa akin? Hindi siya palangiti sa pagkakaalala ko. Pinagti-trip-an niya ba ako?
“Hindi na tayo bibili,” dagdag niya at marahan niya akong hinila pabalik ulit sa nilakaran namin kanina.
BINABASA MO ANG
Fill The Gap (Misfits Series #7)✓
Teen FictionA story about a girl with so many dreams in life but became a victim of bullying because of her teeth which led her to lose confidence-widening her distance from people and the opportunities that come to her. Will she able to stand on her own? Will...